VII

3568 Words
NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Bambi sa masaya na bungad sa kaniya ni Kayde habang papasok siya sa loob ng opisina. Ayaw niyang kausapin o kahit salubungin ang mga titig ni Kayde dahil kaagaad na bumibilis ang t***k ng puso niya at nanghihina ang tuhod—sa sobrang kahihiyan. Mabuti hindi na muling bumisita ang mga kaibigan niya. Nakakahiya talaga. “May problema ba tayo?” Biglang basag ni Kayde sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa. “Magmula ng kumain tayo sa labas ay naging malamig ka na’t umiiwas.” Bumuga siya ng marahas bago sumagot. “Sa dami mong pasabog ng gabi na ‘yon sa tingin mo ba talaga may mukha pa akong maihaharap sa iyo ngayon?” Tumitirik ang mata na pagbabalik niya ng tanong. “Mabuti na lang, hindi na nagpakita ulit ang mga kaibigan mo kundi hihilingin ko na kainin na ako ng lupa sa kahihiyan.” Natatawang binalingan siya ng binata. “They don’t mind. Hindi mo kailangan mahiya dahil mas makapal ang mukha nila.” “Pero kasi—” Nahihiya pa rin siya sa tuwing naalala ang mahabang speech na ginawa niya. “—bakit hindi mo kasi sinabi kaagad o ‘di kaya ay pinigilan ako ng umaga na ‘yon. Baka isipin nila masyado akong judgemental.” “Hindi ba?” Ani Kayde na hindi makapaniwala. “Kaya pala nag-iwan ka ng hundred fifty pesos ng gabing ‘yon at nang pangatlong beses natin nagkita ay two hundred naman ang iniabot mo.” Kumunot ang noo niya. “Hey! Pinagagaan mo ba ang loob ko o mas pinamumukha mo ang pagiging husgadera ko?” “Bambi Husgadera—” Tango-tango na pang-aasar nito. “Bagay!” “Leche ka!” Pabulong na sigaw niya dahil parehas silang nasa opisina. “H’wag mo nga akong kausapin.” Mahinang natawa si Kayde. “Iyan ang nakilala kong Bambi, matalim ang tabas ng dila.” Inungasan niya ito. “Paano mo na sabi?” “I noticed. Bi, magmula ng gabing ‘yon nakita ko na ang ugali mo.” Tinignan siya mula ulo hanggang paa nito bago muling nagsalita. “Ang mga taong tahimik na katulad mo, nakakatakot mapuno.” “Kaya pinupuno mo pasensya ko?” Usisa niya sa binata habang nakataas ang kilay niya. “Alam mo masama ako mapuno pero lakas pa rin ng trip mo.” “Hindi ah!” Dipensa nito sa sarili habang umiiling-iling. “Pero may gusto akong isagad na ikapupuno mo.” sabay kindat. “Bastos!” “What? Saan ang bastos doon?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Pasensya ang tinutukoy ko pero mukhang may ibang tumatakbo sa isip mo—pwede naman, you want to do it tonight?” “G@go ka ba?” Napipikon na tanong niya. “Dito mo pa inilalabas ang kalibugan mo, baka mamaya may makarinig sa’yo—” “So, pwede nga tonight?” Ani Kayde saka kinindatan siya. Bumaling siya sa binata at pinakita ang gitnang daliri. Itong lalaki na ‘to habang tumatagal ay palandi ng palandi. “Shut up.” Mahinang natawa si Kayde. Inilagay ang kamay sa ulo saka marahan na ginulo ang buhok niya. “Don’t be shy. Mas gusto ko ang ugali mo na matalas ang tabas ng dila.” “Nasasabi mo ‘yan dahil hindi ikaw ang napahiya.” Inirapan niya ito bago tinuon ang atensyon sa trabaho. Matapos nilang mag-dinner ni Kayde, hinatid siya sa apartment niya. May hiya pa sa katawan si Bambi, matapos ang mga pasabog ni Kayde ay hihiniling niya na kaininin na lang ng lupa pero ika nga nila, sa oras ng kagipitan si kakapal talaga ang muka. Mare, hindi lang dalawang beses siyang napahiya kundi tatlo, nang mahiram pa siya ng pamasahe dahil kulang ang dalawang daan sa taxi. Wala na siyang mukhang ihaharap. Kaya naman nangako siyang hanggang sa maari ay lalayuan si Kayde. Magmula ng pumasok ito sa buhay niya, puro kahihiyan na lang ang dumarating sa kaniya. Alam ni Bambi na malabo ‘yon mangyari, katabi at araw-araw niya nakikita si Kayde sa trabaho. Hindi maiiwasan na mag-usap sila hanggang sa ngayong araw, na tuluyan na siya nitong pinansin. Sino ba kasi ang chunga-chungang husgadera ang iisip na callboy ang lalaki? Siya lang. “Ilagay mo nalang ang lahat ng natapos sa mesa ko,” Ani Bambi kay Kayde. “Mauuna na ‘ko umuwi. Kung may problema ay lumapit ka kay Angela, nakausap ko na siya at pumayag na tulungan ka.” Napakurap-kurap ito at itinaas ang tingin sa kanya. “Ang aga ata?” “Personal reason.” Mabilis niyang sagot bago kinuha ang bag sa office chair. “Make sure you keep your mouth shut. May pagkamatabil ang dila niya, kung ayaw mo maging trending bukas ay mag-ingat ka.” paalala niya. Hindi na nagsalita si Kayde habang tinitignan ang papalayong bulto ng katawan ni Bambi. Wala syang ideya kung saan ito magtutungo, gusto niya sumama at bumuntot pero may trabaho pa siya na kailangan tapusin. Bumuga siya ng hangin, pasimpleng nagtipa sa cellphone at nagpadala ng mensahe. Maya-maya ay dumating ang sikretarya niya sa opisina, kinausap si Angela na hindi naagtagal ay lumapit sa kanya. “Mr. Aleata, hindi mo kaagad sinabi na may iba kang kailangan gawin.” Nagpapa-cute na usal ng babae na may patapik-tapik sa braso niya. “Mauna ka na, iwan mo na ang trabaho mo.” “Baka magalit si Bab—Bambi.” Muntik na siyang madulas. “Ako na ang bahala magpaliwanag.” Malaki ang ngiti na mabilis inayos ang gamit at nagpaalam sa mga kasamahan. Sa labas ng department ay naghihintay ang lalaking sikretarya, inabot ang susi ng sasakyan saka yumukod. “Thanks.” Hindi nag-aksaya ng oras, pilit na hinahabol si Bambi. Mukhang may ssumpa ang bibig ni Denrik, ang isang Kayde Aleata Guijo na ang humahbaol sa babae. INILAGAY ni Bambi ang huling maleta at sinara ang trunk ng sasakyan. Ito ang araw ng alis ni Lani at humiling na tulungan siya hanggang sa airport dahil sa dami ng dalang gamit. Buong bahay na ata ang dala nito sa bigat ng tatlong maleta na dala. Noon, magmula ng iwan siya nito sa mall ay hindi na ‘to nagpakita sa kaniya. Matagal na nawala ang dalaga, akala niya umalis na ito kaya walang paramdam pero ang g@g@ ay nasa bahay lang pala para taguan ang isang tao. Nang masigurado niya na wala ng naiwan, pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Natigilan siya ng makita ang Makalat na back-seat at ilang pares ng damit ng lalaki. Napatitig siya sa kaibigan na mabilis nag-iwas ng tingin. Bumuga siya ng marahaas na haangin bago tinuon ang atensyon sa sasakyan. “Nagkabalikan kayo?” “Hindi ‘no!” Tanggi ni Lani. “’Yong damit—” “Iba ang nagsuot non, nagkaroon lang ng emergency.” mabilis na paliwag nito. “Bakit mo ‘ko iniwan sa mall. At wala kang paramdam? Alam mo ba—” na naging triple ang kahihiyan ko dahil umaasa ako na macocontact kita ng gabing ‘yon? Isip-isip niya. “Speaking of that. Sabi mo, hindi mo kilala ang lalakng ‘yon pero kulang na lang maglaplapan kayong dalawa sa harapan ng ex mo. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Bambi.” Ani Lani na para bang nagbabanta kung hindi niya sabihin ang totoo. Inihilig niya ang ulo sa bintana ng sasakyan, muling bumalik sa isipan ang kahihiyan. “Remember the one-night stand thingy?” tumango ito. “Siya ang lalaking ‘yon.” “What?!” sunod-sunod ng busina ng sasakyan sa likuran ng biglang huminto ang sinasakyan nila. “Iyong pogi na ‘yon na sinasabi mo na ‘AYOS LANG’ ang istura? Seryoso ka?” “Hindi ko maayos na nakita ang mukha niya.” Bumaling siya rito. “Ako naman ang sagutin mo, bakit bigla ka nalang umalis ng gabing ‘yon? Alam mo ba hirap na hirap akong i-uwi ang lahat ng paper bag mo.” “Oh, about that, kasama niyo si Denis.” Bumalik ito sa pagmamaneho. “You also know him?” “Of course! Nagmmaay-ari ang pamilya nila ng construction company.” pagmamalaki ni Lani. “Sila ang gumawa ng ibang hotel namin.” Pinamulahan ng mukha si Bambi. Sabay inakala niya na bayaran na lalaki ang binata? Sana hindi na sila magkita. “Bakit mo siya nilalayuan?” Pag-iiba niya ng usapan. Hindi ito umimik, walang balak na sagutin siya. “Ipapaalala ko lang sa ‘yo, Bambi, payong kaibigan na mag-ingat ka sa lalaking ‘yon. Napansin ko na malapit sila sa isa’t isa, ibig sabihin ay hindi siya call boy o simpleng lalaki lang.” “What do you mean?” Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya. “Ang batas sa one-night stand ay isang gabi at limot kinabukasan pero hinabol ka niya hanggang sa trabaho.” “That’s coincidence. Galing siya sa main branch na inilagay sa branch namin.” Impossible na sundan siya nito. Ano naman ang hahabulin niya. Ang bayad? “Nah, hindi ako naniniwala sa coincidence.” tumitirik ang matang sagot ni Lani. “Siguradong may motibo ang isanng ‘yon o baka masyado mong ginaling kaya hindi siya maka-move on sa nangyari.” “Oh, baka dahil sa isang daan na iniwan ko?” Bulong niya saka muling inihilig ang ulo sa bintana. Kasalanan niya talaga ang lahat. “May sinasabi ka?” “Wala.” walang ganang tugon. “Coincidence lang ang lahat, sa trabaho gaganapin ang team building at maraming magpupunta. Habang nagbabakasyon ka, ako ay mauubusan ng buhok sa dami ng trabaho. Ano ba kasi ang naisip ng may-ari at dito pa naisipan ganapin ‘yon, ‘di hamak na mas bihasa ang main branch.” reklamo niya. “Ganon talaga. Kung gusto mo lumipat ka sa amin, gagawin kitang secretary ko ng nakakasama ka sa bakasyon.” Heto na naman sila. “No, thanks. Hindi ko forte ang ibinibigay mong trabaho.” “Anyway, basta, mag-ingat ka sa lalaking ‘yon.” sumeryoso ito. “Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero pamilyar talaga ang mukha niya.” “Oo na, oo na, pamilyar ang mukha niya dahil gwapo siya.” “Isa na rin ‘yon.” Bungisngis na sagot ng kaibigan. NAKARATING sila ng airport na madilim na ang kalangitan, kaunting pitik ay bubuhos na ang malakas na ulan. May ilang oras pa bago ang flight ni Lani, matyaga silang naghihintay bago ito makasakay. Ayaw na ayaw nito na mag-isang naghihintay, mas ayos ng mahuli ‘to kesa sa maghintay. “Ikaw lang mag-isa ang lilipad? Hindi ka kaya mag-bored mag-isa.” Ani Bambi na nakatingin sa bawat dumaraan. “Sino nagsabi?” Malaki ang ngiti ni Lani bago kumaway sa malayo. “Garrie!” Nang sundan niya ito ng tingin, bumungad ang gwapong lalaki na papalapit sa kanila. Nag-umpisahan pamulahan ng mukha si Bambi, nang makilala ang pamilyar na mukha ni Garrie. Ano ang ginagawa niya dito? Isip-isip niya saka bumaling sa kaibigan na abot-langit ang ngiti. “M-magkakilala kayo?” pilit niya pinatitibay ang boses. “Yeah. Kaibigan siya ni Denis, ‘yong kasama ng naka-one-night stand mo.” Mas lalo siyang pinamulahan ng mukha sa lakas ng boses nito. Kagat ang ibabang labi, nakaiwas ang tingin sa binata ng makalapit na sa kanila. Ito na ‘yong oras na dapat bumuka at kainin siya ng lupa. “Sorry, I’m late. Katatapos pa lang ng meeting, sobrang haba pa ng traffic.” Paliwanag ni Garrie ng makalapit ito kay Lani na may nagpaaumahing mukha. “It’s okay. Hindi naman ako na-bored—anyway, meet my best friend, Bambi.” Pakilala ni Lani sa kaniya. Bumaling ang atensyon ng binata sa kinatatayuan niya. “Hi! Nice to meet you again, Bambi.” “H-hello.” Jusko! Lamunin niyo na ‘ko! “Likewise.” Inilibot ni Garrie ang tingin sa paligid, tila may hinahanap. “Hindi mo kasama si Kayde?” “Magkakilala kayo?” Singit ni Lani sa usapan nila. “Yeah. Ang liit ng mundo, hindi ko akalain na magkakilala kayong dalawa.” Hindi mawala ang ngiti sa labi nito. Pilit na ngumiti si Bambi. Muling bumalik sa isipan niya ang mga pinagsasabi niya ng araw ng una nilang pagkikita. Mukhang siya na lang rin ang apektado at nakalimutan na ng lalaki. “Excuse me, mag-retouch lang ako.” Paalam ni Lani. Gusto niya humabol sa kaibigan, ayaw na maiwan kasama si Garrie. Nawala ang lakas ng loob niya, kung nakaraan ay nasabi niya na gwapo ang binata, ngayon ay hindi na siya makatingin ng maayos. Awkward. Iyon ang masasabi niya sa buong minuto na magkatabi sila ni Garrie, ilang minuto na rin wala si Lani. “Ahm, Garrie.” Kagat ang ibabang labing pag-agaw niya ng atensyon. Tumaas ang tingin ng binata sa cell phone. “May pupuntahan ka ba?” “W-wala, ano kasi.” Nagdadalawang isip na ani niya. “Nitong nakaraan ko lang na laman na—you know,” sabay kibit balikat. “—na hindi kayo nagbebenta ng katawan. Pasensya na sa mga na sabi ko ng umaga na ‘yon. Buong akala ko talaga ay parehas kayo ni Kayde. Iyo kasi ang pagkakakilala ko sa kaniya kaya naisip ko na baka mga kaibigan niya ay ganon din.” Mahinang napatawa si Garrie. “Ano ba ang pumasok sa isipan mo para masabing call boy si Kayde?” curious na tanong. “Nang umaga, natandaan ko ang mga sinabi niya. Isa na doon ang pag-amin niya na marami siyang ikinakama.” ilang na ilang na paliwanag ko. “Ang pagkakaintindi ko sa kwento niya ay siya ang binabayaran, bukod pa doon ay masyado siyang gwapo para patulan ang katulad ko. Unless, isa siyang call boy na kumakapit sa patalim.” “And then, one day bigla na lang siyang nagpakita sa akin. Paulit-ulit na pinamukha sa akin na ang serbisyo niya ay mas higit pa kesa sa binayad ko sa kaniya. At nagpalibre ng pagkain.” dagdag pa niya. Humagalpak ng tawa si Garrie, pinagtitinginan na sila ng ibang dumaraan. Hindi ‘to galit? “Sa totoo niyan, you are the first woman who did that to him. Sobrang naapakan ang ego niya sa ginawa mo, mas lalo na sa halagang iniwan mo. Ilang araw din siyang wala sa mood at hindi makatulog.” Kwento nito. Umiwas ang tingin niya. “Galit ba siya?” “Nah., He found you interesting.” pag-amin nito saka iiling-iling. “Kaya ka niya pinuntahan at hinanap kahit alam niya ang batas ng one-night stand.” “Alam mo rin ang one-night stand?” Kiss and tell. “Yeah. Sobrang paghihimutok niya sa amin ng gabing ‘yon, sayang lang at hindi namin nakuhaan ng video.” Halos mapunit na ang ngiti nito sa labi. “Kung ganon—ano ang balak niya sa akin?” Nag-aalangan na tanong niya. “I don’t know.” kibit-balikat na tugon. “Anyway, hindi mo kailangan humingi ng sorry dahil totoo ang naibintang mo sa akin.” “Huh?” “Isa akong bayaran na lalaki.” Kinindatan siya nito saka iiling-iling saka muling bumaling ang atensyon sa cell phone. Nagtataka siyang nakatitig dito. Weird. Lahat ba silang magkakaibigan ay ganito? Hindi nagtagal ay nakabalik na si Lani. May hawak ‘tong pagkain galing sa fastfood at nagtatakang nakatingin sa kanilang dalawa. “May nangyari ba?” Umiling siya. “Ang lakas ng ulan, siguradong traffic pauwi.” “Oo nga, wala ka pa naman dalang sasakyan—hindi ka rin marunong magdrive. You sure na kaya mo umuwi mamaya?” Nag-aalalang tanong ng kaibigan bago inabutan siya ng makakain. “Tatawagan ko na lang ang driver sa bahay para sunduin ka.” “No need.” Singit ni Garrie bago tumingin sa paparating. “Siya na ang bahala sa kaibigan mo.” “Hey.” Masayang ani Kayde at nakipagkamay kay Lani ng ipakilala ito ni Garrie. “Nice to meet you.” “Trusted ka ba?” “Hindi ako condom.” pambabara ng binata dahilan kung bakit muntik na siyang sipain ng kaibigan. “Ina mo ‘ka! Sumagot ka ng maayos.” Angal ni Garrie. “What?” Bumaling muli ito kay Lani. “But Miss, I do use protection.” Hindi umimik si Lani, lumapit to sa kaniya bago bumulong. “Tandaan mo ang mga sinabi ko sa iyo kanina.” Tumango siya. “Don’t worry.” Tumirik ang mata ng kaibigan bago naupo sa tabi ni Garrie. Mabilis na nagkaroon ng sariling mundo ang dalawa. Samantala, naupo si Kayde sa tabi niya at parehas walang imik. Hindi niya alam ang sasabihin matapos ang maga sinabi ni Garrie. “Bakit ka ba sumunod?” Putol niya sa mahabang katahimikan. “Pinapunta ako ni Garrie.” Kaswal na tugon saka siya pinakatitigan. “Ikaw, hindi ka na ba nahihiya sa kaniya? Hindi mo sinabi sa akin na andito ka.” “Kailangan ba lagi ko sabihin ang bawat galaw?” Pagmamaldita niya. Aba, hindi nga mino-monitor ng magulang niya ang galaw pero ito. “Saka bakit ako mahihiya?!” “Psh, gusto mo lang kamo siya makita kaya ka andito.” Ani Kayde na may selos sa tono ng pananalita. Hindi lingid sa kaalam ng dalawa na nakatingin na ang dalawang kasama. “Ikaw pala ‘tong husgadero eh.” “Totoo naman ‘di ba?” Pikon na tugon nito. “May gusto ka sa kaniya kaya tuwang-tuwa ka na magkasama kayo ngayon. May pahiya-hiya ka pa kanina at hindi pagpasin sakin—” “Really, Bambi? Well, I like you too.” Singit ni Garrie na parehas nilang kinatigil. Tumalim ang tingin ni Kayde, kulang na lang ay sakalin ang kaibigan at sipain ito papalapit sa kanila. Samantala siya, gulat sa biglang pag-amin ng binata. Ano ang trip ng lalaking ‘to? “Hindi ako tutol kung liligawan mo ang kaibigan ko.” Nakangising segunda ni Lani sa sinabi ni Garrie. “Hmm, I think i-invite ko siya ng dinner pag-uwi natin.” tatango-tangong dagdag ni Garrie. Hindi makaimik si Bambi. Nagtataka sa dalawang nagkakaintindihan habang si Kayde ay hindi maipinta ang mukha. Tumayo siya, “tumila na ata ang ulan sa labas.” pagsisinungaling na ani niya para matigil ang nakakatakot na ambiance. “Oh. Sayang, hindi pa kita makakasama ng matagal. By the way, may gusto ka bang pasalubong?” Panlalandi ni Garrie na mas lalong kinakunot ng noo niya. “Wala—” “Tara na, Bi. Gagabihin tayo sa pag-uwi kung hindi pa tayo aalis.” Hinila siya ni Kayde palapit dito saka bumaling sa kaibigan. “Fck off.” saka pinakita ang gitnang daliri sa kaibigan. Hila-hila ni Kayde ang kamay niya papalayo sa dalawa, hindi manlang siya nakapagpaalam ng maayos sa kaibigan dahil sa bigla-bigla nitong paghila. Inis na tinanggal niya ang pagkakahawak nito. “Ano ba ang problema mo?” nanatiling kalmado ang tono ng pananalita niya. Ayaw niya magalit. “Hindi ikaw ang problema, si Garrie. Umiwas na ‘ko bago ko pa siya patulan.” Nawalan ng distansya ang mga kilay nito. “Naniwala ka naman sa mga sinabi niya, halatang nang-aasar lang sila.” Pagpapakalma niya rito bago tumingin sa sports car na nasa harap. “Kanino ‘to? Hindi kaya anudin tayo kung iyan ang dala mong sasakyan?” pag-iiba niya ng usapan. “Walang biro sa gano’ng bagay.” Seryosong usal ni Kayde. “Niloloko ka lang no’n, hayaan mo na, hindi naman ako naniniwala.” Teka? Bakit nga ba siya nagpapaliwanag. “Kahit na.” Reklamo nito saka tumingin sa sasakyan. “Hiniram ko lang ‘yan, at tama ka, masyadong malakas ang ulan para ilusong ‘yan.” “Mukhang wala rin balak tumila.” Segunda niya habang nakatingin sa malayo kung saan mataas na ang tubig-baha dahil sa lakas ng ulan. Marami ang stranded na sasakyan, mas lalo na ang maliliit na hindi kinaya ang mataas na tubig. Karamihan sa mga palabas ng airport ay hindi makalabas—katulad nila. “Mukhang sumasang-ayon sa akin ang panahon.” Dinig niyang bulong ni Kayde. “What do you mean about that?” “Tonight.” Sabay kindat sa kaniya. Nawala ang ngiti niya sa labi, sunod-sunod na pinaghahampas ang braso ni Kayde ng tawa-tawa. Sobrang epic ng reaksyon ng dalaga, mas lalo na sa nangangamatis na mukha. “Biro lang. I will never do that without your consent.” Anito saka inilapat ang kamay sa ulo niya. “Pero kung papayagan mo ‘ko, I will make you scream until you reach the heaven.” ayos na eh, may senegunda pa. “Mukhang maayos na mood mo, nakukuha mo na magbiro.” Tumitirik ang matang tugon saka inis na pinalo-palo ang kamay na nasa ulo niya. “I’m not kidding, Bi. Iyon ang gagawin ko kung pumayag ka o hindi.” bumuga ito ng hangin saka tumingin sa malayo. “At si Garrie, walang biro sa gano’ng bagay—” Huminto ito sandali bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Mas lalo na’t alam niya na interesado ako sa iyo magmula pa lang ng una.” Hindi kaagad siya naka-imik sa hindi inaasahang pag-amin. Mukhang mas malabo pa ang mata niya kesa sa ‘kin para magkagusto sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD