Chapter 1

1971 Words
Xyre's POV Jeez. I'm super duper late sa first day. Damn the traffic. Si Mama naman kasi di ako ginising ng maaga alam naman niyang first day ngayon ng klase. Hayys. Dagdag pa tong guard na ayaw akong papasukin. "Kuya guard naman eh. Dali na kase. Super late na ako sa first period ko oh" pag pupumilit ko at todo katok sa gate ng paaralang papasukan ko. "Ineng naman,alam mo naman palang late kana sa klase mo nagpupumilit kapa mamaya kana lang na hapon bumalik bawal kona talaga buksan ang gate eh. Alam mo naman sigurong nasa rules yan. Bawal na magpapasok ng istudyante kapag oras na ng klase" inis na angil nito sakin. Tama naman si kuyang guard eh. Kaya wala na akong nagawa kundi ang hintayin ang mamayang hapon. Bwisit naman eh first day morning class ko aabsent pako. Pero hindi talaga ako papayag na hindi ako makakapasok ngayong umaga. Pumunta muna ako sa pinakamalapit na cafe para mag-cr at mag isip ng paraan kung pano ako makakapasok ng paaralan ng hindi dumadaan sa gate at hindi nalalaman ng Guard. Pagkapasok ko ng cafe ay dumiretso agad ako sa CR. Habang nag iisip ako ay biglang may tatlong babaeng pumasok sa CR na kapareho ng suot kong uniform. Taka ko silang tiningnan dahil oras ng klase at bakit nasa labas pa sila. Hindi kaya late din sila? Pero imposible wala akong nakitang istudyante kanina pag alis ko ng school gate. Napansin siguro nila na tinitingnan ko sila kaya tumingin din sila sakin. "May problema ba miss?" Aniya ng babaeng morena at mayroong mahabang pilik mata. "Ah itatanong ko lang sana kung late din ba kayo? Hindi din ba kayo pinapasok ni Kuya Guard?" Ani ko Kunot-noo akong tiningnan ng dalawa na para bang sinasabi nilang pinagloloko koba sila at yung isa naman ay bahagyang tumawa't umiiling-iling pa. Teka may mali bakong sinabi? "Alam mo miss para kang tanga" ani nito habang tumatawa at bigla na lang silang lumabas ng CR. Narinig kopang sinabihan ako ng isa sa kanila ng baliw. Whuut? Nagtatanong lang naman ako ah. Pinalis kona lang ang ulo ko at lumabas na ng CR. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako ng tumigil ako at tiningnan ang paligid ko. Takte. Pano ako nakapasok dito? Tiningnan ko ang mga iilang estudyanteng naglalakad sa harap ko. Nakapasok nga ako sa paaralan pero paano nangyari yon? Ang naalala ko lang ay nag iisip ako ng paraan para makapasok ng hindi dumadaan sa gate. Paano nangyari yon? Nasa ganon pa din akong posisyon ng narinig kong tumunog ang bell hudyat na tapos na ang first period. Umiling na lamang ako at mas inalalang mas kailangan kong pumasok sa sunod kong klase kesa isipin ang nangyari. Mamaya kona lang iyon iintindihin pag tapos na ang klase ko. ---- "Are you even listening Miss?" "Yes ma'am" napatungong wika ko "I hope na di na ito mauulit pa. Do you understand?" Napatango na lang ako. "Okey. You may now go to your next class". Tumango na lang ulit ako at dahan-dahang lumabas ng Principal's office. Nasa klase nako kanina ng ipinatawag ako ng Principal dahil daw nalate ako sa first period at first day pa. Hayys. Pabalik nako sa classroom ng may mabangga ako. "Sorry" nakayukong ani ko "Tsk stupid" wika ng taong nabundol ko Kunot-noo ko siyang tiningnan na pinagsisihan ko naman agad dahil sa lamig ng mga tingin niya sakin. Naestatwa ako sa mga tingin niyang niyon. Maya-maya pa ay nilagpasan niya na ako. Teka tinawag niya ba akong stupid?! Naiinis na nilingon ko siya ngunit gayon na lang ang pagtataka ko ng diko na siya nakita. "Asan na yon? Bat bigla siyang nawala?" Ani ko sa isip ko. Ipinagkibit balikat kona lang iyon at dumiretso na sa classroom. "Xyre!" Tawag sakin ng kaibigan kong si Lassy "Bakit?" "Di kita nakita kanina ah. San ka?" Ngiting-ngiting tanong nito "Ah ano nalate ako sa first period eh hehe" naiilang na sagot ko "Ah ganon. Wait have you heard?" Kinikilig na aniya Nagtataka ko siyang tiningnan at tumabi sa upuang katabi niya. "Omo. May transferee daw kasi and as I've heard he's super hot" kilig na kilig na wika nito Napataas na lang ang kilay ko. Tsk lalaki kaya siguro kilig na kilig ang bruha. Well,the hell I care anyway. Napatango na lang ako sa sinabi niya at kinuha ang notebook ko para sa klaseng ito. Wala pa naman ang Prof kaya naisipan kong mag soundtrip na lang muna, habang nakikinig ako sa music ay bigla na lamang nagkagulo ang room at nagtakbuhan ang mga babae sa bintana. Ohhhhh-keyyyy what's happening? Dahil sa ingay at gulo sa room inalis kona lang ang earphones ko at sakto naman na dumating ang Prof kaya nagsibalikan na din sila sa kanya-kanyang upuan. "Good morning class" wika ni sir "Good morning sir" sabay-sabay na bati namin pabalik "Before we start alam naman na siguro ninyo na may transferee,right? At maswerte kayo dahil magiging kaklase niyo siya" ngiting-ngiting wika nito na kulang na lang ay pati gilagid ay makita namin. "s**t OMG" "Ang swerte nateennnn" "Sir pakilala mona dali" Kanya-kanyang bulungan ang narinig ko. Sino ba ang transferee na ito at bakit siya pinagkakaguluhan? "Okey class be quiet" pagpapahinto sakanila ni sir saka siya lumapit sa pinto at parang may tinawag. Unti-unti kong nakita ang piguro ng isang lalaki habang naglalakad papunta sa harapan hanggang sa nagtama ang mga paningin namin. Wait-what? Siya? Nakita kona naman ang mga mata niyang walang kaemo-emosyon at kasing lamig ng yelo. "s**t!" I cursed inside my mind at dali-daling iniwas ang tingin ko. N-nakita ko,nakita kong panandaliang naging kulay apoy ang mata niya. What was that? "Okey mister kindly introduce yourself" ani ni sir "Grey Marfori" wika nito Kahit na sobrang ikli ng pagpapakilala nito ay hindi nawala ang mga komento ng kapwa ko estudyante. "Ang hot ng name" "Ang hot na nga niya tingnan ang hot pa ng pangalan niya" "I know right" "My future husband" "Back off b***h" Sari-saring komento ang narinig ko pero diko pa rin maiwasang isipin ang nakita ko kanina. Totoo ba yon? ----- Hanggang ngayon iniisip kopa din kung totoo ba yung nakita ko kanina o baka guni-guni ko lang iyon. "Huy" "Naka ng-!" Gulat kong ani at tiningnan ng masama ang may gawa nun. Si lassy pala. "Ano ba bat kaba nanggugulat!" "Hello! Kanina pa kaya kita kinakausap dyan pero lutang ka duhh" wika niya "Lalim ng iniisip natin ah,ano ba yon?" Dagdag na wika nito habang ngumunguya. Tiningnan ko ito ng nakakadiri "Whut?" "Ubusin mo nga muna laman ng bibig mo" inis na wika ko Tinawanan niya lang ako sabay lunok ng nginunguya niya "HAHAHHAA so ano nga? Bat ang lalim ng iniisip mo?" Pangungulit nito "Wala. May iniisip lang ako" sagot ko "Ano ba yon?" "Kanina kasi habang nakatingin ako kay Grey parang nakita kong naging kulay apoy yung mga mata niya" lintana ko "Yung transferee? Alam mo Xyre nababaliw kana. Bat naman magkakaganon mata niya? Ano siya may superpowers?" Aniya habang tumatawa "Tsk sabi na eh dika maniniwala" "Eh hindi naman kasi kapani-paniwala HAHAHHAHAA" "Psh" nasabi kona lamang pero baka nga guni-guni ko lang yon. Ewan. --- Umuwi ako sa bahay ng sobrang pagod. Pano ba naman kasi eh first day pa lang andami na agad na pinagawa tas andami rin namin agad na ipapasa. Tapos kanina pagdaan ko sa gate sa school takang-taka pa si Kuya Guard na nakatingin sakin narinig kopa nga siya na bumulong na "siya yon di ako pede magkamali pero di ko din naman siya kanina nakitang dumaan sa gate. San kaya dumaan yon?" Sabay iling-iling niya "Sweety kakain na!" Sigaw ni mama galing sa baba "Opo, bababa na!" Sigaw ko pabalik Patakbo akong bumaba papunta sa dining table. "Dahan-dahan naman baka madapa ka" suway sakin ni papa "Eh nagugutom nako Pa eh" nakanguso kong sabi "Oh siya-siya kumain na tayo" ani mama Habang kumakain kami panay ang sulyap ko kina Mama at Papa. "Kung sakanila ko kaya itanong? Hindi pwede baka pagtawanan din nila ako" wika ko sa sarili habang umiiling. "What is it sweety?" Ani ni Papa "Po?" "Kanina kapa panay sulyap samin ng Mama tapos umiiling kapa" sagot niya. Napansin pala nila yon hehe Napabuntong hininga na lang ako bago magsalita "Papa, Mama pwede ho magtanong?" Saka ko sila tiningnan. "Ano ba yon iha?" Mama "Posible po bang may mga taong nabubuhay na may mga kapangyarihan?" Tanong ko Sabay na nag-tinginan sina Mama at Papa bago nila sagutin ang tanong ko. "Posible naman iyon kung may magpapatunay ika nga nila to see is to believe" ani Mama "Bakit anak nakakita kana ba?" Halata sa boses ni Papa ang pag-aalala at pagkatakot Kunot-noo ko siyang tiningnan bago sumagot "Kase po kanina yung transferee namin nung tinitigan ko siya sa mata parang nakita kong naging kulay apoy mata niya. Pero sabi ni Lassy baka daw po guni-guni ko lang daw yon. Saka imposible daw po" paliwanag ko Sabay na napabuntong hininga sina mama at alanganing ngumiti sakin. "Basta anak kung ano man makita mong mga bagay-bagay isipin mona lang na imahinasyon mo lang yon o hindi totoo." Wika ni Mama Nagtataka man ay tumango na lang ako sa huwestiyon ng ina at ipinagkibit balikat na lamang iyon. Pagkatapos kumain ay tinulungan ko muna si Mama sa pag-liligpit ng pinagkainan bago dumiretso sa kwarto ko para gumawa ng mga assignments. Nakadapa akong gumagawa sa kama ko ng biglang humangin ng malakas. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko dahil dun galing ang malakas na hangin. "Sinarado kona to ah?" Wika ko Sinaraduhan kona lang ulit ito at patungo na sana sa kama ko ng may marinig akong tumatawag saakin. "Xyre" Ang boses na yon. Hindi ako pedeng magkamali yon ang boses na naririnig ko mula pa noong bata ako. "Xyre. Xyre tumakbo kana Xyre." Hanggang sa nakarinig ako ng kaluskos. Nagmumula iyon sa may bintana. Dahan-dahan akong lumapit sa bintana. Kahit kinakabahan at natatakot ay nilakasan ko ang loob ko at hinawi ang kurtinang naka harang dito. Laking gulat ko ng may makita akong di inaasahan. Malaking mata kulay pula galit itong nakatingin sa akin. Parang gusto niya akong patayin. Parang uhaw na uhaw siya. Unti-unti akong umaatras ng bigla nitong basagin ang bintana ng kwarto ko. Di ako makapagsalita umatras ako ng umatras hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng binti ko sa dulo ng kama ko. "s**t!" Wika ko sa isipan ko. Kahit nanginginig sa takot ay nilakasan ko ang loob ko at nagsalita. "S-sino ka? A-a-anong kailangan mo sakin?" Tanong ko "Grrrrrrr" angil nito sabay labas ng dila. Diko na alam ang gagawin ko. Nararamdaman kona ang mga tumutulong pawis galing sa noo ko. Tatakbo na sana ako ng bigla itong tumakbo ng napaka bilis papunta sa puwesto ko. "AAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko at unti-unting nawalan ng malay pero bago kopa maisara ang mga mata ko nakita ko sina Mama at Papa na pumasok sa kwarto ko. Hanggang sa hindi kona alam ang mga sumunod na nangyari. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD