NAKAKAHIYA. ‘Yon ang kanina pa tumatakbo sa isipan ni Bambi ng makaupo sa pabilog na mesa at tinatanggap ang tingin ng apat na lalaki na may nakakalokong ngiti sa labi. Kung alam niya lang na andito ang lalaking ‘to ay sana dumiretso na lang siyang pumasok, nakatipid pa sana siya.
“Papabayaran mo ba sa akin ang mga order niyo?” Kung nasa petsa de peligro ang wallet niya ngayon, siguradong wala na siyang mamakain at kahit pamasahe mamaya. “Wala pa akong pera, sa sahod na—”
“Don’t worry about that. I’m the one who’s paying.” Putol ng lalaki na nakakalaglag-panga sa ka-gwapuhan. “By the way, my name is Garrie. And you are Bambi, right?”
Napapantastikuhan niyang tinignan si Garrie. “Ako nga.” Gustuhin niya na tanungin kung paano nito nalaman pero obvious na dahil iyon sa lalaki na kanina pa titig na titig sa kanila.
“Hi! My name is Bambi Tubiano.” Maayos na pakilala niya sa lahat.
“Babae nga.” Mangha na usal ng isa bago inilahad ang kamay. “Denrik.”
Mabilis niyang tinanggap ang kamay at nahihiyang ngumiti. Hindi nakakapagtaka na kaibigan ito ni Kayde, lahat ay may sariling depenisyon ng ka-gwapuhan na makikita sa mukha nila pero hindi maitatanggi sa paningin niya ay si Garrie ang may itsura sa lahat.
At kung kaibigan nila si Kayde, hindi impossible na kumakapit din ang mga ‘to sa patalim para mabili ang mga mamahalin na suot nila ngayon.
“May problema ba sa mukha niya?” Tanong ni Kadye ng mapnsin na kanina pa nakatingin si Bambi kay Garrie. “Bakit mo siya tinititigan?” dagdag pa niya.
“Ang gwapo niya.” Walang paligoy-ligoy na sagot niya sa tanong ng lalaki.
Habang si Garrie ay patawa-tawa, halos mapunit ang labi sa laki ng ngiti. “Miss, marunong ka pumili.”
Namumula na iniwas ang tingin, hindi sinasadya na mapalingon kay Kayde. Tumaas ang kilay niya ng makita ang busangot na mukha, nagdidikit ang kilay, at masama ang tingin sa kaniya. “Bakit?”
“Makapal na ang salamin mo, hindi ka pa rin nakakakita ng maayos.” Ani Kayde na puno ng bitterness ang tono ng pananalita.
“Pare, totoo na gwapo ako, huwag ka na magalit.”
“Kaya nga.” Segunda ni Denis na nag-umpisa na magsalita. “Naniniwala ako na gwapo si Garrie—basta libre mo ang pagkain.” pahabol nito.
Mas lalong bumusangot ang mukah ni Kayde. “Thick face.”
Mahinang natawa si Bambi pero agad din sumeryoso ng mabaling uli ang atensyon sa kanya. “Ehem.” Pag-aayos niya ng sa boses. “Hindi ko kaya bayaran ang mga order niyo, kung nakikita niyo may anim na araw pa bago ang sahod at nasa petsa de peligro na ang wallet ko. Pasensya na.”
“No worries. Hindi makapal ang mukha namin magpalibre sa babae hindi katulad ng iba d’yan.” Parinig ni Denrik at muling naghagikgikan ang tatlo sa mesa.
“Lingid din sa kaalam ko na mahirap ang trabaho niyo. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Sa ganitong oras ay pagod pa kayo galing sa trabaho.” Tinignan niya isa-isa ang apat na lalaki na lahat ay hindi maipinta ang mukha. “May na sabi ba akong masama?” nagtatakang tanong niya.
“Alam mo ba kung ano ang trabaho namin?” Naniningkit ang mata ni Denrik na siyang unang nakabawi sa narinig.
“Kaibigan kayo ni Kayde kaya hindi impossible na callboy din kayo katulad niya. But don’t worry, hindi ko kayo huhusgahan. Sa hirap ng buhay, may mga tao talaga na kakapit sa patalim para mabuhay. At mas ayos na ‘yan, ginagamit niya ang itsura’t katawan para kumayod sa buhay kesa tumambay na lang at maging pabigat sa magulang.” Sabay inom ng Latte na in-order niya kanina.
Sa haba ng sinabi niya ay para siyang kakapusin ng hininga, mas lalo na’t ang itsura ng mga kausap niya ay anghel na bumababa galing sa langit. At syempre, sa nakakatakot na tingin ng mga tao sa paligid niya.
Nantatiling walang imik ang apat na lalaki. Hindi nag-fufuction ng maayos sa utak nila ang mga sinabi ni Bambi. May ano sa utak ng babae na ‘to na lahat sila ay naging bayaran na lalaki?
Tinignan ni Bambi ang relo sa cell phone saka tumayo. “Mauuna na ‘ko sa inyo, may trabaho pa ako. Pasensya na ulit at nice to meet you all.” pagpapaalam niya.
Hindi na nakapagsalita ang apat, sinundan ng tingin si Bambi hanggang sa mawala. Sabay-sabay na napabuga ng hangin at walang masabi kaya’t iling na lang ang nagawa.
“Kakaibang babae.” Komento ni Denrik na napasimsim ng kape.
“Kung sa bagay, sa ganda kong lalaki ay hindi na maitatanggi na ma-benta ako.” Ang madaldal na si Denis.
Iiling-iling na tumawa si Garrie, akmang uubusin ang kape ng mapalingon kay Kayde na masama ang tingin. “What?!”
“Bakit ka nga ba andito? Umuwi ka na nga.” Wala sa mood na usal nito saka kinuha ang bag bago iniwan ang tatlong kaibigan sa mesa na nakatanga.
Bago pa siya makalabas ng café narinig niya ang pahabol na sigaw ni Denis. “Hoy! Kayde! Ambag mong hayop ka!” pinakyuhan niya lang ito at nagdirediretso.
MABILIS nawala ang ngiti ni Bambi ng pumasok sa opisina ang gwapong mukha, naka-business sui at suot ang mamahaling alahas katulad ng relo na nagkakahalagang kalahating milyon base sa kwento ni Lani.
Maganda ang ngiti, ang mga kababaihan ay kulang nalang mapatili ng makita si Kayde. Nagpakilala ‘to sa lahat, saka kinausap ang manager bago tinuro ang pwesto niya na mas lalong kinakunot ng noo niya.
“Ms. Tubiano, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Ituro mo ang mga kailangan gawin at mga patakaran dito.” Ani ng matanda na hindi papahuli sa pagpapalakas rito. Dahil ba galing sa main ang isang ito?
“Bakit po ako?” Lakas loob na tanong niya saka lumihis ng tingin. Matagal na siyang nagtratrabaho rito pero mas maraming may gusto maging trainer ng lalaki na ‘to.
“Ang sabi niya ay magkakilala kayo at mas magiging maganda ang communication kung kayong dalawa ang magsasama. Ikaw na ang bahala sa kaniya, may mga gagawin pa ako, sabihin mo na lang kung may problema.” Umalis na ito ng ganon-ganon lang.
Malakas siyang bumuga ng hangin. sumasakit ang ulo niya. Akala ko pa naman ay makakatakas na ‘ko kanina, sa laki at daming department ay dito pa talaga siya na punta.
“Hi, baby.” Nakakalokong ngiti ang nasa labi. “Hindi ka ba natutuwa na makita ako ngayon?”
“H’wag mo nga akong tawagin ng ganyan sa trabaho. Baka ano isipin ng iba kung marinig ka nila.” Masama ang tingin niya.
“Oh, hindi ba’t kuya mo ako kanina lang?” Nakangising png-aasar ni Kayde saka naupo sa tabi ng mesa ng ni Bambi.
Hindi siya kaagad nakaimik sa sinabi nito. Iiling-iling na hinayaan ang binata. Sa tingin niya ay mas ayos na na madalas silang magkasama, kung sakaling makita siya ni Nathan ulit ay maniniwala ito sa kaniya.
Hindi sa pagiging bitter niya sa ex-boyfriend kundi gusto niya ng tahimik na buhay kahit na ang matagal niyang iningatan ay nakuha ng gwapong lalaki sa tabi niya.
Napabuga siya ng hangin. Isa-isang itinuro ang kailangan gawin, mabuti’t seryoso ang lalaki sa trabaho at mabilis matuto.
Kung nakapasok ito sa Aleata’s Company, ibig sabihin ay mataas ang pinag-aralan nito at galing sa magndang paaralan. Pero bakit siya nagtratrabaho bilang callboy? Sobrang hirap siguro ng buhay niya para pasukin na ang lahat pasukin.
“May gusto ka ba sabihin?” Nakataas ang kilay na tanong ni Kayde.
“W-wala ah.” pagtanggi niya saka iniwas ang tingin. “May iniisip lang ako.”
“Ano?” huminto ito bago muling nagsalita. “O baka sino? Iniisip mo ba si Garrie?”
“Hindi ‘no!” Napalingon ang lahat ng tumaas ang boses niya, mas lalo na si Angela na tumaas ang kilay na may ‘I-chismiss mo mamaya’ look na itinatapon sa kaniya. “Bakit ko naman iisipin ang kaibigan mo.”
“Dahil gusto mo siya.”
Mas lalong nagdikit ang kilay ni Bambi sa naging sagot nito. “Kayde, pinuri ko lang ang itsura niya pero hindi ibig sabihin ay may gusto ako sa kanya. I mean, look, sa branch na ‘to lahat ay normal na mukha—walang gwapo kaya ang makakita ng katulad niya ay isang himala.”
“Sabay ako, hindi gwapo?”
“Gwapo.” Impokrita niya kung itatanggi niya kahit obvious na nakakalaglag panty din ang isang ito. “Iba nga lang kayo ng appeal.”
Pigil ang ngiti ni Kayde ng marinig ang pa-segway na puri ni Bambi. “So, ano nga ang iniisip mo?”
Nag-aalangan sabihin ni Bambi ang nasa isipan. “Ganon na ba ang laki ng pangangailangan mo para magtrabao ka bilang ‘you know’ sa gabi at office staff sa umaga?”
Pinakatitigan ni Kayde si Bambi, hindi kaagad sumagot sa naging tanong nito. “Ayos lang kahit hindi mo sagutin. Sorry, sobrang insensitive ng tanong.”
“You really want to know?” Hindi kaagad nakaimik si Bambi pero sa nakikita niyang kislap ng mata ng dalaga ay gustong-gusto nito malaman. “Then, have dinner with me. Sasabihin ko sa iyo lahat ng gusto mong malaman.”