VI.III

1540 Words
‘Curiosity kills the cat’ ika nga ng iba, pero hindi sa kuryusidad ang rason kung bakit sumama si Bambi sa binata. Sa walong oras na magkasama sila sa trabaho, wala siyang maayos na natapos dahil sa pangungulit at idagdag pa ang pangblablackmail nito. Lahat na ata ay pinanakot sa kaniya, kaya para matapos na ang kalokohan ni Kayde ay sumama na lang siya at nagpaubaya. Mukhang hindi naman ito masamang tao katulad ng iniisip niya. Marahas siyang bumuga ng hangin bago pumasok sa nakabukas na pinto ng Taxi. Wala siyang magagawa kundi ang sumama kesa ang malaman ng lahat ang nangyari sa kanila. Siguradong hindi si Kadye ang pandidirian, kundi siya, dahil siya ang babae sa kanilang dalawa. “Saan pa tayo magdidinner? Pwede naman sa D’s Café.” Nilingon ni Bambi si Kayde na maganda ang ngiti. “May alam akong masarap na steak house. Doon na tayo magdinner.” Walang pag-aalangan na tugon nito saka sinabi sa driver ang address ng steak house na sinasabi niya. “Sagot mo naman ‘di ba?” Nag-aalangan na tanong ni Bambi. Nakatakas nga siya ng umaga pero mukhang ngayon ay hindi na. Bakit kasi doon pa sa mamahalin? Wala pa naman siyang sapat na dalang pera. “—I mean, you see, biglaan ito at ikaw ang nag-aya.” Pinakatitigan siya ni Kayde ng ilang segundo, napaiwas siya ng tingin sa kahihiyan. Bahala na, andyan naman si Lani na pwede niyang tawagan sa oras ng kagipitan. “Naiintindihan ko ang pakiramdam ng petsa de peligro. So, don’t worry about anything.” Kahit papaano ay kumalma si Bambi sa sinabi nito. “Just enjoy. Isipin mo na pa-welcome treat ko ito sa sarili ko.” Ihinilig niya ang ulo sa gilid ng bintana at tumingin sa labas ng sasakyan. Madalim na ang paligid, sa ganitong oras ay nakauwi na siya sa apartment niya at naghahanda ng makakain. Kung wala lang talagang pinanghahawakan na sikreto ang isang ito ay hinding-hindi niya ito kakausapin. Makalipas ang kalahating oras, huminto ang taxi sa harap ng isang magarbong mansion. Oo, hindi ito mukhang steak house kundi isang mansion na may malaking fountain sa labas. “A-ako na ang magbabayad sa taxi.” “Bayad na po, ma’am.” Malaki ang ngiti ni Manong Driver. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago lumabas, hindi maikalma ang pusong parang nakikipagkarera. Hindi sa naiinlove kaya malakas ang kabog ng dibdib kundi para sa bulsa na malaki ang possibilidad mabutas paglabas nila sa lugar. NANLALAKI ang mata ni Bambi ng makita ang presyo ng bawat putahe. Gusto niya na tumakbo palabas ng lugar, pakiramdam niya ay pinagsasampal siya ng kahirapan, hindi niya maatim na kumain ng libo sa isang upuan na maski tubig ay ginto ang presyo. Hindi niya mapigilan ang sulyapan ang binata. Na hindi napakurap, abala ito sa pagpili at sunod-sunod ang sinasabing putahe sa waitress na nagpapa-cute habang inililista ang sinasabi. “How about you, Bi?” Tumaas ang tingin ng lalaki sa kaniya. “May napili ka na ba?” Umiling siya. Paano makakapili kung ang presyo ng bawat putahe ay isang buwan ng renta sa inuupahang apartment? “I’ll order for you.” Hinayaan niya ito, wala siyang naiintindihan sa bawat sinasabi sa waitress at hindi niya makuhang tumingin sa menu. “That’s all.” Hinintay niya muna makalabas ang waitress sa private room na kinaroroonan bago siya tumikhim para agawin ang atensyon ni Kayde. “Ang mahal ng pagkain dito, ayos lang sa akin kahit sa fast food.” “Huwag ka na mag-aalala doon. My sugar mommy is more than willing to see that I’m spending her money.” proud na proud pa ang lalaki. “Masama pa rin iyon.” Bumuga siya ng hangin. “Hahatian na lang kita sa bill, babayaran ko ng installment or i-cash ko pagmkuha ko ng sahod.” “Huwag ka ng makulit.” Bakas ang inis sa boses ni Kayde saka bumuga ng hangin. “Besides, andito ka ng dahil sa akin kaya ako ang may responsibilidad na magbayad. At nang ma-klaro na ang sarili ko, hindi ba’t curious ka sa trabaho ko?” “Hindi. Pinagpilitan at blinack mail mo ako kaya ako andito.” Pagtatama niya. Ilang beses na tumikhim si Kayde bago nag-iwas ng tingin. “Desisyon mo pa rin na sumama.” “Kung hindi ako sumama, ipagkakalat mo ang nangyari sa atin.” Mabilis na tugon niya. “Anyway, ginugulo ka pa rin ba ng ex-boyfriend mo?” Nag-aalangan na tanong ni Kayde. “Hindi mo dapat iniiyakan ang mukhang paa, kaya lumalaki ang ulo at nagiging gwapo ang tingin sa sarili.” “Katulad mo?” “Excuse me, inborn ‘to.” Hindi maipinta ang mukha ni Kayde. Ang bilis nitong maasar, mukha itong seryoso sa buhay pero madaldal kung nakasama. “Wala akong sinasabi na retokado ka.” “Bakit ba ang sungit mo?” “Bakit ang daldal mo?” “Dahil gusto ko. Masama ba?” “Hindi.” Mabilis na tugon ni Bambi bago ininom ang tubig sa mesa. “Sagutin mo na ang tanong ko.” “Alin sa mga tanong mo?” “Ganon ka ba ka-gipit sa buhay para pasukin ang ganyang trabaho?” “Sa tingin mo ba talaga, ganon akong klaseng lalaki?” “Gusto mo malaman ang totoo?” Tumango si Kayde na may hindi mabasang ekspresyon sa mukha. “Oo. Bukod nanhihingi ka ng bayad, may sugarmommy ka pa.” Mahinang natawa si Kayde sa prangkang sagot ni Bambi. Inosente ito pero matalas ang tabas ng dila, walang paligoy-ligoy, sagot agad. “Well, to tell you the truth, hindi ako callboy.” Seryosong pag-amin ni Kayde bago tinitigan diretso sa mata ang babae. “But I do f*ck girls. Ako ang nagbabayad sa kanila bago umalis sa kama.” Nagtitigan silang dalawa, hindi makuhang alisin ni Bambi ang tingin niya. Samantala, seryoso si Kayde, gusto niya klaruhin ang sarili. Ilang minuto na walang nagpapatalo sa kanila, nang unang umiwas ng tingin si Bambi habang umiiling. “Hindi ako naniniwala.” Nawala ang seryosong tingin ni Kayde at mabilis na nagdikit ang kilay. “Kung hindi ka bayarang lalaki, hindi mo na ako pupuntahan dito para sabi lang na ‘Baby, my body and service are more than a hundred fifty pesos.’.” Panggagaya ni Bambi sa boses ng binata. “Hindi mo rin ako tinitigilan. Nakaraan, gusto mo ilibre ko kayo ng kaibigan mo dahil KULANG ang binayad mo sa’yo.” Huminto siya sa pagsasalita bago masamang tingin ang pinukol kay Kayde. “Sabay ngayon, gusto mo maniwala ako sa iyo na hindi ka bayarang lalaki?” “Hindi naman talaga!” Pagpupumilit nito na paniwalaan niya. “Binayaran mo ako ng hundred fifty pesos that day. I know my worth, sigurado akong hindi lang isang daan ang halaga ko.” “Kaya ngayon nagpapabayad ka?” Hindi kaagad nakaimik si Kayde, guilty na nagpapabayad nga siya. “Sabi ko sa inyo, hindi ko kayo huhusgahan sa kung anong trabaho niyo. Naiintindihan ko, minsan ay hindi masamang kumapit sa patalim.” “Ewan ko sa iyo.” Mas pinili na lang ni Kayde ang manahimik. Mukhang wala ng pag-asa na maniwala si Bambi sa kanya dahil may sarili din itong pinaglalaban. F@ck ng dahil lang sa pagpapalibre niya naging callboy siya sa isipan ng isang babae. Tumahimik ang paligid, walang niisang umimik. Pinakakatitigan ni Bambi ang binata habang abala sa cell phone si Kayde na naglalabas ng sama ng loob sa kaibigan. “I confessed. In the end, hindi rin siya naniwala na hindi ako katulad ng iniisip niya.” Masama ang loob na isinend sa groupchat nila magkakaibigan kahit nakakasigurado siya na walang matinong sagot siyang makukuha. Paano, puro hayop ang nasa groupchat. Dumating ang order, sa kalagitnaan ng pagkain ay parehas pa rin walang imik si Kayde. Samantala, nakaramdam ng matinding pagkailang si Bambi. Nakikita niya sa mukha ni Kayde na seryoso ito sa sinabi pero may parte ng isip niya na pinagsisigawan na hindi ‘yon totoo. At sinasabi lang ‘yon ng lalaki para itanggi ang isa pa nitong trabaho. “Seryoso ka ba?” “Kung sasagutin kitang, oo—maniniwala ka?” Ibinababa ni Kayde ang kubyertos saka nagtaas ng tingin sa kanya. Walang bakas ng kahit anong pagloloko ang itsura. Tila tinakasan ng boses si Bambi, kagat ang ibabang labi na binalik ang atensyon sa kinakain. “Ito na dapat ang moment na magwawalk out na ‘ko sa kahihiyan pero ang mahal ng pagkain kaya mamaya na lang.” Aniya na hindi makatingin ng diretso. Mahinang tumawa si Kayde. “At may isa pa akong gustong aminin.” “Sabihin mo na, isagad mo na ng isang pahiyaan na lang.” Pikit-matang usal niya. “My friends are not callboy, they’re businessman. Totoo, mukha silang bayarang lalaki pero hindi talaga.” Mas lalong natameme si Bambi sa sunod na pag-amin ni Kayde. ‘Bambi kasi, bakit masyado kang husgadera?’ isip-isip niya at mariin na ipinikit ang mga mata. Kaya pala ganon na lang ang reaksyon nilang lahat ng sabihin niya ang napakahaba niyang speech. Minsan talaga, mas maganda na lang ang manahimik kesa ang magcomfort sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD