“A-ayos na ba ang two-hundred?”
SABAY-SABAY na humagalpak ng tawa ang mga kaibigan habang masama ang tingin ni Kayde sa mga ito. Nasa unit niya si Denrik, Denis at Garrie, nanggugulo ‘t nang-aasar. Hindi pa kabagin ang mga g*ga sa kanina pa pagtawa, talagang dumayo pa ito sa kanya para mang-asar sa kabila ng abala sa mga trabaho.
Ilang beses na pinaalis niya na ang tatlo pero titirik na lang ang mga mata niya sa pang-aasar ng mga ito, hindi pa rin aalis ang mga kupal. Ganon kakapal ang mukha ng mga kaibigan.
“Kung naghahanap kayo ng tatambayan, h’wag dito sa unit ko. Maraming lugar, dito pa talaga kayo.” Naiinis na usal ni Kayde bago binuksan ang refrigerator at sunod-sunod na napa-mura. “F*ck! Ilang oras pa lang kayong andito naubos niyo na ang groceries ko. Mga patay gutom!”
Binalingan siya ni Denis. “Mag-grocerries ka nalang ulit, mayaman ka naman.”
“Ang kapal talaga ng mukha mo!” Itinaas ang gitnang diliri at pinakita iyon kay Denis na s’yang nangunguna sa pag-ubos ng laman ng ref at mas makapal pa sa uratex ang mukha sa kapal.
Hindi pinansin ni Denis ang sinabi niya, muling bumaling sa pinapanuod at inulit ang video. “A-ayos na ba ang two-hundred?” nagtawanan ulit ang mga kupal.
“Kabagin sana kayo mga g@go.” Swerte siya sa negosyo pero sa kaibigan hindi. Lahat ay walanghiya, walang silbe, at ang alam lang ay libre. Lord, paano ko ba sila naging kaibigan. “Tigilan niyo na nga ‘yan! Pang-ilang beses niyo ng pinanuod.”
“Ano pa ang hinihimutok mo d’yan, Kayde? Nag-increase ang value mo ng fifty pesos. Hindi ka pa rin ba masaya?” Kinindatan siya ng kaibigan at malakas na tumawa.
Nanlilisikna ang mga mata ni Kayde, inis na kinuha ang magazine at binato kay Denrik. “F@ck you!”
“Alam niyo mga pare, si Kayde ang tipo ng lalaki na mahilig magtago ng nararamdaman. Siguradong masaya ‘yan na hindi na hundred fifty ang value—‘di ba, Kayde?” Sabay baling ni Garrie. Isa pa ‘to, akala mo matino ang sasabihin, kulang-kulang din ang turnilyo sa utak.
“Ayiee, manlilibre na ‘yan.” Segunda ni Denis na mas lalong nagpasama ng mukha niya.
“Umalis ka sa harapan ko, Denis, malapit na kita masakal.”
Inilapag niya ang tag-iisang beer para sa kanilang apat na may busangot na mukha, mauubos ang pera niya sa mga kaibigan na makakapal ang mukha.
“Thanks.” Si Garrie lang ang nag-iisang marunong magpasalamat sa tatlo.
“Walang pulutan?” Segunda ni Denis. “Papainumin mo kami ng walang pulutan?”
Napatigil siya sa pagtungga sa bote, tumayo at tinnignan ng masama si Denis saka siya tumayo para lumapit dito. “Accck!”
“Ang kapal ng mukha mong hayop ka.” Sakal niya sa leeg ang kaibigan habang ito ay pumapaalag at pilit tinatanggal ang kamay niyas.
Bago pa mawalan ng hininga si Denis ay tinggal niya na ang kamay. “F*ck. Ang sakit. I hate you!” Singhal ni Denis hawak ang leeg. “Nagrerequest lang ako ng pulutan.” bulong-bulong nito.
Pare-parehas silang uminom, walang makapal ang mukha na nanghingi ulit ng pulutan. At ang chismosong si Denis ay walang tigil sa pagkwekwento sa nangyari ng kinuhaan nito ang video.
“Napansin niyo ba? Magmula ng bayaran siya ng babae na ‘yon ng one hundred fifty pesos, nawalan na siya ng s3x life.” Sarap busalan ng bibig ng lalaking ‘to ng matahimik.
“Oo, napansin ko rin. Ang sabi ng secretary niya, diretso uwi daw dito sa unit si Kayde.” Segunda ni Denrik.
“Nakahanap na kasi ng katapat.” Singit ni Garrie sa usapan ng dalawa. “Kung mahanap niyo na rin ang katapat niyo ay ititigil niyo ang lahat ng masasamang bisyo niyo sa buhay at papaikutin na lang ang buong atensyon sa babaeng mamahalin niyo.”
“Scary.” sabay ng dalawa sa mahabang sinabi ni Garrie at inisang lagukan ang beer.
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Kayde. Hindi niya namalayan na ganon nga ang nangyayari pero magmula ng gabi na ‘yon ay hindi na siya nakakaramdam ng kalam ng katawan sa ibang babae kahit iyon ang nakasanayan niya dati.
“Sa dami na kailangan asikasuhin, wala ng panahon para doon.” Deny niya sa mga kaibigan.
“Asikasuhin saan?” Nagtatakang tanong ni Garrie.
Na ang chismosong si Denis ang sumagot. “Ang paglipat niya ng branch. Mukhang babakuran niya na si Bambi kaya nag-aala buntot sa pagsunod.”
“Pare, ikaw na ang naghahabol sa mga babae?!” Manghang-mangha si Denrik.
“Hindi ko siya hinahabol.” Pagtatanggi ni Kayde. “Parte ng trabaho ko na masigurado ang maayos na pagtakbo ng kompanya na pinasa akin. Nagkataon lang ang lahat kaya h’wag niyong gawan ng malisya.” Sumasakit ang ulo niya sa mga kaibigan.
“Kwento mo ‘yan, talagang hindi.” Pinakyuhan niya si Denis.
“Edi wag ka maniwalang g@go ka.” Mabilis na sagot niya kay Denis na kanina pa humahaba ang nguso sa kakaputak.
“Hayaan niyo na si Kayde. Nagbibinata na ang tropa natin, malay niyo siya ang unang ikasal sa atin,” bumaling ito kay Denis. “Oh, baka gusto mo ikaw ang mauna?”
“No, thanks!” Mabilis nitong sagot. “Goodluck nalang sa iyo, pre.”
“Basta, pare, kung sa tingin mo ay worth it kilalanin ay kilalanin mo. Huwag mong sayangin ang pagakkataon na nakahanap ka ng katapat at hindi interesado sa yaman mas lalo na sa iyo. Payong kaibigan dahil baka pagsisihan mo sa bandang huli kung masasayang mo lang ang isang katulad niya.
Hindi umimik si Kayde, hinayaan na mag-ingay ang kaibigan kesa ang patulan ang pang-aasar at walang kwentang sinasabi. Kilala niya ang sarili, hindi siya mahuhulog sa babaeng hindi sexy at mas lalo wala sa bokabolaryo niya ang salitang kasal.
Nang sumapit ang alas-diyes ng gabi ay nagsi-alisan na ang tatlo. At ang mga loko ay hindi nakuhang magligpit bago magsilayas sa condo niya. Kakapal talaga ng mukha. Habang abala sa paglilinis ng pinag-inuman ay tumunog ang cellphone niya.
‘Who you?’ Lumaki ang ngiti sa nabasa at mabilis na nagtipa para magpakilala. “Your handsome creditor. Kayde.”
TUMAAS ang kilay ni Bambi nang mabasa ang text message na kagabi pa niya natanggap. Natulog siya ng maaga dahil may pasok kinabukasan kaya hindi niya kaagad nabasa ang tet message na na-receive. Inilapag niya ang naka-charge na cellphone na hindi nirereplyan ang Mensahe.
May ideya na siya sa isipan kung paano nakuha ni Kayde ang cell phone number niya, mas mabuti na rin iyon ng alam kung saan siya tatawag para mabayaran ang pagkaka-utang at oras ng kagipitan. Hindi niya alam kung kailan sisipot ang baliw na ex-boyfriend na kahit may bago ng girlfriend ay bitter pa rin sa naging relasyon nilang dalawa dati.
Inayos ang sarili at maagang pumasok sa opisina. Ngayon ang araw na darating ang iba sa mgag importanteng tao kasama ang exchange employee sinasabi ng iba. Kaya ang ibang empleyado na madalas late sa trabaho ay kailangan magpaggap.
Bago pumasok sa kompanya, sandali muna siyang dumaan sa D’s Café para bumili ng meryenda pero pagpasok niya ay nagkukumpulan ang lahat. Maraming kababaihan ang nasa loob habang ang bawat mesa ay puno at isang direksyon lang nakatingin ang mga ito.
Dumiretso siya sa counter, hindi siya interesado sa mga nangyayari. Siguro naman mamaya, malalaman niya ang nangyari kay Angelaa ang reyna ng mga chismosa.
Sa isang groupo ng kalalakihan, may apat na myembro at lahat ay may magagandang hubog at itsura. “Kung alam ko lang na maraming magandang lalaki sa main branch, sana doon na lang ako nag-apply.” kinikilig na usal ng babae.
“Kaya nga,” segunda ng kasama nito sa pila.
Dahil sa kuryosidad ay pasimple na sinulyapan niya ang pinagtitinginan nito. At tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa kinatatayuan ng mkita si Kayde na humihigop ng kape habang seryoso na nakaingin sa laptop.
“A-anong ginagawa niya dito?” Mabilis na nagtago siya sa likod ng dalawang babaeng nag-uusap.
Ito ba ang sinasabi niya na lagi na silang magkikita magmula lunes dahil exchange employee siya? Isip-isip niya. Kagat ang ibabang labi na pilit na tinatago ang sarili sa dalawang babae.
Mabilis ang galaw ng cashier kaya’t mabilis din natapos ang pila. Nanatili siya sa likod ng dalawang babae na nagtataka sa inaasal niya pero hinayaan lang siya at hindi na nagreklamo pa.
“Latte for Ms. Bambi!” Napangiwi si Bambi ng malakas na isigaw ng cashier ang pangalan niya.
Nakangiwi na lumapit sa cashier saka kinuha ang order niya. Nawalan ng silbe ang pagtatago niya, ramdam sa kinatatayuan ang titig ni Kayde sa kaniya—pagbabayarin na naman ba siya?
“H-hey.” Nakangiwing ngiti ang sinalubong niya ng lumapit si Kayde sa kinatatayuan niya.
“Good morning. Ang aga mo ata?” Tinignan nito ang orasan pambisig. “Maupo ka na muna sa table ko, if you don’t mind.” Teka, bakit parang ang bait ata niya?
Pasimpleng inilibot ni Bambi ang tingin sa paligid, ang nguso ng kababaihan ay humahaba at ang nuo na hindi maipinta. Siguro na hindi siya titigilan ni Angela makasagap lang ng chismis mula sa kaniya.
“KUYA!” Masayang tawag niya kay Kayde na nanlalaki ang mata dahil sa itinawag niya. “Hindi mo sinabi na dito ka magtratrabaho, KUYA!” pinagdidiinan ang salitang ‘Kuya’
Nawala ang gulat sa mukha ni Kayde, bagkus isang magandang ngiti ang sumilay sa labi nito saka siya niyakap at binaon ang ulo nito sa leeg niya. “I miss you too, baby.” sabay dila ng leeg ni Bambi na nagpahina sa mga tuhod ng dalaga.