"Alam niyo? Kayong dalawa, wala na kayong ginawang matino. Tigilan niyo nga iyang challenge na iyan," inis kong sambit sa dalawa. Hindi nila ako pinansin at pinagpatuloy ang kanilang usapan. Napatakip na lamang ako ng aking mukha dahil sa kahihiyan. Halos lahat na ata ng tao dito sa cafeteria ay nasa amin ang paningin nila. "Unahan tayong makakuha ng tatlong puntos. Kung sino ang mauna sa atin, siya ang magiging date ni Heiley," paliwanag ni Ian kay Christian. "Seryoso talaga kayo riyan? " Singit kong tanong sa kanila. "Oo basta para sa iyo. Handa namin gawin ang lahat," sagot ni Christian. "Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng ibang date?" Mahina kong bulong sa kaniya. "Ayaw kong humanap ng iba. Gusto ko ikaw lang," sagot niya sa akin at sabay ngiti sa akin. Itinulak ko siya n

