V

3353 Words
Puno ng pag-aalinlangan ang mukha ni Bambi sa harap ng salamin habang nakatuon ang atensyon sa repleksyon ng lalaking nasa likuran. Pinuntahan siya nito para ayain na sumama sa pupuntahan. Nalama niya mula kay Nathan na nag-aaya ang ina niyo na kumain sa labas. Sa kadahilanan na kasama ng ginan ang anak ng kumare, hindi upang muling magkita kundi ang ibugaw ang anak sa iba. Halos taon na ang kanilang binibilang bilang magkasintahan, ilang taon na rin alam ng pamilya ni Nathan ang patungkol sa kanila ngunit patuloy pa rin ito sa pambubugaw sa anak. Dahilan? Simple lang, hindi raw siya ang nababagay sa nababagay sa anak at kung sabihin ng iba ay langit sila samantala si Bambi ay lupa. Tutol ang mga ito, mas lalo na ang ginang na tunay na gumagawa ng paraan para masira ang relasyon nilang dalawa. Siguro ay dahil ‘yon sa pamilya at antas ng buhay na kinalaki niya kaya hindi talaga siya magustuhan ng mga magulang. Marahas siyang bumuntong hininga upang putulin ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Sigurado ka ba na pwede akong sumama sa lakad niyo? Baka mas lalo magalit si Tita Maria kung makita niyang ako ang kasama mo.” Tanong niya ng lumipas ang mahabang katahimikan. Nag-angat ng tingin sa kanya si Nathan mula sa nilalarong cell phone nito. “Hon, paano mo na sasabi iyan? Maayos kan pinakikisamahan ni momma pero lagi kong naririnig sa’yo ay di kaaya-ayang mga salita.” Itinirik niya ang mga mata. “Maayos sa harapan mo.” “What?” Kunot noong tanong ni Nathan. “Hindi ko narinig ang sinabi mo, pakiulit.” “Wala akong sinasabi.” Inosenteng sagot ni Bambi bago inilagay ang mga gamit sa bag. Wala itong ibang inaasahan na maganda sa lakad, kung siya nga lang ang tatanungin ay ayaw niya na sumama dahil gulo lang ang mangyayari sa mag-ina. Para kay Bambi, mas maayos ng paitunguan siya ng masama kung hindi siya gusto ng tao, ayaw niya lang ay ang magkukunwari ito mas lalo na sa harap ng maraming tao. “Let’s go, malalate na tayo.” Inakbayan siya ni Nathan. “And I also want you to introduce to Steph.” dagdag pa nila. Hindi umimik si Bambi, halata na labag sa loob niya ang sumama. Di niya naman matanggihan ang nobyo, pasalamat pa nga siya na naalala siya nito sa kabila ng itsura niya. “I want to announce later our engagement.” Napahinto si Bambi sa paglalakad at mabilis na nilingon si Nathan. “Engagement?” “Yep. Hon, matagal ko na ito pinag-iisipan. Mamaya ko pa sana sasabihin pero kita ko na ayaw mong sumama kaya, please?” Pakiusap nito sa kaniya. Bumuga ng marahas na hininga si Bambi. “May magagawa pa ba ‘ko?” Dinig ang kawalan ng ibang pagpipiliin ngunit sa kailaliman ay ang say ana nararamdaman. “I love you.” Hinalikan siya ni Nathan sa labi. Bago pa makasagot si Bambi, bukas na ang pinto ng elevator at parehas na lumabas. Matapos ang pinag-usapan ay wala muling umimik sa kanilang dalawa. Ayaw niyang mag-overthink pero alam niya na ang kalalabasan ngs pagpunta niya. Hindi niya inaasahan na sasang-ayon ang ina ni Nathan, pero matagal na niya pinaglalaban kaya hindi na bago sa kaniya. Di lubos maisip kung bakit may magulang na mapangmata mas lalo na sa katayuan sa buhay. “MOM, WHERE ARE YOU?” Napatingin si Bambi sa kinatatayuan ni Nathan. Nang makarating sila ay wala ang ina sa restaurant na pinag-usapan bagkus ay isang seat for two ang bumungad sa kanila—hindi para sa kaniya kundi para kay Steph na kakarating pa lang. Harap-harapan na talaga ang pambabastos na ginagawa niya sa akin. Oo, alam niya na matagal na ang ginagawa ng ina nito pero mas masakit pala makita harap-harapan kung paano nito paghandaan na ni minsan ay hindi nito nagawa para sa kanila. Dahil kahit kailan, hindi rin siya nito kinilala. “Son, hindi maganda kung andyan ako. Naisip ko na mas makakapag-usap at mas lubos niyo makikilala ang isa’t isa kung kayong dalawa lang. So, enjoy, you tw—” Masaya at puno ng pananabik na ani Tita Maria. “Mom, ang sabi mo ay magpupunta ka kaya ako pumayag.” Lumingon si Nathan sa pwesto ni Bambi, kinuha ang kamay saka ilang beses na pinisil-pisil ang kamay niya. “At kasama ko si Bambi to announce something important.” “What?!” Singhal sa kabilang linya. “Ano na ang sasabihin ni Steph kung snama mo pa ang babaeng ‘yan?!” “’Ano ang iisipin ni Bambi kung makita niyang kasama ko si Steph.’ that’s the right word, mom.” Pagtatama ni Nathan saka sunod-sunod na bumuga ng marahas na buntong hininga. Walang imik ang ginang sa kabilang linya, nangangalaiti sa inis at gusto sugurin si Bambi. Kung hindi lang magagalit ang anak ay matagal na niyang sinugod. ‘Panira talaga ang babaeng ‘yon.’ “Hahayaan ko ang nangyari ngayon, mom. Huwag mo na uulitin.” Ani Nathan ng mapansin na hindi na nagsalita muli ang ina. “I’ll talk to Steph para hindi masayang ang pagpunta niya dito.” Hindi na muling kumibo ang ginang, pinatay ang tawag. Kasabay ng pagpapakawal ng malalim na buntong hininga ni Nathan saka bumaling sa kaniya. “Pagpasensyahan mo na si Momma. Gustog-gusto niya lang maging malapit kami ni Steph dahil inaanak niya rin ‘yon.” Hindi kumibo si Bambi. Magbubulag-bulag na naman ang lalaki sa ginagawa ng ina kahit hindi ito ang unang beses na ginawa ito. “Puntahan mo muna ang kinakapatid mo, hon.” Ani Bambi na may maliit na ngiti sa labi. “Mauuna na ‘kong umuwi. Sayang ang inihanda ng momma mo kung hindi niyo magagamit—at hindi ako invited, baka magalit lalo dahl nasira ko ang ginawa niya.” Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso habang sinasabi iyon kay Nathan. Nagpaparaya siya pero may parte sa puso niya na h’wag itong tumuloy at piliin na samahan siya. Ngunit gusto niya na ito mismo ang makapansin. “Okay, mag-iingat ka. Magtext ka sa akin kung nasa apartment ka na.” Ani Nathan na bahagyang nakahinga ng maluwag. Sa kabila ng disappointment na nararamdaman mas pinili ni Bambi ang ngitian ang nobyo. Hindi na ‘yon bago, matagal na sila at ilang taon na ang binibilang—gayon na rin katagal ang binibilang niya sa madalas na pagpili sa iba kesa sa kaniya. Natauhan siya mula sa malalim na pag-iisip ng may nagdoorbell sa apartment niya. Nabuhayan si Bambi, umaasa na sumunod si Nathan sa kaniya ngunit ganon na lang ang panghihinayang niya ng bumungad si Lani sa kaniya. Hindi niya pa ito pinapapasok ng pumasok na ito sa loob ng apartment at prenteng naupo sa sofa. “Bakit ka andito?” Tanong ni Bambi sa kaibigan. “Matagal-tagal ka hindi nagparamdam, akala ko ay tumirik na ang mata mo.” Walng preno ang bibig nito. “At tama lang ako ng oras na pagpunta, mukhang may nangyari na naman sa inyo. Tell me, may ginawa ulit ang mapangmata niyang ina ‘no?” “Katulad ng dati.” Inisang hakbang nito ang pagtan nila. “Kasalanan ko rin, hindi ako invited pero nagpunta pa rin ako.” “T*nga ka kasi.” Komento ni Lani saka bumuga ng hangin. “Hindi mo nalang iwan iyang momma’s boy mong boyfriend. Ang tagal ka ng kinakawawa ng pamilya niya pero hindi pa rin siya naniniwala. Hindi naman siya bulag, di rin manhid kaya sigurado akong kinakampihan lang niya ang nanay niya.” Sa mga sinabi ni Lani, bumaba ang tingin ni Bambi at mariin na kinagat ang ibabang labi. Pinipigilan ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata. “W-wala eh, mahal ko siya.” “Sis, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagmamahal ang dapat mong inuuna—sarili mo dapat. Ano? Kung siya ang makakatuluyan mo edi buong buhay mo ay aalilain kka ng pamilya niya.” Tumirik ang mga mata. Hindi naiwasan ni Bambi ang matamaan sa sinabi ng kaibigan. Pumasok na rin ‘yon sa isipan pero hindi niya talaga makita ang buhay na mag-isa. At hindi kasama si Nathan. “Hindi mo ‘ko katulad, Lani. Maganda ka, sexy, at nagmula sa magandang pamilya. Lahat ng ‘yan ay wala ako kaya sa tingin mo ba ay makakahanap ako ng lalaki na magkakagusto at mamahalin ako sa ganitong itsura?” Iyon ang totoo. Ang mga kataga na laging sinasabi ni Nathan sa kaniya sa tuwing nag-aaway silang dalawa. Mabait si Natahan ngunit kung nag-aaway sila ay kung ano-anong masasakit na salita din ang sinasabi nito. Hindi niya makuhang pumalag dahil totoo ang mga lumalabas sa binata. Hindi siya maganda at walang ibang magkakaggusto sa kaniya dahil sa pinagmulan niyang pamilya. “Sino ang nagsabi sa iyo na walang ibang magkakagusto sa iyo?” Kunot-noo na tanong ni Lani saka marahan na hinila ang buhok ni Bambi. “Maganda ka, sexy ka, at mas matalino ka kesa sa akin. Hindi mo inilalabas dahil takot at ayaw mo talaga na ipakita sa iba.” Naghari ang katahimikan sa buong silid ng hindi siya makaimik. Madali lang parra sa kaniya sabihin pero para sa akin ay hindi. Tahimik na hikbi ang maririnig, hindi siya inaalo at nanatiling tahimik si Lani. Inilalabas niya ang lahat ng sama ng loob, i-ikwenento ang lahat ng naangyari pati ang proposal na ginawa ni Nathan pero wala pa rin siyang narinig kay Lani. Ilang oras ang lumipas, lumubog na ang araw. Kumalma na ang nararamdaman pero mahapi pa rin ang mga mata dahil sa pag-iyak. Dinampot ni Bambi ang cell phone. Walang message na galing kay Nathan bagkus ang may mensahe ang ina ng nobyo sa kaniya. Pinapupunta sa isang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Lani at nakasaad doon ang kwarto kung saan sila mag-uusap. “Ano ang nangyari sa iyo?” Ani Lani na para bang nag-aalala na nakatingin sa kaniya. Pinakita niya ang message. “S-samahan mo ako.” ITO ang unang beses na nagsabi ang Tita Maria na mag-uusap sila, sa tagal niya karelasyon ang anak nito ay ito rin ang unang pagkakaataon na inimbitahan siya nito. Pero sa hindi malaman na kadahilanan, kinakabahan siya maaring malaman o sabihin nito. “Huwag ka mag-aalala, andito ako.” Pinalalakas ni Lani ang loob ng kaibigan. Bumuga ng marahas si Bambi na nagtungo sa front desk, sa hindi malaman na kadahilanan ay ayaw silang pagbigyan ng una pero ng nagpakita na si Lani ay walang magawa ang babae kundi ang pumayag. Invasion of privacy pero hindi siya magpupunta dito kung hindi dahil sa sinabi ng ginang. Mas lalo tuloy kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Humigpit ang hawak ni Bambi sa braso ng kaibigan ng makarating sa pinto ng kwarto. Wala siyang ibang ingay na ginawa, gamit ang susi na binigay sa kanila ay binuksan niya ang pinto na hindi umaagaw ng atensyon. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mabilis na bumugad sa kaniya ang kama, kung saan natagpuan ang nobyo na naliligo sa sariling pawis habang habol ang hininga. At ang babaeng nakahiga na walang niisang saplot sa katawan. “B-bambi.” Nanlalaki ang mata na bulaslas ni Nathan at dali-daling umalis sa ibabaw ni Steph—na pinakilala bilang kinakapatid. “A-ano ito, Nathan?” Pilit niya tinatatagan ang sarili na hindi mabuwal sa kinatatayuan. “K-kailan pa ito?” “A year.” Bumaling ang atensyon nila ng magsalita ang babae na mabilis tinago ang katawan sa ilalim ng kumot. “Mag-iisang taon na kami pero paniwalang-paniwala ka pa rin.” “Steph!” Suway ni Nathan para patahimikin ito. “G-ganon na katagal?” Mapakla siyang natawa, iiling-iling na binalingan ang babae. “At hinayaan mo rin ang sarili mo maging kabit.” “Opps, walang kabet sa atin dalawa. Hindi pa naman kayo kasal at kahit kailan ay hindi mangyayari dahil ako ang gusto ng magulang niya.” Malanding hinawakan ng babae ang mukha ni Nathan. “At nakakasigurado din ako na ako ang pipiliin niya.” Hindi makapagsalita si Nathan, maski ang tumingin diretso sa mata ay hindi magawa. Di ito nag-abala na magpaliwanag o itama ang nakikita niya ngayon, ibig sabihin ay matagal na—matagal na siyang nagmumukhang tanga sa lahat. “Di ba ang sabi mo ay magpapakasal tayo—” “Paano kita papakasalan kung ang pangangailangan ko bilang lalaki ay hindi mo maibigay?” Umayos ito ng upo sa kama, hindi nahihiyang ibalandra ang katawan sa tatlong babaeng nasa kwarto. “Ilang taon na tayo, Bambi, niisang beses ay hindi mo binigay sa akin ang hinihiling ko sa iyo.” “Nang dahil lang doon?” Kagat ang ibabang labi para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata pero kahit dumugo na ang labi ay hindi niya kayang kontrolin pa. “Lahat ng lalaki ay may mga pangangailangan, girl. At iyon ang hindi mo maibigay sa kaniya sa mga nakalipas na taon kaya ano ang aasahan mo.” Pagmamaldita ng babae. “Mukhang hindi ka nga marunong tumingin sa harap ng salamin.” “Aba’t—” Akmang susugurin ito ni Lani ng pigilan ito ni Bambi. Walang tigil ang pagpatak ng luha, gusto mabuwal sa kinatatayuan pasalamat sa agapay ng kaibigan. Nilingon niya si Nathan. “Let’s break up. Tapos na tayong dalawa at sana maging masaya kayong dalawa.” bumaling siya kay Steph. “Sana, hindi mo maranasan sa kaniya ang naranasan ko at hindi ka niya lokohin.” Bago pa makaimik ang dalawa, hinila niya ang kaibigan palabas. Nang makarating sa sasakyan, doon siya nabuwal, malakas na humagulgol ang maririnig hanggang sa makarating sa unit ni Lani. “Tama ang ginawa mo, Bambi. You don’t deserve him, makakalimutan mo din ang mukhang ingrone na lalaking ‘yon.” Pagpapagaan nito ng loob niya. MULING BUMALIK ang mga aalala niya ang mga pangyayari ng araw ‘yon matapos magtagpo ang mga mata nila. Masaya ang dalawa, mas lalo na ang Tita Maria dahil natupad ang plano niya na paghiwalayin silang dalawang dalawa. “First warning.” Nilingon niya si Lani ng magsalita ito sa kaniyang tabi. “Ilang buwan na, siguro ay ubos na ang luha mo para sa ingrone na ‘yon.” “Hindi ako iiyak.” May ngiti sa labi niyang tugon saka pinatuyo ang kamay. Matapos makita ang dalawang lalaki na iniiwasan niya sa iisang lugar, mabilis na hinila niya ang kaibigan papunta sa banyo upang makatakas. Doon siya magaling, sa pagtakas. “Good. Hayaan mo silang magsama, hindi magtatagal ang babaeng ‘yon naman ang lolokohin ng kupal na iyon.” Tumitirik ang mata ni Lani. “Tara na, natanggal nga ang stress ko pero ikaw naman ang na-stress.” Mahinang natawa si Bambi sa tinuran ng kaibigan. Hindi lang stress ang nararamdaman niya kundi pagod sa buong maghapon. Parehas na lumabas, nakaupo sa bench sa harap ng arcade ng huminto sa paglalakad si Lani. “Nakalimutan ko ang isang paperbag.” “Ako na magpupun—” Hindi niya maituloy ang sasabihin ng makitang pumamsok si Steph sa restroom na nilabasan nila ng kaibigan. “Hihintayin na lang kita dito.” Iniwan siya ni Lani, hawak ang lahat ng paperbag ng pinamili nila. Tahimik siyang naghihintay habang inililibang ang sarili sa pagbibilang ng mga dumadaraan ng may huminto sa harapan niya. “Nakahanap ka na ba ng mas bettere sa akin?” Itinaas niya ang tingin, bumungad ang nakangising mukha ng ex-boyfriend. “Sabi sa iyo, bukod sa akin ay walang ibang papatol sa iyo.” dagdag pa ng hambog. Nanatili siyang walang imik. Ayaw niyang patulan dahil sa bandang huli ay siya uli ang maging mali. “Napipe ka na ata?” Paghahamon nito. Marahas siyang bumuntong hininga, tumayo sa kinauupuan at kinuha ang lahat ng paperbag na dala saka ito tinalikuran pero bago pa niya ito magawa ay marahas na hinila ng lalaki ang braso niya. “Kinakausap kita!” “Tapos na tayo, ano pa ba ang gusto mong marinig.” “Na wala ng ibang lalaki na papatol sa iyo bukod sa akin.” Mahinaho na nito pero ang tono ay puno ng pagyayabang sa sarili. “Iyan ang hindi ko magagawang sabihin.” Ngumisi siya saka tinitigan ang lalaki direkta sa mata. “Dahil may pumatol sa akin.” pagsisinungaling niya. “At sinong malas ang papatol sa isang boring na katulad mo?” Inilibot niya ang tingin, naghahanap ng maaring mairason ng muling makita ang lalaki—si Kayde! Papalabas ito sa mens shop. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Nathan sa braso niya at patakbong lumapit kay Kayde saka ito hinalikan sa labi. “Help me with this please?” Samantala, gulat na gulat si Yaji sa nangyari at halos hindi makagalaw sa kinanatayuan pero dahil pogi at self-proclaimed genteleman ay hinayaan niyang halikan siya nito. “May nangyari ba?” Kunot-noong tanong ni Kayde ng mapansin ang namumutla at natatarantang mukha ng dalaga ng humiwalay ang labi nila. “Ex-boyfriend.” Sa naging sagot ng dalaga ay alam niya na. “Wala kang kailangan gawin, magpapanggap ka lang na tayong dalawa.” “Hmm. Teenager?” Mga bagets lang ang gumagawa ng selos-selos at pagpapanggap. “Kung ayaw mo ‘di wag.” Mabilis na react ni Bambi. “Baby, my service is expensive.” Ano na naman ba ang pinagmamalaki ng isang ‘to? Isip-isip ni Bambi. “Babayaran kita.” Walang pag-aalinlangan na sagot niya. “Baka hindi mo kayanin.” Pagbabanta ni Kayde. “Pero pwede naman natin pag-usapan, sa ngayon, gawin na muna natin ang kailangan gawin.” Hindi pa nakakapagsalita si Bambi sa mga sinasabi ng binata, nang kunin nito ang mga paperbag na bitbit niya, at saka pinulupot ang braso sa bewang niya. “A-ano ang ginagawa mo?” “Magpapanggap katulad ng sabi mo.” Nakangising anito. “Wala kang kailangan sabihin, ako na ang bahala sa iyo at ng maturuan ng leksyon ang ex-boyfriend mo.” Lumapit sila sa pwesto ni Nathan na may nakakamatay na tingin, hindi maipinta ang mukha, mas lalo na ang kunot na nuo. Hindi pa sila tuluyan nakakalapit ng magsalita si Kayde. “Mukhang paa ang iniiyakan mo.” Masamang tingin ang binaling niya dito at bigla na lang itong nagpakita ng inosenteng tingin na tila ba hindi nanglait ng kapwa. Nang makalapit sila sa kinatatayuan ni Nathan ay nagpakita ng nang-aasar na ngiti ang binata. “Pre, magandang lalaki ka pero pumatol ka sa sa isang katulad niya? Look, maski ang uniform sa trabaho nila ay hindi babagay sa kaniya.” “Nagkakamali ko siya—” Nilingong niya si Kayde na may nanlalaking mga mata sa maaring susunod nitong sasabihin. “Hindi ko siya nagustuhan ng dahil sa itsura o pananamit niya. Dahil nagustuhan ko siya sa kung anong meron at pag-uugali niya.” “Pare, mukhang magkaiba ata tayo ng naging pakay sa kaniya.” Dagdag pa ni Kayde na hindi mawala-wala ang nakakalokong ngiti sa labi at pang-aasar na tono. “Impossible, sa ilang taon namin ay hindi manlang mapunan ang pangangailangan ko bilang lalaki—kaya nakakasigurado akong iiwan mo din siya.” Masakit para sa dalaga na marinig ang mga katagang nakakasira sa puri niya mula sa labi ng lalaking lubos niyang minahal ng ilang taon. Napatunayan niya na hindi siya nagkamali na nakipaghiwalay siya dito. “Hindi ka niya tipo o baka maliit.” Bumababa ang tingin ni Bambi at Kayde sa pagitan ng hita ni Nathan. “Dahil sa akin, sumasagad hanggang sa kaibuturan at walang segundo niyang hindi tinatawag ang aking pangalan.” “You—” “Yeah, we did it. And I am her first.” Proud na proud na ani Kayde. Ramdam niya ang pamumula ng mukha. Ang lalaking ‘to, kailangan pa sabihin ang mga bagay na ‘yon? “By the way, my name is Kayde.” Hindi ito nag-abala na ilahad ang kamay bagkus ay humarap kay Bambi bago tinitigan direkta sa mata. “Bambi’s Boyfriend.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD