CHAPTER 2

2541 Words
"The ninth supreme head is your father." Kahit walang mag salita alam ko na hinihintay nila ang magiging reaksyon ko. Kahit hindi ko sila tignan alam ko na lahat sila ay sa akin naka tingin. "Where can I find him?" Blangko kong tanong. Alam kong nagulat sila sa sinabi ko, base na rin sa reaksyon nila. "Philippines." Diretso niyang sagot. "We know that, the last Supreme head is hiding behind names. How are you so sure that, that man, the last Supreme head and my father is one?" "Like what I’ve said, I did my research and--." "And mails." I cut her off. At halatang na alarma siya dahil doon at binalot ang kwarto ng katahimikan. "Can you leave me and Sakura alone?" Sabi ko sa mga kasama namin, pero kay Sakura lang ako naka tingin. "Wait, can anyone please clear our minds? And Sakura what is this? Are you a traitor?" Padabog na tumayo si Eve. "Please. Leave us alone. I'll explain everything later." Ako na ang sumagot. Inalalayan naman ni Misha si Eve na lumabas ng wala etong balak na kumilos. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay tumayo ako at lumapit kay Sakura na naka yuko. "K-Kira I'm very sorry. Ayokong maging katulad ka namin, wala na kaming pamilya o kamag anak man lang. But you, you still have your father—kaya’t hinanap ko siya ng ilang taon and when I found him I sent mails to him and told him about you. He responded quickly at gustong gusto ka niya na makita as soon as possible but I said that, it's very complicated and you don't know about our changing of mails. But while doing my research about the last Supreme head, I didn't expect that it was him--" Nagulat siya ng bigla ko siyang niyakap. "I know Sakura. Alam kong nagawa mo lang ‘yun para sa akin." Inangat niya ang mukha niya at nakita kong nangingilid ang luha niya. “Hindi ka galit?” Tanong niya. "No. But can you do me a favor? Can you give me all the mails?" "Hai! Don't worry, hindi ko binuksan yung para sayo. I have my own mails from him, pero paano mo nalaman ang tungkol doon?” I just shrugged and smile at her and pat her head. "Kira!! Don't give me that kind of smile. Wait, is that because I'm not an assassin like you?" Natawa naman ako sa sinabi niya. "Don't be like me Sakura. Stay what you are now." Hindi assassin si Sakura. Pero forte niya ang pag hack ng mga system at pag kolekta ng mga impormasyon. At ayokong matulad siya sa amin. Lalo na sa akin.   ~~~~~~~~~~   After namin mag usap ni Sakura, naipaliwanag ko na rin sa grupo ang lahat. Ang akala daw nila traydor sa grupo si Sakura. Ipinaliwanag ko na bago pa man niya malaman na ang last Supreme head at ang tatay ko na kapalitan niya ng sulat, ay iisa lang. Nagtanong din sila kung paano ko daw nalaman na may sulatan na nangyayari. Kinuwento ko na ilang beses ko siyang napapansin na parang may kakaiba at may itinatago sa amin. At dahil sa isa akong assassin, na train ang talas ng pakiramdam at kutob ko. At tama nga ang hinala ko na may kakaiba sa kanya ng sundan ko siya isang gabi at may pinuntahan na isang bahay malayo sa tinitirhan namin. Hinintay ko siya noon sa labas, at hindi rin naman nagtagal ay lumabas na siya ng bahay at patay lahat ng ilaw na ikinataka ko. Kaya pagka alis niya ay hindi ko na siya sinundan at pinasok ko ang bahay. Pagpasok ko ay maayos ang loob, halos nalibot ko na ang buong bahay pero wala naman akong nakitang kakaiba. Halos araw araw ko siyang sinusundan at palaging ganun ang nangyayari, papasok siya at lalabas din kaagad. Kaya napag pasyahan ko na umaga pa lang ay mag bantay na ako sa labas ng bahay na ‘yun. At hindi nga nasayang ang paghihintay ko at pagsunod sa kanya. May mail man na huminto sa tapat ng bahay at may sobreng ipinasok sa ilalim ng pintuan, pagka alis ng mail man ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at binuksan ang pinto. Kinuha ko ang sobre na nasa lapag at nakita ang buong pangalan ni Sakura, at ang pangalan ng taong nagpadala. Henry Dela Fuente. Aaminin ko noong nabasa ko ang pangalan na ‘yun, hindi ko alam na siya pala ang ama ko. Wala akong ideya tungkol sa pagkatao niya. Na aalala kong nagku kwento ang mommy ko tungkol sa kanya, pero lagi lang niyang sinasabi na mabait ang ama ko. Mabait nga. Iniwan kami.   Flashback   "Mommy where are we?" Paglabas namin ng airport sumakay agad kami ng taxi. "Philippines baby." My mom answered, habang naka ngiti. This was my first time here in the Philippines. "Why are we here? Are we going to celebrate my third birthday here?" I’m so excited. Tumawa siya at hinawakan ang baba ko. "Yes baby. Together with your dad." Nagulat ako sa sinagot niya. "My dad? For real mommy?!!" Napatalon ako sa sobrang tuwa. Because this will be my first time to see and meet him. Our trip lasted for hours. The taxi stopped and dropped us in front of a big house. And I was amazed at what I'm seeing right now. "Mommy!!!!! I have a party??" Rinig kasi dito ang lakas ng tugtog at tawanan ng mga tao sa loob. I almost squeal, and when I look at my mom, I saw her crying while looking inside. Kaya napatingin din ako sa loob. There are lots of balloons, kids, and clowns, and I saw a big and tall cake in the middle of the crowd. And a young boy is standing in front of that cake. He surrounded by not so old man and woman behind him, and I guess the older boy standing beside him is his brother. After they sing the happy birthday song, the young boy blew the candle. And they greet him a happy birthday. "Mom?" She wiped her tears and look at me. "Let's go baby." She smiled. But I know behind that, she's hurt. I just don't know what is the reason.   End of Flashback   ~~~~~~~~~~~~   Naikuyom ko ang sulat na binabasa ko, at tumatak ang huling mensahe niya sa akin. “I am very excited to see you, my Sophia. My daughter.” Daughter? Tss. Itinapon ko ang sulat sa kung saan. I wasted my time to read those crap. Bakit ko nga pa pala binasa iyon, mamamatay ka rin naman. Binuntis niya ang mom ko, iniwan kami. And he's part of the people behind my mom's death. Why the hell you did that!! "Drinking alone? Too selfish." Nagulat ako at agad na napatayo ng marinig ang boses na yun. "Sir Cross." May hawak hawak siyang lukot at naka bilog na papel, tinignan niya iyon at iniabot sa akin. Kinuha ko naman iyon at inilagay sa bulsa. "Can I have one bottle?" Turo niya sa iniinom ko. "Yes Sir." Kinuha niya ang inabot kong bote ng alak at ininom agad iyon. "C'mon Kira walang tao. So quit being too formal." Tumingin tingin ako sa paligid at ng makitang wala ngang ibang tao ay agad akong yumakap sa kanya. "Papa." Niyakap din niya ako pabalik. Ang boses ko. Parang nagsusumbong na bata. "I already knew, they told me." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at inaya akong umupo. Si Sir Cross o papa kapag kaming dalawa lang. Siya ang tumulong sa akin upang bumangon at maka layo sa masalimuot kong nakaraan. Tulad ko ay kinupkop din niya sila Knightly, Eve, Misha at Saturn. Si Sakura naman ay anak ng namatay niyang kaibigan at kasamahan sa trabaho. He is also an assassin. At hindi ako natakot ng malaman iyon. At isa iyon sa ugali ko na nagustahan niya. Kaya't lahat ng alam niya ay itinuro niya sa akin, hanggang sa gawin niya kaming isang grupo ng mga assassin. We kill not for money. We kill for justice. Iyon ang itinatak niya sa isipan namin. Halos lahat ng kwento namin ay magkakapareho, may mga mahal kami sa buhay na inagaw sa amin. At lahat sila ay nakamit na ang hustisya na hinahangad nila. Ako? Nagsisimula pa lang. "Life is full of surprises. You don't know what will happen next or what things are coming to you." Yeah full of s**t surprises. "So what is your plan?" Tanong niya pagkatapos niyang uminom. "I don't know." It's true. Wala pa akong plano, hindi ko alam ang gagawin ko. Matagal ko na siyang inalis sa buhay ko. Pero ang galit at sakit na nararamdaman ko hindi mawala wala, at ngayong nalaman ko na may kinalaman siya sa pagkamatay ng mommy ko, lalo ko lamang siyang kinamumuhian. "You hate your father right? It's easy for you to kill him. At ngayon, ay may mas malaki ka ng dahilan." Napatingin ako kay papa, seryoso lang ang tingin niya sa unahan namin. Galit nga ako sa kanya at ang galit na iyon ay mas lalo pang nadagdagan. At sapat na iyong dahilan upang patayin siya. "Go to Philippines." Napa angat ako ng tingin, hindi ko namalayan na naka tayo na pala siya at naglalakad palayo sa pwesto namin. "I already bought you a ticket, this is your next mission. And don't give me a mission failed." At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Ininom ko ang natitirang alak sa bote at tumayo. Hinawakan ko ang kwintas na regalo sa akin ni mommy at tumingin sa langit. ~~~~~~~~~~~   "NO KIRA!!!!! YOU ARE NOT LEAVING WITHOUT MEEEEEE!!!" Naka tingin lang ako kay Saturn habang mahigpit na naka hawak sa binti ko at umiiyak. "HUHU SASAMA AKO SAYOOO!!" Pakiramdam ko basang basa na ang pantalon ko sa kakaiyak niya. "Saturn!! Umalis ka nga diyan at manahimik ka na, ang sakit mo sa tenga!" Inis na saway ni Eve sa kapatid niya at sinusubukan na hilain paalis si Saturn sa binti ko. "NOOOO!!! I'm staying here!!" Pagmamatigas niya at lalong hinigpitan ang pagkapit sa akin. "You stupid!! Ni wala ka ngang ticket eh, umalis ka na dyan at ma-late pa si Kira sa flight niya!" Napa pikit na lang ako dahil nagsisigawan na silang magkapatid sa harapan ko.   "Ha! Yan ang akala mo! Ako ang inutusan ni Sir Cross na bumili ng ticket, kaya I bought two, one for Kira and one for me. Behlaaaaat!!" "Aba't---akin na nga yan!!" Pilit na kinukuha ni Eve ang ticket na pinakita ni Saturn, hanggang sa nag aagawan na sila. Napa buga naman ako ng hangin at nag salita. "Stop." Mahinahon kong sabi, at tumigil naman sila. Hinawakan ko ang damit ni Saturn at hinila iyon pataas para umalis siya sa pagkapit sa binti ko. Sinenyasan ko siyang umupo, naka tayo lang ako sa harapan niya habang nakapa mulsa. Naka yuko naman siya at nilalaro ang kamay niya. He's sobbing. Tss. "Fix your things." Bigla niyang inangat ang mukha niya at tinignan ako na para bang hindi makapaniwala. "What?! No Kira!! Wag kang magpadala sa drama ng koreanong ‘to. Mag ayos ka na at ihahanda ko na rin ang sasakyan." Kontra ni Eve na ikinasimangot agad ni Saturn. "No Eve. He's coming with me." "What?!!" Protesta niya na ikina balik niya sa harapan ko. "Ayusin mo na ang gamit mo, bilisan mo at baka mag bago pa ang isip ko." Sabi ko at hindi pinansin ang pag protesta ni Eve. Samantalang ngumiti naman ng malaki si Saturn at nilingon si Eve kasabay ng pangangasar niya sa ate niya. Pagkatapos niyang asarin si Eve ay may kinuha siya sa likuran ng sofa at inilabas niya mula doon ang dalawa niyang malalakeng bagahe. "I'M READYYYY!!" Sigaw niya. "Mukha nga." Natatawa kong sagot.   ~~~~~~~~~~~~   "Aray! Aray! Aray! Eve, meomchwo! Meomchwo!!" [Stop it! Stop it!] "Malaman ko lang na nagpapasaway ka kay Kira, pupuntahan talaga kita sa Pilipinas at kakaladkarin kita pauwi dito sa France. Arasso?" [Understood?] Sunod sunod na tumango si Saturn at ng tanggalin ni Eve ang kamay niya sa tenga ng kapatid ay mabilis siyang nagtago sa likuran ko. "Sadist eh?" Natatawa kong sabi kay Eve. "Tss. Tama lang ‘yun sa batang yan!! Basta sabihin mo kung nagpapasaway sayo yan bibili agad ako ng ticket papuntang Pilipinas at seryoso ako na kakaladkarin ko siya pabalik dito!!" Duro niya kay Saturn. "Pasalamat ka, mas matanda ka kesa sa akin kung hindi.." Pagmamayabang niya. "Bakit anong gagawin mo?!!!" Nagtago ulit sa likuran ko si Saturn ng lumapit sa kanya si Eve, at akmang susuntukin. "E-eh di wow!!" Sagot ni Saturn. Natawa na lang kami sa bangayan nilang dalawa. Nagtitinginan na din tuloy yung ibang tao, pati kasi dito sa airport nagsisigawan sila. "Kira, it's time." Tawag sa akin ni Knightly, tumingin ako sa relo ko at oras na nga. Niyakap ko siya at sunod naman ay si Misha na nangingilid pa ang luha sabay tingin sa salamin niyang always ready. Tapos titignan kung ok pa ba ang make up niya. "I'm going to miss you, sissy. Call us every day huh." "Misha naman parang magtatagal ako doon. Sandali lang ‘yun." "I have this feeling kasi na baka pag nagustuhan mo doon. You stay there na." Natawa naman ako sa sinabi niya. "You are my family. And my family is here. Wala ng iba." Ngumiti siya sa akin at muli akong niyakap. "Take care of yourself, Kira, I told Mr. Henry that you are coming, at inaasahan ka niya.” Ng makapag paalam na kami sa lahat ay pumasok na kami ni Saturn sa loob, kaso sa kakulitan niya sumilip pa siya sa may pinto at sumigaw. "Babye tandaaaaaa!!! Behlat!! Hahahaha!!!" Hindi ko na napigilan at natawa na talaga ako sa pangangasar niya, alam niya kasing di na makakaganti si Eve sa kanya dahil nasa loob na kami. Pero lalo akong natawa ng akmang susugurin ni Eve dito sa loob si Saturn, buti na nga lang at nahawakan siya ni Knightly. "Mapang asar ka talaga sa ate mo." Tinawanan niya lang ang sinabi ko at dumiretso na kami ng lakad.     ~~~~~~~~~~     Pagka tapos ng napaka tagal na byahe, narating na din namin ang Pilipinas. "Ilang beses ka ng nakarating dito?" Tanong ni Saturn na halatang naka tulog sa sobrang haba ng byahe. "First." Pag sisinungaling ko. Lahat ng alaala ko noong bata pa ako ay tinapon ko na, at isa na doon ang unang beses na nakarating ako dito. "Sabi ni Sakura susunduin daw tayo dito. Paano natin malalaman, hindi natin alam ang itsura ng daddy mo. Alam mo ba?" Agad na umiwas ng tingin si Saturn, dahil kahit na naka suot ako ng salamin alam niyang tinitignan ko siya ng masama. "A-ahhh h-hehe baka...b-baka may banner silang hawak tapos pangalan mo ang naka lagay. ‘Yun ang hahanapin ko." Paikot ikot siyang naghahanap ng may humahawak na banner at naka lagay ang pangalan ko. Pero ako ay naka tayo lang at naghihintay. "Sophia?" May tumawag sa pangalan ko na matagal ko ng hindi naririnig, pero hindi pamilyar ang boses na ‘yun. "Sophia, anak?" Ngayong sinabi na niya ang nakaka iritang salita na ‘yun. Alam ko na kung sino siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD