CHAPTER 3

1960 Words
"Sophia." I am stunned, hindi ako maka kilos sa kinatatayuan ko. Akala ko pag nakita ko siya bukod sa galit ko sa kanya, ay wala na akong ibang mararamdaman. Pero ano eto, ni hindi ko magawang gumalaw. This is the very first time na makita siya ng malapitan at marinig ang boses niya at binabanggit ang pangalan ko. "Excuse me. Ikaw po ba si Mr. Henry?" Biglang sumingit si Saturn at tinanong niya ang nasa harapan ko. "Yes I'm Henry Dela Fuente. Who are you?" "Talaga po?!! Ako po si Saturn, kaibigan niya." Tinuro niya ako, pero hindi ko siya tinignan. Hindi ko inaalis ang tingin kay Henry. Hindi ko alam kung bakit, ang daming 'bakit' ang gusto kong itanong sa kanya. "Buti naman at may kasama ang anak ko sa pag uwi niya." Paano niya nakukuhang ngumiti, at tawagin akong anak niya? Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa ay inaya na niya kaming pumasok sa sasakyan, kinuha ng mga sa tingin ko ay personal bodyguards niya ang mga gamit namin. Pinauna niya akong sumakay at ng susunod na sana siya ay hinila ko papasok si Saturn. Habang nasa byahe ay panay lang ang kwentuhan nilang dalawa, at ako ay naka tingin lang sa labas. Pansin ko din na may mga sasakyan na tulad netong sinasakyan namin ang naka sunod sa amin. Another bodyguard? Tss. Ano naman ang magagawa nila, kung ang papatay sayo ay kasama mo sa sasakyang ‘to. They can't save you. "Paano niyo po pala nalaman ang itsura niya? Ang akala po kasi namin, may banner kayong hawak hawak at nandoon ang pangalan niya." Tumawa si Henry sa sinabi ni Saturn. "Paniguradong alam niyo na ang tungkol sa palitan namin ng sulat ng kaibigan niyo. Humiling ako sa kanya na kung pwede bang makita ang anak ko kahit sa larawan man lang. At ang sunod nga niyang liham ay may kasama ng litrato ni Sophia, at masasabi kong kamukhang kamukha siya ng mommy niya." Naikuyom ko ang kamao ko na pasimple namang hinawakan ni Saturn. Hinila ko ang kamay ko at isinuot na lang ang earphone ko. "A-ahh h-he-he g-ganun po ba." Alanganing sagot at tawa ni Saturn.     ~~~~~~~~~~~     Jasper's POV   Prrrrttttt!!!!!! "Whoa! Nice game guys, nice game!" Tapos na ang basketball practice namin. "KYAAAAAAAAA!!!!!! WE LOVE YOU JASPER!!!!" Pero hindi pa tapos ang mga babaeng ‘to sa pag sigaw. Nginitian ko na lang sila at pasimpleng kumaway. "NATHAN!!!! MARRY MEEEE!!" Sigaw ng isa pang babae. "Pfftt!! Pare, bestman ako ha." Pangangasar ko sa kanya pero hinampas lang ako ng tuwalya sa likod. "MICHI BABYYYY!! MY ROOM OR YOUR ROOM??!!" Ano daw??!! "My room for the first round!! Your room for the second round!!! Baby!!" Sira ulo talaga tong isang ‘to. Natatawang tinitignan namin siya ni Nathan habang papunta dito sa pwesto namin. "What? They love me. I'm just returning the favor." Tinawanan na lang namin siya at sabay kami ni Nathan na nag dirty finger. "Awwee!! Ang sweet ng mga babies ko. Pakiss nga." Naka nguso siya habang papalapit sa amin kaya binato ko siya ng lagayan ng tubig ko. Tawa naman ng tawa ang baliw, umupo na lang ako at tumabi kay Nathan. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang phone ko. Pagtingin ko 16 missed calls at lahat ng yun ay galing kay mommy, tatawagan ko sana siya ng mag text siya kaya binasa ko kaagad iyon. [Why you're not answering your phone?! She's going home now. Your dad picks her up.] Shoot!! Oo nga pala!! Dali dali kong inayos ang mga gamit ko at tumayo na habang hinahanap ang susi ng sasakyan ko. "Nathan I have to go." Where are you my key!! "Why in a hurry?" Tanong niya. "Basta—s**t dito ko lang nilagay ‘yun." Nawala pa ata. "Anong hinahanap mo? Your key? Dude you're holding it." Huh? Pagtingin ko nga sa kamay ko, hawak hawak ko nga. Natawa na lang kaming dalawa at nag fist bump. Tinawag ko si Michi na nakikipag landian na sa mga babae niya sa taas at nagpaalam. "BAKIT KA NATATARANTA? BABAE YAN NO?" Sigaw niya habang may kalong kalong na babae sa lap niya at may kaakbayan pa na dalawang babae. "OO!!" Sagot ko sa kanya at nagpaalam na ako. Pero bago pa ako maka layo sa kanila, nilingon ko si Nathan na naka tingin pala sa akin. "Tell him, na nauna na ako." Tinignan ni Nathan yung lalakeng tinutukoy ko na natutulog sa dulo na may naka takip na towel sa mukha. Tumingin siya sa akin at nag thumbs up, at pagkatapos ay tumakbo na ako palabas. Pagdating ko sa parking area na hirapan pa akong maka sakay sa sasakyan ko sa dami ng mga babaeng nag aabang sa akin buti na lang at napakiusapan ko sila. Maingat pero mabilis ang pagmamaneho ko, kailangang nandoon na ako bago sila dumating. Eto na yung araw na hinihintay namin. Ang pag uwi niya. Kaya ng may tumawag kay dad at sinabing uuwi siya dito, lahat kami ay natuwa. Pagka pasok ko sa exclusive subdivision na tinitirhan namin, sa shortcut na ako dumaan. Para siguradong mabilis akong makaka uwi. At pagdating ko nga sa tapat ng bahay namin, kita ko sa loob na wala doon ang sasakyan ni dad at ang iba pa. "Yes!!" Pagka garahe ko ay agad akong lumabas ng sasakyan at patakbong pumasok sa bahay. Na abutan ko ang lahat na abalang abala sa pagkilos. "How about her room? Sigurado ba kayong mabango at malinis ‘yun?" Dito pa lang sa hallway ay rinig ko na ang boses ni mommy. She's not yelling, tama lang. "Baka naman matakot ang mga germs na pumasok sa kwarto niya?" Sabi ko ng nasa likuran na niya ako. "Jasper!! Bakit ngayon ka lang? And you’re not answering my calls!" I kissed her on the forehead pagka harap niya. "Sorry mom, practice." Nahampas niya ako sa braso pero mahina lang naman. "Kaya pala pawis na pawis ka! Go to your room and take a bath." Inamoy ko naman ang sarili ko, mabango pa rin naman ako ah! "Later na ma, baka dumating na sila. I smell good pa naman." "Jasper!!" "Hahaha mom relax ano ka ba. Natataranta ka." Natatawang sabi ko at inalalayan siyang umupo sa sofa. "I'm nervous. Hindi ko alam kung magugustuhan niya tayo--kung magugustuhan niya ako." Sabi na nga ba. "Mom, don't worry. She will like us, she will like it here and most of all she will surely like you. You're one of a kind kaya." Paglalambing ko sa kanya, kung ano ano kasi ang iniisip eh. "Thank you Jassy--Ashton! Usher! Don't run!" Saway niya sa mga kapatid kong nagtatakbuhan. "Ma'am, dumating na po sila." Nagka tinginan kami ni mommy, hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay at nginitian siya. ~~~~~~~~~~~   Kira's POV   Sa buong oras ng byahe namin ay sila Saturn at Henry lang ang nag uusap, pero maya maya ang tanong at sinusubukan akong kausapin ni Henry. I’m pretending that I didn't hear him. Naka earphone ako pero ang totoo ay wala naman akong pinapakinggan na music. Pumasok ang sasakyan na sa tingin ko ay isang subdivision para sa mga mayayaman. Huminto iyon sa tapat ng napaka laking gate, at pagka bukas ay pumasok na kami. Pinagmamasdan ko ang paligid, eto ba ‘yung bahay na dati kong hinangaan dahil sa malake at napaka ganda? Kung eto nga ‘yun, I can say na mas gumanda ang itsura at ang desenyo ay napaka modern at parang dumoble ata ang laki. Huminto muli ang sasakyan pero sa tapat na ng hagdanan at sa ilang hakbang lang pataas ay ang malaking pinto. May nag bukas ng pinto ng sasakyan para sa akin, pagka baba namin ay puro mga katulong ang naka abang sa amin. "Grabe, ang yaman yaman niyo pala." Bulong sa akin ni Saturn na sa gate pa lang ay manghangmangha na. "Tss." Na una ng pumasok si Henry at naka sunod lang kami sa kanya. Pagpasok namin, "WELCOME HOME SOPHIA!!" May mga naka abang sa amin, and I bet eto ang pamilya niya. Ang totoong pamilya niya. Hindi katandaan na babae, dalawang batang lalake na magka mukhang magka mukha. At isang lalakeng naka jersey at parang mapupunit na ang mukha sa laki ng pagkaka ngiti niya. At sa likod nila ay may malaking banner na may naka sulat na, 'welcome home Sophia'. Parang ‘yun lang din naman ang sinabi nila kanina. Lumapit si Henry sa kanila at tumabi sa asawa niya. "Sophia anak. I want you to meet your new family." Napa angat ang isa kong kilay. New family? "This is my wife Elizabeth, your twin brothers, Ashton and Usher, at ang ka edaran mo na si Jasper." Alanganing ngumiti sa akin si Elizabeth, para siyang natatakot na ewan. ‘Yung kambal naman naka tingin lang sa akin. Siguro ang iba ay mahirap malaman, who is who sa sobrang pagkaka hawig nila. Pero ako ay alam ko na agad kung sino ang Usher at Ashton sa kanila sa unang tingin pa lang. At ‘yung Jasper naman ay kumaway lang sa akin pero hindi pa rin na aalis ang pang toothpaste commercial niyang ngiti. Lumapit sa akin si Elizabeth at inasahan ko na, na yayakapin niya ako. "Welcome home iha." This is not my home. Napansin ata ni Saturn na naiirita na ako sa pagkaka yakap ni Elizabeth kaya sumingit na siya. “Annyeonghaseyo!” Pag bati niya kasabay ng pag yuko niya. "Oh! H-hi I'm sorry, who are you?" Finally, bumitaw din sa pagkaka yakap. "My name is Saturn po, kaibigan niya." Pakilala niiya at muling yumuko. "Hi Saturn, hindi namin alam na may kasama si Sophia. Pasensya na, pero magpapa ayos agad ako ng magiging kwarto mo." Napakamot at natatawa na lang ‘tong katabi ko. Nagulat naman ako sa biglaang pag hawak ni Elizabeth sa dalawa kong kamay. "By the way, alam kong gutom na kayo dahil sa byahe. I cooked food, hindi ko alam ang paborito mo pero nagluto ako ng mga masasarap. Let's go?" Naka ngiti niyang aya. Kung nagulat ako sa biglaang pag hawak niya, mas nagulat siya sa ginawa ko. Inalis ko ang kamay niya at nagsalita. "I want to rest." Bahagya siyang napa nganga habang naka tingin sa akin. Lumapit naman agad si Henry at hinawakan niya ang balikat ng asawa niya. "Pasasamahan kita sa katulong." Nag tawag si Henry ng katulong pero pinigilan siya ni Jasper. "Ako na lang dad." Pag pipresenta niya. Itinuro niya ang hagdan kaya na una na ako, at naka sunod lang siya sa akin sa likuran. At bago pa ako muling humakbang, huminto ako at tinignan silang naka tingin sa akin. "Kira is my name. Not Sophia, I don't know her." Plain kong sabi at nagpatuloy na ako sa pag akyat. Matagal ng wala ang Sophia na ‘yun. Pagdating namin sa itaas ay na una na sa akin si Jasper, hinayaan ko naman dahil siya ang nakaka alam ng kwarto ko. Habang papalapit sa mga kwarto, may nakikita ako na hindi kanais nais sa mata. At hinihiling ko na sana hindi kami doon tumigil. Pero naalala ko wala pala akong swerte sa hiling hiling na yan, kaya doon kami huminto. Sa pintuan na kulay pink at may mga paru-paro na design. Great. Nginitian niya muna ako bago niya buksan ang pinto, at mas lalo akong na irita ng makita ko ang loob dahil pink na pink ang kwarto ko. Lahat ng gamit mula sa carpet, kama, mga unan at kumot, ang dingding at ceiling lahat kulay pink. Pumasok na ako sa kwarto habang inililibot ko ang tingin ko. "If you need anything my door is---" I shut the door. I don't need anything. Lalo na kung pagdating sa kanila.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD