Jerson
Putik! Kanina pa ako change nang change ng position pero 'di pa rin ako makatulog. Ano ba yan! Si Ric rin 'di nagri-reply. Saturday na bukas at kailangan kong mag recharge dahil may lakad pa kami ng mga kaibigan ko.
Teka, 'di ba kinuha ni Jashea ang number ni Elmar kanina? Ibig sabihin, may communication na si Jash at si Elmar! Kailangan kong mahingi ang number ni Elmar.
Kinuha ko ang phone ko sa table tapos hinanap ang number ni Jash, pagkatapos kong mahanap ay tinawagan ko ito agad. "Tsk. Bakit antagal?" Nabibingi na ako sa dialing at connecting tone.
What? Number busy?! Ano bang klaseng buhay to! Ngayon pa hindi ma-contact si Jash na may importante akong kukunin sakaniya. Dinial ko ulit ang number pero number busy pa rin. Ano kaya pinaggagawa ng babaeng 'yon at hindi niya masagot ang tawag ko? Tinext ko nalang siya na i-forward saakin 'yung number ni Elmar.
"Baby? Bumaba ka muna rito!" Sigaw ni mama mula sa ibaba.Inilapag ko 'yung ang phone ko sa table at lumabas ako ng kwarto. Pagkababa ko ay hinanap ko agad si mommy at nakita ko siya sa sala.
"Ano po 'yon?" Tanong ko. Napansin ko na may tinatago siya sa likuran niya.
"Hulaan mo," She giggled. I'm not really in the mood for this game kaya binigyan ko lang siya ng 'sorry-pero-tinatamad-akong-manghula' look.
"Tada!" Sabi niya tapos pinakita niya sakin ang susi sa kamay niya.
"What's that?"
"Baby, I think it's obvious naman na susi ito, 'di ba?" Tumango lang ako at naghintay sa susunod niyang sasabihin.
"I bought you a new car, I think ayaw mo ng gamitin ang old car mo kaya naglalakad ka nalang papunta sa school." She said.
"No mom, gusto kong maglakad papunta sa school kasama si Jash. It's a healthy routine." I explained to her.
"No baby, gamitin mo na 'yung bagong sasakyan na binili ko pa sa'yo, after all pwede mo namang sunduin si Jash sa kanila para sabay na kayong pumunta sa school." Pangungulit ni mommy. I really appreciate her effort pero ayoko kasing tinatrato akong baby ng parents ko. They're giving me everything kahit na hindi ko hingin sakanila.
"Mom--"
"Whether you like it or not you will use your new car. Para iwas pagod na rin. Ayokong napapagod 'yung anak ko. Paano pa't binilhan kita ng magarang sasakyan kung hindi mo naman gagamitin?" Tumango nalang ako, kasi kung hindi ko 'yon tatanggapin for sure mangungulit na naman si mommy at pipilitin na naman akong gawin ang gusto niya. Ayokong gamitin ang mga bagay na binibili nila para saakin. Show off masyado sa school, ayoko sa ganon. Gusto kong kaibiganin ako ng mga tao 'di dahil sa pera pero dahil sa personality at character ko.
Pagkatapos kong kunin ang susi ay bumalik na ako sa taas. Wala ako sa mood para makipag-kuwentuhan kay mommy about sa studies ko. Open ako sa lahat ng bagay kay mommy except for one. hindi pa niya alam na gay ako, natatakot akong sabihin sakaniya kasi baka hindi ko matanggap ang magiging reaksyon nila ni daddy. Baka itakwil ako ng mga magulang ko if they'll know that I'm not straight, I'm their only child and it might be hard for them to know na hindi ko sila mabibigyan ng anak in the near future. But, kahit naman ganito ako hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko, I'm always doing my best and I want to be the best sa paningin ng parents ko kaya ayokong madisappoint sila saakin. Kahit na mahirap saakin na itago 'yung nararamdaman ko, pinipilit ko pa rin kasi mahal ko ang mga magulang ko at ayokong magalit sila saakin.
Alam kong may tamang panahon kung kailan ko sasabihin sakanila. Naghihintay lang naman ako sa tamang tiyempo. Yung panahon kung saan maiintidihan nila ako at mamahalin pa rin nila ako 'pag nalaman nila 'yung totoo.
Umupo na ako sa kama at kinuha ang aking ipod, mahilig din ako sa pakikinig ng music, kaya nga mas lalo kong nagustuhan si Elmar kasi music lover din siya. Although hindi ako marunong kumanta kasi pang banyo lang ang boses ko, I always appreciate and love music.
Pagtingin ko sa phone ko ay may 2 missed calls, what? Baka si Jash 'to!
Dali-dali kong binuksan ang phone ko at tinignan ang call logs ngunit nagulat ako nang malaman kong hindi si Jashea ang tumatawag. It's from an unregistered number.
Hindi ko nalang tinawagan ang nag-missed call, what for? Kung importante talaga 'yung sadya niya edi sana nagtext na siya. Baka nagkamali lang ng dial.
***
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggaling sa bintana na tumama sa mata ko. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at bumangon, nagunat-unat lang ako kaonti tapos inabot ang phone ko sa side table, pagtingin ko may dalawang missed calls. 'Yung isa galing sa number na hindi naregister tapos 'yung pangalawa ay galing kay Ric. Ric? Oo nga pala! May lakad kaming tatlo ni Jash. Buti nalang pala at binilhan ako ni mommy ng bagong car. Yes! Ang ganda ng tiyempo ng bagong sasakyan ko.
I got up from my bed and stared at my reflection on the mirror. Hindi ba ako kamahal-mahal? Ayos lang naman 'yung itsura ko ah. I don't have pimple marks in my face, I have fair skin at bagay din saakin 'yung haircut ko. But why do I feel like Elmar doesn't like me? Baka sa simula lang 'yon. I'm sure if he will get to know me, he will be able to see me as a likable person.