Christian's POV. Mag-isa na ako ngayon sa mall. Naiinis ako sa ginawa ni Adrian dahil hindi patas ang ginawa niya. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang iyon. Kailangan ay makabawi ako, gagawin ko ito para hindi makakuha ng puntos kung 'di ang mapasaya si Heiley. May hinuha na ako sa magiging desisyon niya pero susubukan ko pa rin. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko para lang pumayag siya na maging date ko. Bakit ba naman kasi minamalas ako ngayon. Naging pinsan ko pa ang babaeng matagal ko ng minamahal. Napasabunot ako sa aking buhok dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Umalis na ako sa loob ng jollibee at uuwi na lamang ako. Wala naman na akong gagawin pa dahil naiwan na akong mag-isa. Habang naglalakad ako ay nag-iisip ako ng paraan kung paano ko sosorpresahin si Heiley. Kailangan a

