Dumeretso si Kiel sa condo ni Albie, niyaya niya itong uminom. Hindi niya napigilan ang emosyon at basta na lang umalis nang hindi man lang sinagot ang dalaga. Maging siya ay nagtataka sa nararamdaman, kung bakit siya naiinis kapag masaya si Joy na nakikipag-usap sa ibang lalaki.
"Common bro, spill it." panimula ni Albie.
"Normal lang ba ang mainis o magalit ka kapag 'yong babaeng mahal mo ay may kausap na ibang lalake?" tanong ni Kiel.
Bigla namang nanlaki ang mata ni Albie sa tanong ng kinakapatid kahit kailan kasi ay hindi ito naglabas ng saloobin tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya.
"Wait? Babaeng mahal mo?" gulat na tanong ni Albie.
"Yeah."
"So may girlfriend ka na?"
Umiling si Kiel bago sumagot "Liniligawan pa lang."
Muntik nang maibuga ni Albie ang iniinom na beer.
"Ikaw nanliligaw? Wow ang isang Vince Kiel Guerrero nanliligaw? At sino naman ang maswerteng dilag na ito do I know her?"
"Yes." sagot ni Kiel. Binaba ni Albie ang lata ng beer at seryosong tumitig sa kaibigan.
"Sino nga?"
"Akala ko babae lang ang chismosa lalaki din pala."
"G*g* ikaw kaya tong nag-ra-rant na parang babae."
"Sayo ako naglalabas ng sama ng loob kasi may experience ka na sa serious relationships, alangan namang kay Alice ako humingi ng advice."
"So sino nga? Kilala ko ba?"
Tumango si Kiel "Si nurse Joy."
"What!?" hindi makapaniwalang bulalas ni Albie.
"Yes, ewan ko ba unang kita ko pa lang sa kanya hindi na siya maalis sa sistema ko. Lagi siyang hinahanap ng paningin ko-"
"Lagi mong namimis at kahit galit siya napapangiti ka pa rin, tinamaan kana pare ganyan na ganyan ako kay Colene dati." biglang lumungkot ang mata niya nang maalala ang kasintahan.
"You missed her?" Kiel.
"Yeah, ni hindi nga ako makatulog kakaisip sa kanya kung ok lang ba siya. Kailangan ko pang uminom para lang makatulog sa gabi." napapailing ang kaibigan bago tumungga ulit ng beer.
"Babalik 'yon bro mahal ka ni Colene."
"Yeah I'm hoping for that bro."
"Anyway, bakit ka nga pala nag mamaktol eh sabi mo naliligaw ka pa lang naman?"
Nangunot ang kanyang noo "Naiinis ako kasi may iba siyang kausap."
Natawa si Albie sa sinabi ni Kiel "Bro natural lang na makipag usap siya sa ibang lalake lalo na kung katrabaho o mga kaibigan niya. Napaka possessive mo naman paano na lang kung kayo na or asawa mo na siya baka pati paglingon sa lalaki ipagbabawal mo na."
"You can't blame me bro, sa ganda niyang 'yon baka nga ikulong ko na lang siya sa bahay kapag asawa ko na siya." nagkatawanan ang dalawa.
"Nagseselos ka wala pa naman kayong label. Saka kana magselos kapag kayo na."
"Doctor ka sa Saint Jude pwede bang ilipat mo yung lalaking nurse na yun sa ibang hospital."
Pinagtawanan lang siya ng kaibigan sa kanyang biro.
Samantala maagang nag paalam sina Joy at Jane sa pamilya ni Red. Hinatid naman sila ng binata sa kanilang bahay at nagpasalamat sa kanilang pagdalo. Sinubukan niyang itext si Kiel ngunit wala siyang nakuhang sagot, tinawagan din niya ang binata ngunit out of reach ito. Hinintay niya hanggang hating gabi ang reply ni Kiel ngunit ni isang text o tawag ay wala siyang natanggap Hanggang sa makatulugan na niya ang paghibintay.
Kinabukasan ay muntik pa siyang ma-late sa trabaho dahil tinanghali siya ng gising buti nalang at ginising siya ng kanyang ina.
Naglalakad siya sa papunta sa nurse station katatapos lang niya maground sa mga pasyente ng mag vibrate ang kanyang cellphone halos mapatalon siya sa gulat dahil galing iyon kay Kiel.
Susunduin kita mamaya after your duty.
Agad naman niyang sinagot ang binata na hintayin nanlang siya parking area.
"Joy may lakad ka ba mamaya? Tara jamming tayo." pag-anyaya ng kasama niyang midwife na si Ann na naka duty din ngayon.
"Naku sis pasensya na may lakad ako ngayon nextime na lang." ani ni Joy.
"Sige nextime sasama ka ha masaya do'n."
"Sige."
After her duty Kiel is already waiting for her. Mabuti na lang at hindi sila sabay ng duty ni Red. Hindi sila masyadong nagkikita ng binata.
"Kanina ka pa?" tanong ni Joy
"Nope, kararating ko lang. Let's go."
"Saan tayo pupunta?"
"Kakain sa labas tapos iuuwi na kita."
Nagulat naman ang dalaga sa tinuran ni Kiel.
"I-iuuwi mo ako?" sabay turo sa sarili.
"Oo iuuwi kita sa bahay niyo, ihahatid kita. Hmmhm ikaw kung gusto mong iuwi kita sa bahay ko pabor na pabor sa akin yun."
Hindi nakaimik ang dalaga.
Self kalma wag kang assumera
Sita niya sa sarili
"Sakay na, tititigan mo na naman ba ako?"
Tumikhim ang dalaga at pumasok na sa kotse.
Sh*t ganun na ba ako kahalata?"
Nag drive thru nalang sila sa isang fast food chain at napagpasyahan pumunta sa isang park. Tinawagan niya ang kanyang inay na wag na siyang hintaying kumain dahil kakain siya sa labas kasama si Kiel.
"We're here." kinalas niya ang seatbelt at bumaba na sila sa sasakyan tinulungan niya ang binata sa pagbaba ng mga pinamili nilang pagkain at inumin. Nagtungo sila sa isang bench sa lilim ng malaking puno ng narra. Walang masyadong tao sa parke dahil weekdays may mangilan-ngilan ding couple na naglalakad lakad.
Pagkatapos mailapag ng maayos ang pagkain ay napagpasyahan nilang kumain muna dahil gutom na rin sila pareho. Nang matapos kumain ay nagsalita ang dalaga
"Ahm Kiel tungkol sa nagyari kagabi-"
"Don't think about it sweetie, kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nag sabi sayo na susunduin kita."
Sweetie? Lord bakit ang sarap sa pandinig? Samantha Joy Castro kalma mo mani mo!
Sita niya sa sarili.
"E bakit hindi ka man lang nagreply sa mga text ko hinintay kaya kita hanggang midnight." nanlaki ang mata ni Joy dahil huli na nang mapagtanto niyang naisatinig na pala niya ang dapat ay sa isip niya lamang. Napangiti naman ng malapad si Kiel sa narinig mula sa dalaga.
"Oh, I'm sorry dead batt ang phone ko kagabi."
"Niyaya kasi kami ni Red dahil birthday ng kapatid niya kasama ko si Jane." paliwanag niya dito. Patuloy lang sa pagkain si Kiel.
"Ah, okay" sagot ni Kiel
"So ok na tayo?" tanong ni Joy sa kanya.
"Mas ok kung tayo na." sagot ng binata.
"Anong tayo na? Manligaw ka muna." nakasimangot na turan ng dalaga.
"Why should I waste time? If your feelings is the same as mine, love me now and I will court you forever." seryosong saad ng binata. Tila napipi ang dalaga sa mga binitiwang salita ni Kiel. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang binata at hinawakan ang magkabilang pisngi.
"Joy I love you, I really do." Hindi pa nakakasagot ang dalaga ay pinaglapat na nito ang kanilang mga labi. Nanlaki ang mata ni Joy habang ang binata ay nakapikit at maingat na hinahaplos ng labi nito ang labi ng dalaga, bahagyang kinagat ni Kiel ang labi niya kaya naibuka niya ang kanyang mg labi, kaya't naipasok ng binata ang dila nito at malayang ginalugad ang dila niya. Napapikit siya dahil nakakaliyo ang sensasyong nararamdaman dulot ng mga halik ng binata. It's her first kiss kaya hindi niya alam kung paano gumanti sa mga halik ni Kiel kaya ginaya na lamang niya ang ginagawa ng binata. Kapwa humihingal nang magkahiwalay ang mga labi para sumagap ng hangin. Nakangiti si Kiel habang nakayuko si Joy hindi siya makatingin ng diretso sa binata dahil pulang-pula ang mukha nito. Niyakap siya ng binata.
"Alam ko, masyadong mabilis dahil kailan lang tayo nagkakilala pero seryoso ako sweetie mahal kita." sinserong saad ng binata.
Nagkatitigan silang dalawa. Muling inangkin ni Kiel ang mga labi ni Joy sa pagkakataong ito medyo agresibo ang mga halik ni Kiel, nagsisismula na ring maglikot ang mga kamay niya kaya naitulak siya ng dalaga. Nabigla naman naman ang binata sa reksyon ng dalaga
"Sorry sweetie i didn't mean to scare you."
"N-nabigla lang ako. Kiel paano ka nakakasigurong hindi mo ako sasaktan?"
"Sweetie I promise, I will never hurt you." Itinaas pa nito ang kanang kamay.
Ngumiti naman ang dalaga sa inakto ng binata.
"So you mean tayo na?"
Tumango tango ang si Joy
"Sweetie say it please." pagsususmamo ni Kiel.
"Anong sasabihin ko?" taas kilay ng dalaga.
"The magic words." agad namang nakuha ni Joy ang ibig sabihin ni Kiel.
"I love you." At niyakap ang lalaking ngayo'y kanya nang kasintahan.