Chapter 2

1805 Words
Nagising ako ng habol ang hininga ko at masakit ang ulo. Teka ano bang nangyari kagabi? Pilit kong inalala lahat ng nangyari. Naalala ko ang nakita kong halimaw kagabi at ang tangkang pagsugod nito saken. Yung bintana?! Mabilis kong tiningnan ang bintana at laking gulat kona lang ng makitang wala itong bakas ng pag kabasag. Pero hindi ako pedeng magkamali alam kong nabasag ito. Kunot-noo ko pa rin itong tinitingnan ng biglang pumasok sa kwarto si Mama. "Oh anak gising kana pala" "Ma,may naaalala ka po ba sa nangyari kagabi?" Taka ako nitong tingnan bago sumagot "Ano bang pinagsasabi mo? Bakit may nangyari ba kagabi?" Tanong niya Umiling na lang ako bilang sagot. Pero sigurado talaga ako na nakita ko sila kagabi dito sa kwarto. Di kaya nananaginip na naman ako? "Nga pala nak,baba na't kakain na. Ako na mag aayos dito sa hinigaan mo." Mama Ngayon na lang ulit si Mama nagkusa na ayusin ang kwarto ko. Weird. Bumaba na lang ako para kumain. Pagdating ko don naabutan ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo niya. "Pa,may nangyari po ba?" Tanong ko Tila nagulat pa ito sa tanong ko dahil nakita ko ang pagtaas ng balikat nito. Binaba nito ang dyaryo at tiningnan lang ako na parang walang nangyari saka siya nagkibit-balikat sakin. Bakit parang ang weird ngayon nila Mama at Papa? "Sabi ko naman sayo anak wag mona lang intindihin ang mga nakikita mo kasi mga imahinasyon mo lang ito" untag ni Mama "Pero Ma-" "Wala ng pero-pero anak. Kung ano-ano na iniisip mo" Mama Napatungo na lang ako saka dahan-dahang tumango. Habang patungo ako sa paaralan ay iyon pa din ang iniisip ko. Dahan-dahan akong naglalakad ng may bigla na lang sumagi ng balikat ko na muntik ko ng ikasubsob sa lupa. "Ano ba! Dika ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?!" Inis kong ani dito Tiningnan ko ng masama ang taong may gawa non sakin. "Kung dika ba naman isang malaking tanga na tutunganga lang sa daan edi alam mo sanang muntik ka ng mabundol ng kotse kanina" walang ka emo-emosyong wika nito "Tanga talaga" dagdag pa nito saka ang nilampasan Aba't! Psh kung wala lang akong iniisip ngayon malamang kahit takot ako sa mata niya baka nasagot kona siya. Weirdong Marfori! Tama kayo,ang walang hiyang lalaking tumawag sakin ng tanga ay walang iba kundi si Grey Marfori. Aga-aga nambu-bwisit agad eh. Nasa iisang subdivision lang pala kami? Ba't ngayon ko lang yon napansin? Hayys yaan na nga. Pagdating ko sa loob ng room ay pinagkaguluhan agad ng babae si Grey. Pero as usual wala ata sa bukabularyo niya ang salitang "bati" o "ngiti" eh. Dumiretso lang siya sa upuan niya saka dumukdok. Yung ibang babae naman ang sama ng tingin saken. "Xyre! Omo Xyre hihi" abot tengang ngiti ni lassy "What?" "Ikaw ha why did you two are together? Are you hiding something to me ba?" Oh and here comes her conyo language "Why would I hide something from you? And jeez nakasalubong ko lang siya." "Weh? Really?" "Yeah" bored kong sagot saka umupo sa upuan ko Tumigil na ito sa pang-uusisa dahil dumating na ang Prof namin. Habang nasa klase kami ay diko maiwasang di mapakali. Para kasing may nakatingin sakin. Nilibot ko ang tingin ko pero lahat naman sila nakatingin lamang sa nagtuturo sa unahan. I just shrug it off. Maybe I was just imagining things again. ------ "Xyre,you should eat. You look pale." Nag aalalang sabi ni lassy "I'm fine lass. I'm not hungry also." "Did you eat breakfast?" "Ah I ate bread and milk." I said which is true kasi hindi naman ako masyadong nakakain kanina dahil nga sa iniisip kong nangyari kagabi na wari ko'y imahinasyon ko lang sabi nina Mama. "You should eat kahit konti" "Maybe later" napabuntong hininga na lamang ito sa sinabi ko. Alam naman kasi niya na di niya ako mapipilit. Nasa kalagitnaan kami ng sunod na klase ng naramdaman kona naman na may nakatingin sakin. This time it's getting worse. I can feel my hands shaking,cold sweats are falling from my face. I feel unsafe and scared at the same time. "Xyre can you hear me?" Tiningnan ko ang katabi kong si lassy at halata sa mukha niya ang sobrang pag aalala at takot "Omaygad Xyre you look paler than earlier at pinagpapawisan ka din ng malamig. s**t" Diko na alam ang sunod niyang sinabi dahil unti-unti ng dumidilim ang paningin ko. Naramdaman kona lamang na umangat ako at may mga brasong halos yakapin nako. "Hold on Xyre" wika nito bago ako mawalan ng malay. ------ Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Where Am I? What happened? Pilit kong inaalala ang nangyari pero sumasakit lamang ang ulo ko. "Ano ba! Hindi ba kayo marunong makinig! Hindi siya puwedeng kausapin ngayon,tanungin niyo na lang siya pag okey na siya. Hala sige! Layas!" Histerical na wika ni.......Lassy? Anong nangyayari? Bigla na lang may humawi sa kurtina ng clinic na kinalalagyan ko. Ngayon ko lang din napansin na nasa clinic pala ako. "Hayys ang mga babae na yon hindi maruno-- omaygad you're gising na!" Ani Lassy na akala mo bingi ang kausap niya. "Wait are you okey? Do you feel well? Do you want me to call the nurse? Ohmay what should I do." "Calm down Lass. I'm okey now. What happened?" "Omo you forget what happened? Do you still know me? Do you have amnesia? Ohmay!" O.a na wika nito Binatukan ko nga. "Aw that hurts" "Yeah I know. And you'll be hurt more if you don't stop being o.a. tsk. Ofcourse I still know you. I called you in your name remember?" "Oh yeah hihi" "So what really happened after I passed out? And why are you so nosy outside?" "Well Grey's fangirls are freaking out. They want to talk and contfront you about what happened earlier." "Why? What happened? What do I do with that emotionless guy?" "Omo he's the one who brought you here ihhh" kinikilig na wika nito "And he carried you in a bridal style. That's why his fangirls are going hysterical" dagdag pa nito. But wait- siya ang nagdala sakin dito? Ibig sabihin siya yung...... O to the M to the G s**t! ------- Pagkauwi ko sa bahay ay daig kopa ang naospital ng isang buwan sa pag alalay nina Mama at Papa. "Ma,Pa I told you I'm okey now. No need to worry" I said in a calm voice "But still sweety. Sabi ko naman kasi sayo wag kana mag isip ng kung ano-ano. Yaan tuloy,tingnan mo anong nangyari sayo sa katigasan ng ulo mo." Utas sakin ni Mama "Eliza,hayaan mo nga ang anak mo. Saka sabi niya naman okey na siya." Wika ni Papa. "Basta anak pag may naramdaman kang mali o may sumakit sayo,tawagin mo lang kami. Okey?" Dagdag pa nito Napatango na lang ako bilang sagot. Mga to' o-o.a parang si lassy psh. "Sige na baba na kami ng Mama mo." "Okey po Papa" Tila ayaw pa ni Mama na bumaba pero nahila na siya ni Papa. Nakita kopa ng sulyapan ako ni Mama bago sila tuluyang nawala sa paningin ko. Hayys. Naiisip kopa din ang nangyari kanina. Ang weird sa pakiramdam na para talagang may nanonood sakin pero diko alam kung kanino. Sasabihin ko ba kina Mama? Baka sabihin na naman nila na imahinasyon kona naman iyon. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng pakiramdam ko kumakalam na ang sikmura ko. Di nga pala ako kumain kaninang tanghali. Bumaba na ako para kumain. Pagkababa ko ay narinig kong nag-uusap sina Mama at Papa. Mukhang seryoso ang usapan nila. "Eduardo,kinakabahan ako sa maaaring mangyari" Mama "Eliza andito ako. Poprotektahan ko kayo kahit na anong mangyari. Wag kang mag-alala" Papa Napabuntong hininga si Mama bago sumagot. "Eduardo hindi kaya oras na para sabihin natin kay Xyre ang totoo?" Si Mama. Pero teka,ako ba ang pinag uusapan nila? At saka anong totoo iyon? May hindi ba ako nalalaman? "Eliza,hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi pa ito---" "Anong hindi pa ito ang tamang panahon Pa? At saka anong totoo?" Kunot-noo kong tanong na mukhang ikinagulat naman nilang dalawa. Sabay na nagtinginan ang dalawa bago ako sagutin ni Papa. "Wala anak. Pinag uusapan lang namin ng Mama mo ang paglipat mo ng eskwelahan" "Ha? Ano po? Teka paglipat? Kakasimula pa lang ng klase ililipat niyo agad ako? Bakit? Sa anong dahilan pa?" Lito kong tanong sakanila "Anak napag usapan na namin to ng Mama mo." Bigla na lamang siyang tiningnan ni Mama ng may pagtataka na parang wala siyang alam sa pinagsasabi nito pero bigla itong nakabawi. "Ah ano-- Oo anak ililipat ka namin ng Papa mo. Sa eskwelahang mas maganda at mas nararapat sayo." Sang-ayon ni Mama "Po ano? Ayoko po! Bigyan niyo muna ako ng magandang rason para pumayag ako sa gusto niyo!" Inis kong wika saka patakbong bumalik ng kwarto ko "Anak teka---" diko na alam ang sunod na nangyari dahil sinarado kona ang pinto ng kwarto ko. Padabog akong umupo sa kama ko at inis na ginulo ang buhok ko. "Aish! Ano ba kasing rason nila at gusto nila akong ilipat. Aaaaahhhhh! Nakakainis!" Wika ko. Bigla kona lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Oo nga pala kakain sana ako. Pero nawalan na ako ng gana dahil sa sinabi nila. "Aish bahala na nga" untag ko saka nahiga sa kama hanggang sa dalawin uli ako ng antok. Kinaumagahan pag gising ko ay yon uli ang sinabi sakin nina Mama tungkol daw sa pag lipat ko. Kaya kahit na gutom na gutom na ako ay nilayasan kona lang sila at naglakad papunta sa paaralan. Inis na inis ako dahil sa gutom ko at sa paglipat sakin nina mama. Nasipa kona lang ang batong nakita ko. "Aw" sabi ng kung sino Mabilis ko itong tiningnan at ganon na lang din ang dagdag ng inis ko ng makitang si Grey pala ito. Nilampasan kona lang siya. "Don't you know how to say sorry?" Wika nito Inis ko itong nilingon. "As far as I can remember dalawang beses mo akong binunggo pero hindi ka man lang humingi ng sorry." Sagot ko dito sabay irap "Tsk whatever" wika nito at nilampasan ako take note binangga na naman ako nito Lalampasan ko din sana ito ng may maalala ako. Siya pala yung nagdala sakin sa clinic kahapon. Pero mataas pride ko kaya hindi ako magta-thank you. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa maramdaman ko uli ang kalam ng sikmura ko. "Pft.." mahinang tawa ng nasa likuran ko. Inirapan ko lamang ito at saka lumakad ulit. "Mukha niya. Mukha siyang tipaklong." "Pft. Tipaklong pala ah" dagdag ng nasa likod ko saka ako nilampasan. Wait,did he just read my mind? "Tanga,ang lakas kaya ng boses mo" Dagdag pa nito Napanganga na lang ako sa sinabi niya. A-ano?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD