Makalipas ang isang araw, pagkatapos ng surprise sa akin ni Christian ay inaya ako ni Ian na mag-outing kasama ang family niya. Noong una ay nahihiya ako dahil ngayon lang ulit ako makakasama sa outing nila. Ewan ko ba kay Ian kung bakit sinama niya pa ako. Hindi na ako nakatanggi dahil nakakahiya kay tita Elizabeth. Kapalan ko na lang ang mukha ko. Inaayos ko ngayon ang mga gamit na dadalhin ko. Sa Tagaytay kami pupunta ngayong araw at aaminin ko na excited na akong makapunta doon. At isa din iyon sa dahilan kung bakit ako pumayag na sumama sa kanila. "Hija? Tulungan na kita sa pag-aayos mo para mapabilis ka," alok sa akin ni manang Emelita. "Sige po nay, salamat po," sambit ko. Lumabas na muna ako sa aking kuwarto at may kukunin ako sa kusina. "Jane!" Sigaw na tawag sa akin ni kuy

