V.I

1318 Words
“Bambi’s boyfriend.” NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Bambi sa nakakatunaw na titig sa kaniya ni Kayde habang sinasabi ang mga kataga na iyon. Hindi sa di niya kayang salubungin ang tingin ni Kayde kundi dahil sa malakas na kabog ng dibdib niya at kakaibang nararamdaman niya. Kasinungalingan. Nagpapanggap lang kayo, Bambi, huwag ka magpadala sa lumalabas sa bibig niya. Suway sa sarili niya. “Ha---hahaha! Don’t me, pare. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. How come na ibinigay niya sa iyo ang ilang taon kong hiningi na hindi niya maibigay—” Nakakalokong tawa ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanilang tatlo. Huminga siya ng malalim bago sumagot. “He’s telling the truth,” sagot niya habang hinahawakan ang kamay na nasa bewang niya. “Ibinigay ko sa kaniya kahit hindi niya hiningi. Hindi naman masama ‘yons dahil boyfriend ko siya.” “Boyfriend?” May talim ang boses nito na may hindi maipintang mukha. “Naging boyfriend mo ako ng mahigit apat na taon, Bambi!” Natatawang binalingan niya ang binata. “Ano naman ngagyong kung ilang taon tayo naging tayo? Hindi pa ako ready sa iyo. Wala namang masama roon—sorry, masama pala dahil iyon lang ang habol mo magmula pa una.” “Kasalanan mo kung bakit tatyo naghiwalay.” Puno ng paninisi na usal ng lalaki saka siya dinuro. “Kung binigay mo sa akin ang hinihiling ko ay sana hindi ko nagawang lokohin ka.” “Oh.” React ni Kayde. “Bakit nga ulit kayo naghiwalay?” Tanong nito kapagkuwan, Hindi nakasagot si Nathan sa tanong ni Kayde. Tumaas ang gilid ng labi niya. “Hindi mo na kailangan sagutin, alam ko na ang sagot sa pananamihik mo. Huwag mong isisi sa kaniya ang hindi mo pagiging kontento. Lalaki bang tunay?” Mahina siyang natawa. “Lalaking tunay ‘yan, momma’s boy nga lang.” Umiiling-iling siya habang nakangiti pa rin. “Nakita ko ang alaga niya ng isang beses, wala pa sa kalahati ng sa’yo.” “Anong sabi mo?!” Dipense nito sa sarili habang hindni makapaniwala ang tingin sa kanya. “Nothing.” Kibit-balikat niya. “Hindi ka naman ata bingi para hindi mo marinig ‘yon.” Nag-amba na susugod si Nathan sa pwesto niya ng mabilis na may pumahitna sa pwesto nila. Isang matiponong lalaki, nagniningning ang kulay berdeng mata at ngiting tinalo pa ang endorser ng toothpaste sa TV. “Bigla ka nawala.” Bumaling ang tingin nito sa kanya saka binigyan ng matamis na ngiti. “Hey, beautiful lady. I’m Denis.” inilahad nito ang kamay. “Bambi.” Natigilan ang binata ng sabihin niya ang pangalan, nagpabalik-balik ang tingin sa kanila ni Kayde. “Ikaw—” “Pwede ba, umalis ka muna d’yan.” Malakas na hinampas ni Kayde ang kamay nito na inilahad para makipagkamay sa kanya. “Hindi mo ba nakikita, may inaasikaso pa kami.” Bumaling ang atensyo nila kay Nathan na mabilis nilang nakalimutan ang presensya. “May gusto ka pa sabihin?” “May araw ka rin.” Pagbabanta nito at dali-daling umalis para puntahan ang ina nito na naghihintay sa kalayuan. Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo na ang ex-boyfriend. At ng masigurado na wala na ‘to ay inalis niya na ang kamay ni Kayde sa bewang niya. “Salamat.” Hindi niya ipagkakait ang simpleng pasasalamat. Nasalba ng binata ang pagkatao at puri niya sa harap ni Nathan. “Don’t thank me. I told you, my service is expensive and now it’s your turn to pay.” Hindi nag-aksaya ng oras si Bambi, kinuha ang wallet at napangiwi ng makita ang dalawang daan na tanging laman. Tumaas ang tingin, napansin ang dalawang lalaki na nakatingin habang ang nagpakilalang si Denis ay pigil ang tawa at halos mapunit ang labi sa malaking ngiti. “A-ayos na ba ang two-hundred?” Inilabas ang dalawang daan sa wallet. “Babayaran kita pag nagkita tayo ulit.” “Do you really think I am worth is two hundred?” Napapantastikuhan na tanong ni Kayde, hindi tinatanggap ang dalawang daan na hawak. “Wala akong dalang pera.” Kagat ang ibabang labi at hindi makatingin ng diretso. “Tanggapin mo na, pera pa rin ‘yan. Ang mga tao na katulad mo na kumakapit sa patalim para mabuhay ay hindi dapat tinatanggihan ang pera.” Sa mga kataga na lumabas sa labi ni Bambi ay hindi na napigilan pa ni Denis na tumawa habang ang cellphone ay nakatapat sa kanila para kuhaan ng video. “Pare, kunin mo, mahirap kumapit sa patalim—nakakasugat.” humahagalpak na ito ng tawa. Pinakita ni Kayde ang gitnang daliri sa kaibigan. “F*ck you.” Binalingan siya ng binata at bumababa ang tingin sa mga paperbag na hawak. “Nakabili ka ng mga iyan pero dalawang daan lang ang dal among pera?” Hindi maipinta ang kunot nitong noo. Itinaas niya ang mga hawak. “Hindi ito sa akin, sa kaibigan ko.” Oo nga pala, na saan na si Lani? Ang tagal niya naman sa banyo. Umikot ang tingin niya na sinundan rin ng dalawa. Maya-maya ay tumunog ang cellphone, nagmessage si Lani na nagsasabi na dadaanan na lang ang damit at may kailangan puntahan. Sunod-sunod siyang bumuga ng marahas. Noong iniwan siya ni Lani sa bar ay may nangyaring hindi maganda at nakilala niya ang lalaki na kaharap niya ngayon. At ngayon ulit. Hay naku Lani! “Fine, ilibre mo na lang ako—” Kumuot ang noo niya. “Paano kita ililibre kung dalawang daan lang ang pera ko?” “Using card?” “Mare, hindi ako mayaman. At hindi mo ba nakita, nasa petsa de peligro ako ngayon.” Naubos ang extra pocket ko dahil sa binili niya sa café baka mas lalo akong ma-broke kung ililibre ko pa siya. Isip-isip niya. “Huwag mong pilitin ang babae.” Suway ni Denis sa kaibigan. “Hindi ka na nahiya, sa babae ka pa magpapalibre.” “Edi ikaw ang magbayad para sa kanya.” Kung gaano kabilis na magbago ang isip ni Kayde ay ganon rin kabilis nangasim ang mukha ni Denis. Bumaling si Denis sa kanya. “Sabi nga ng pinaglalaban ng kababaihan ‘gender equality’ kaya Ms. Beautiful, ikaw na ang magbayad.” Malak ang ngiti nito. “Pero wala talaga akong pera.” Nakangiwing mahinang usal. “Paano kung sa sahod ko nalang kayo ilibre?” suhestiyon niya. “Fine.” Si Kayde ang sumagot. “Pahiram na lang ako ng cell phone.” Nagtatakang ibinigay ang cell phone. Baka mamaya ay magbago pa ang isip nito ay ipagpilitan ulit na manlibre siya. May kinalikot ito sandali at inilagay sa tenga, maya-maya ay napangiwi. “Seriously, kahit load ay wala ka? Ganon ka kahirap?” Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Denis. Wow ah. “Wala eh.” Kamot-batok na sagot niya. “May limang piso pa naman na regular na load ‘yan, i-text mo na lang.” Napapantastikuhan na iiling-iling si Kayde. Kakaibang babae. Isip-isip niya. Matapos ang ilang pindot ay binalik na ng binata ang cellphone. “Sinave ko na ang number ko, kung gusto mo makita ang gwapo kong mukha ay tawagan mo lang ako—oh, by the way, hindi na kailangan dahil magmula next week lagi na tayong magkikita.” “Huh? What do you mean?” Naguguluhan niyang tanong pero kindatan lang siya nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya. “I told you, my service is expensive. At malalaman mo ‘yon sa mga susunod na araw.” saka siya mabilis na hinalikan sa labi. Kusang tumaas ang kamay ni Bambi at akmang sasampalin ito ng muling magsalita si Kayde. “Nakatingin ang ex-boyfriend mo.” Natigilan siya. Ang nakataas na kamay ay mabilis na sumabit sa batok ng binata saka matamis na nginitian niya. “Ang sarap mong sakalin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD