Chapter 12

1090 Words
Jerson Habang papabalabas kami ng gate ni Jash ay naramdaman kong may kulang sa mga gamit ko.  "O? Anong nangyari? May naiwan ka ba sa loob?"  "Wait lang, pupunta muna ako sa locker ko. Naiwan ko ata 'yung isang libro ko e, I need it for my report." Sabi ko at tumakbo ako papasok sa campus. Kailangan ko kasing gawin 'yung report ko tonight at kailangan ko 'yung libro ko as sources ng content ng report. Napaka-clumsy mo, Jerson. Sa lahat ng pwede mong maiwan 'yung libro mo pa!   "Bilisan mo ah! Tignan mo o! Dumidilim na!" Sigaw niya mula sa malayo, tumango lang ako at tumakbo papunta sa locker ko.  Hindi pa rin nawawala yung pakiramdam ko nang makausap at makasalamuha ko si Elmar. Hindi ko na ata huhugasan 'tong kamay ko. Kidding! Habang naglalakad ako papunta sa locker room ay nadaan ko ang audio theatre, nanlamig ang katawan ko at bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Nakikita ko pa rin si Elmar habang tumutugtog. Minumulto na ata ako. Tsk.  Pagdating ko sa locker room ay kinuha ko agad ang susi ko at binuksan ang locker. Nandito lang pala ang Math notebook ko? Hindi tuloy ako nakagawa ng activity kanina kasi wala sa bag ko 'yung notebook, ang duga naman o! Kinuha ko na ang notebook at libro ko.  "Ops! Sorry." Sabi nung lalaki na nakabangga saakin habang inilalagay ko 'yung naiwang gamit ko sa bag. Wait, parang pamilyar 'yung boses niya.  "It's okay." Sabi ko tapos tinignan siya ng maayos, kinukuha niya ang gamit niya na nalaglag sa sahig.  "Tulungan na kita." Alok ko. "Hindi, wag na. Ako na." Sabi niya tapos tumingala, biglang nagiba ang expression ng mukha niya, mula sa pagiging masaya ay naging gulat. Bakit?  "Lenon." Sabi ko at pinilit kong ngumiti sa harapan niya. "J-Jerson," Nauutal-utal pa siya nang sabihin niya ang pangalan ko, yumuko siya ulit at mas lalong binilisan ang pagligpit sa nalaglag na gamit niya at tumayo.  "Okay ka lang?"Tanong ko, namumutla kasi siya e.  "A, oo! o-okay lang ako. Sige ha, mauna na ako, may gagawin pa kasi ako." Sabi niya at kumaripas ng takbo.  I sighed. Ayaw niya ba akong makita? Ganon na ba kalaki 'yung galit niya saakin? Ano ba 'tong gulong pinasukan ko? Ayoko ng away, kabago-bago ko pa lang dito sa school may galit na agad saakin. Hay. Pinasok ko na ang gamit ko sa bag at naglakad paalis.  "Ay putek!" Bulaslas ko nang may biglang tumunog sa sahig. Napayuko ako at hinanap ko ang bagay na mukhang naapakan ko sa sahig.  Nakita ko ang sirang ballpen sa sahig. s**t! Kaninong ballpen 'to? Sinong nagkalat ng gamit nila rito? Naalala ko bigla si Lenon, it must be his pen. Nakita ko kasi siya kanina pinupulot yung mga pencils at ballpen niya sa sahig nung ma-bangga niya ako, baka sakaniya 'to. Oh my gosh! Nasira ko 'yung ballpen niya, graba pa naman 'yon magalaga ng mga gamit niya. I'm sure maiinis na naman 'yon saakin 'pag nalaman niya ang tungkol dito. Napatayo ako sa kinauupuan ko at isa-isang kinagat ang kuko ko. Paano kung sa maliit na bagay na 'to malaking 'yung impact sa pag-aaral niya? Paano kung maghanap siya ng ballpen? Paano kung hindi niya masagutan 'yung mga quizzes at assignments dahil nawala 'yung ballpen niya? Paano ko 'to papalitan ni hindi nga siya lumalapit saakin?s**t Jerson, stop overthinking!   Naglakad na ako pabalik sa gate, siguradong natunaw na si Jash sa kakahintay saakin.  "Jerson!" Napalingon ako sa likuran ko. "O? Kit?"  "Pauwi ka na?" Tumakbo siya papalapit saakin, naka jersey pa siya tapos naka-jacket dala-dala ang bag niya.   "Oo." Sagot ko. Napansin ko ang pawis na tumutulo mula sa ulo niya papunta sa leeg at sa loob ng mismong shirt niya.  "Sabay na tayo?" Alok niya.  "May kasabay na ako, naghihintay sa akin si Jash sa gate. Sabay kasi kaming uuwi ngayon." Sabi ko sakaniya.  "Ganon ba? Hatid nalang kita sa gate." Alok niya ulit. Ang kulit naman ng taong 'to.  "Sige ba." Pumayag nalang ako. Mukhang hindi ako tatantanan ng tao 'to e.  Sabay na kaming naglakad sa corridor, gabi na, I shivered because of the cold air. Gabi na kaya, tapos naglalakad pa ako dito sa corridor, ang lamig-lamig ng hangin tapos wala pa akong dalang jacket or something napang-iwas lamig.  "Nilalamig ka?"  Tumango lang ako, bigla siyang huminto sa paglalakad at hinubad ang jacket niya.  "O? Anong ginagawa mo?" Tanong ko.  "Wear this, para 'di ka lamigin." Inabot niya saakin ang jacket niya.  "Ikaw?" Tanong ko.  "I'm fine." Sagot niya at ngumiti, 'yung ngiti na nakakaloko. 'Pag may mga babae na nakatingin sakaniya ngayon for sure magtitilian talaga sila.  Sinuot ko na 'yung jacket tapos naglakad na kami ulit. Hindi na kami nagimikan ulit. Thanks to his jacket, hindi ko na ako nakakaramdam ng lamig. "Sige Jerson, mauna na ako." Pagpapaalam ni Kit.  "Wait, 'yung jacket mo!" Sigaw ko sakaniya.  "Bukas mo nalang ibigay saakin, para di ka ginawin sa daan." Sabi niya at tuluyan ng umalis.  Siniko ako ni Jash, "O? Problema mo?" Tanong ko sakanya.  "Anong nangyari sa inyong dalawa? Anong ginawa mo at natagalan ka?" Sunod-sunod niyang tanong. "Pwede ba Jash, pahingahin mo naman ako. Una sa lahat, natagalan ako dahil nadatnan ko dun si Lenon tapos nabangga niya ako at nalaglag ang mga gamit niya, tapos naapakan ko ang ballpen niya." "Tapos?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.  "Tapos nag-isip pa ako ng paraan kung paano ko maibibigay sakanya 'yung ballpen na pampalit ko sa lasog-lasog na ballpen niya, kaya ayun. Natagalan ako. Kilala mo naman si Lenon, kabisado niya lahat ng gamit niya. Alam niya kung ano'ng nawawala at kulang sa mga properties niya." Hiningal pa ako pagkatapos kong magsalita.  "Sure ka?" Tumango lang ako. Kakapagod magsalita.  "Bakit kayo magkasama ni Kit na lumabas? Tapos suot mo pa ang jacket niya. Ano'ng ginawa niyo sa loob?"  "Nakita niya lang ako sa corridor kaya lumapit siya, and for your information siya 'yung unang nag-approach saakin hindi ako, at siya rin 'yung nag-alok na ihatid ako sa gate." Sabi ko. Bumuka 'yung bibig niya at alam ko namang may itatanong pa siya kaya inunahan ko na, "At 'yung about sa jacket, ibinigay niya saakin 'to nung naglalakad kami kasi ang lamig-lamig at napansin niya atang nilalamig ako, and take note, tumanggi po ako sa alok niya kaya lang mapilit siya kaya tinanggap ko na. Alam kong hindi ako tatantanan ni Kit." Ngumiti ng nakakaloka ang gaga. Nabaliw na ba siya? O nasapian lang ng maligno sa puno?  "O? Ngiti-ngiti ka diyan. Ano na naman iniisip mo?" At this time ako na yung naiirita.  "Ang haba ng hair mo bessy. Captain pa talaga ng basketball team ng school na 'to ang nag-alok sayo ng jacket. Wow! Bilib na talaga ako sayo!" Sabi niya tapos pumalakpak.  I rolled my eyes ta her. "Loka-loka! Tigilan mo nga ako, ano? Gusto mo pa bang umuwi o mananatili kalang dito sa campus?"  "Uwi na tayo." Sabi niya tapos hinila niya ako palabas ng gate.  Mabait din pala si Kit? Hindi ko inasahan na gagawin niya 'yon saakin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD