Chapter 3

1761 Words
Inis akong naglakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin. "Oh bat parang mangangain ka? Anong nangyari sayo?" Tatawa-tawang wika ni Lassy. Inis ko siyang tiningnan. Bat ang aga nito? "Bat ang aga mo?" Singhal ko rito "T-teka lang naman. Bat parang galit ka sakin? Inaano kaba?" "Wala. May nakasabay lang akong pusa tapos nabangga ako." inis pa ring wika ko "Pusa? Nabangga ka ng pusa? Baka naman ikaw ang bumangga?" "Ewan, basta binangga ako. Ikaw ba? Bat ang aga mo?" Tanong ko rito "Wala naman. Feel ko lang pumasok ng maaga." "Ang sabihin mo magpapapansin ka lang dyan sa Grey na yan"wika ko "Ikaw naman parang dika pa nasanay saken,eh ganito na talaga ako" "Wala ka namang siniseryoso" pang-iinis ko dito "Well ganun talaga pag maganda ka, wag seseryoso masasaktan ka lang"ani nito "Ewan ko sayo"sagot ko dito't naupo na "Ikaw nag-uusap pa tayo nilalayasan mona ako" pagalit na wika nito Diko na lang ito pinansi't nagreview na lang ng notes ko. Maya-maya pa ay dumating na ang Prof namin. Naging maayos ang morning schedule ko. Kaya ngayon ay heto kami ni Lassy sa cafeteria para mananghalian. "Myghad,grabeng quiz yon ah 1-70 di man lang nagsabi na magq-quiz ngayon"stress na stress na wika nito. Tiningnan ko ito ng nagtataka. "Baliw nagsabi kaya si sir kahapon na magq-quiz ngayon bago ako nawalan ng malay. Nakalimutan mo ba? Naaalala ko pa nga eh." "What? I can't remember anything. Bat di mo man lang ako sinabihan!" Nanghihinayang na wika nito "Malay ko ba. Akala ko alam mo eh. Ano bang pinaggagawa mo't nakalimutan mo?" Tanong ko rito "Aish ewan hayaan mo na nga lang" "Okey. Magsabi ka lang kapag may problema ka ah. Andito lang ako."wika ko sabay ngito rito Sinuklian niya naman ako ng ngiti kaya't nagsimula na kami kumain. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa sunod naming klase. Mahirap na't baka malate kami magka detention slip pa kami. Habang naglalakad kami papunta sa classroom ay hindi ko maiwasang lumingon sa paligid ko. Parang may nararamdaman akong kakaiba. Parang may mangyayaring masama. Ipinagsawalang bahala kona lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang last subject Prof namin ng may narinig kaming nagsisigawan at nagsisitakbuhan. Maya-maya pa ay may pumasok sa classroom namin at biglang sumigaw.. "May demonyoooooooo!" Saka ito nagtatakbo palabas Nagkagulo ang buong estudyante pagkatapos itong sabihin. Kanya-kanyang takbo at kuha ng kani-kanilang gamit ang mga kaklase ko. Habang si Lassy naman ay sobrang higpit ng pagkakahawak saki't nanginginig pa. "Xy, I'm scared." Nanginginig na wika nito "Don't worry we'll be fine. Andito ako." Pagpapagaan ko dito pero kahit ako'y natatakot na rin "Umalis na tayo dito, Xy." "Okey. Let's go." Wika ko at nakipagsabayan na kami sa mga estudyanteng nagsisitakbuhan palabas ng paaralan. Diko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo at ni Lassy sa paaralan at pumunta kung saan kami ligtas. Takbo lang kami ng takbo. Sa laki ng campus alam kong malayo pa ang gate mula sa amin. Nagpalinga-linga ako ng makita ko ang storage room malapit sa abandonadong building ng college students. "Halika Lassy doon tayo. Magtago muna tayo." Wika ko dito sabay hila papasok ng storage room "Xyre baka makita tayo dito." Takot na takot na wika nito "Shh be quiet" Maya-maya lang ay wala na akong narinig na ingay mula sa labas. Titingnan ko na sana ng biglang may malakas na pwersa na nagsirado nito ulit at bigla na lang ako nakarinig ng isang pagsabog. "Ahhhh-"agad kong tinakpan ang bibig ni Lassy ng sumigaw ito. "Shh waga kang maingay baka makita tayo" "But may sumabog baka mahuli na tayo!" Hesterical na ani nito "Shhh di tayo mahuhuli. Okey?" Tumango naman ito Napatingin ako sa pinto. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sakin na tingnan ko ang nangyayari sa labas. Huminga ako ng malalim at kahit na natatakot ay binuksan ko ang pintuan at tumingin sa labas. Ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko si Grey na may hawak na nag-aapoy na espada at napapalibutan siya ng demonyo. "Ibig sabihin totoo nga! Totoo nga na nakita kong nag-apoy ang mga mata niya nung first day of class!" Wika ko sa sarili Pero paanong nangyari? Sino siya?! Sino o ano ka ba talaga Grey?! Maya'y may biglang lumabas na Dragon na apoy mula sakanya. Nag-ipon ito ng enerhiya at isang nakasisilaw na liwanag ng apoy ang ibinuga nito. Dahil sa ginawa nito ay para akong nahilo at unti-unting nawalan ng malay. Nagising ako ng nasa kwarto na ako at gabi na rin. Bigla akong napaupo. Akala ko panaginip lang ang lahat pero nakita kong suot kopa ang uniforme ko kanina. "Ibig sabihin totoo ang mga nangyari!" Wika ko sa sarili Dali-dali akong bumaba at nagtungo sa dining table. Naabutan ko doon sina Mama at Papa na kumakain. "Oh anak buti naman at gising kana. Pasensiya na at nauna na kaming kumain ng Mama mo. Mukha yatang pagod na pagod ka kaya ang haba ng tulog mo." Nakangiting wika ni Papa "Pa, Ma ano pong nangyari? Sino ang naghatid sakin dito sa bahay? Ano daw pong nangyari sa mga demonyo? At saka kumusta ho si Lassy?" Sunod-sunod kong tanong "Anak teka lang. Isa-isa lang mahina ang kalaban. Ano bang pinagsasabi mo? Anong sinong naghatid sayo? Saka demonyo? Ano ba yon anak?"takang tanong ni Papa "Ano kaba anak umuwi ka kaya dito. Nakita pa nga kita kanina. Tinanong kita kung kumusta klase sabi mo okey naman. Saka anong demonyo pinagsasabi mo anak?" Dagdag ni Mama Gulat ako sa mga sinabi nila. "Po? Hindi Mama, Papa kanina po sa school m-maraming demonyo. Nagsitakbuhan pa nga po kami eh. At saka y-yung kaklase ko ho na sinabi ko sainyo na parang umapoy ang mata totoo po yon. Nakita ko mismo!" Pagpapaliwanag ko "Anak ano ka b-" "Mama totoo nga po. Itanong niyo pa po kay Lassy kasama ko siya kanina. Doon kami nagtago sa storage room, Mama!" Dagdag ko pa "Anak ano ka ba baka nananaginip ka lang. Nakausap ko kanina si Lassy sa telepono. Dika daw niya makontak. At saka yang mga demonyo-demonyo na yan tigilan mo nga yan. Kakapansin mo yan sa mga bagay-bagay na kikita mo kahit di naman totoo eh." Wika ni mama sa medyo pagalit na tono "Oo nga naman anak tama ang mama mo." Papa Napayuko na lang ako. Kung tama ang sinasabi nila edi panaginip lang pala talaga lahat ng nangyari? Pero bakit parang totoo? Bat ayaw kong maniwala sa kanila? Weird. Kumain na lamang ako at pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto para makapagbihis at makatulog na. Pero kahit nakahiga na ako ay yon pa rin ang laman ng isip ko. Bakit parang may mali? Bakit parang totoo? Sa lalim ng pag-iisip ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako kinabukasan dahil sa lakas ng alarm clock ko. Pababa na ako ng hagdan ng marinig kong nag uusap sina Mama at Papa. Mukhang seryoso. "Ayaw mo ba talaga ilipat siya Eliza? Mukhang nanganganib na siya dito. Mas ligtas siya don kumpara dito." Papa "Eduardo gusto ko mang malaman niya ang totoo ayaw ko ring mawalay siya sa atin. Anak ko siya, anak mo siya. Anak natin." Wika ni Mama "Ma, Pa anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko at ramdam ko ang sobrang pagkagulat nila at pag-iwas "Ah wala sweety. Napag-usapan kasi namin ng Papa mo na wag kana ilipat ng school kasi baka mahirapan ka." wika ni Mama. Biglang nawala sa isip ko lahat ng narinig ko ng sabihin niya yon. Walang mapaglagyan ang katuwaan ko dahil sa sinabi nila. Sa wakas ay pumayag din silang dito na lang ako mag-aral at wag ng ilipat pa. "Waaahhh salamat Mama, Papa." Sigaw ko sabay lapit at yakap sakanila "Okey okey sweety. Take your seat and eat your breakfast baka malate kapa niyan." Papa Para akong tangang nakangiti habang kumakain. Maging nung paghatid sakin ni Papa hanggang sa makarating ako sa classroom ay sobra pa rin ang ngiti ko. "Saya natin ah,parang kahapon pumasok ka dyan na parang mangangain. Ngayon naman parang kang sinaniban ng mabuting kaluluwa. Bintana pa lang nakita ko na ang malaki mong ngiti eh" pang-aasar ni Lassy "Pake mo ba. Eh masaya ako eh." "Eh bakit nga? Dapat may rason diba? Alangan namang wala?" Tanong pa nito "Siyempre meron! Nakapagdesisyon lang naman sina Mama na wag na akong ilipat ng paaralan HAHAHAHHA" tawa ko na parang rinig hanggang kabilang building "Omg seryoso!?" Gulat na wika nito "Oo nga" "Waaaaaahhhhhhh omg omg yiiieeee" tili't sigaw nito Tingnan niyo parang kanina ako yung sobrang saya ngayon siya na HAHAHHAHA "Omg buti naman at pumayag sina tita't tito. Akala ko talaga magkakahiwalay tayo huhu" "Hindi na" Nasa gitna kami kami ng pagkakasiya ng maalala ko ulit yung kahapon. Gusto kong magtanong sa kanya dahil hindi talaga ako naniniwalang panaginip lang yung kahapon. Parang totoo lahat ng nangyari. "Oh bat natahimik ka? Di ka ba masaya?"tanong nito sakin "Ano kaba masaya ako. May gusto kasi sana akong itanong."wika ko "Ano ba yon Xyre?" "May naaalala ka ba sa nangyari kahapon?" "Ha? Bakit mo naman natanong?" Nalilituhang tanong nito "Kasi kagabi may napanaginipan ako na marami daw demonyo dito sa paaralan tapos nagtago tayo sa storage room. Tapos nakita kong nakikipaglaban sa mga demonyo si G-Grey." Wika ko "Ha? Anong klaseng panaginip yan?" "Ewan di ko din mapaliwanag eh" ani ko pa "Pero alam mo Xyre ang weird eh" nalilituhang wika nito "Bakit naman?" "Kasi kanina pag-gising ko parang may nakalimutan akong di ko maalala. Sinubukan ko namang alalahanin pero wala talaga." Pagpapaliwanag nito Takang-taka ko siyang tiningnan sinusuri ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" "Oo nga pero sabi ni Mommy baka daw naalimpungatan pa daw ako kaya ganoon." dagdag na sabi nito "Pero baka naman wala lang talaga yon. Baka naalimpungatan lang talaga ako at baka nanaginip ka lang din talaga atsaka si Grey? Pano naman niya yon magagawa, di ba?" Kung kanina'y seryoso ito ngayon naman ay tumatawa na ito. "Oo nga naman. Pano niya naman iyon magagawa?" wika ko sa sarili Siguro nga panaginip lang ang lahat. Baka kung ano-ano lang talaga ang iniisip ko at napanaginipan ko iyon. Iginala ko ang aking mata at hinarap ang taong kanina pa nakatingin sakin. Si Grey. Agad itong nag-iwas ng tingin. Grey Marfori, siguro nga panaginip lang ang lahat at hindi totoo. Kung panaginip man iyon ay sana wag ng maulit pa. Dahil sobrang nakakatakot at wala akong alam kung pano ko iyon haharapin sa katotohanan. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD