"Kain lang kayo ng kain ahh. Huwag kayong mahihiya. Libre na namin iyan sa inyo," sabi ni Raine. "Raine, hindi naman ata tama na libre kaming kakain dito. Hindi na tayo mga college students. May mga trabaho na tayong lahat. Suportado natin ang isa't-isa. At kahit na kaibigan mo kami ay dapat maging patas tayo sa iba. Siyempre ang sa akin lang, business niyo ito at hindi kayo kikita kung ililibre mo kami. Hayaan mong kami na ang magbayad ng mga order namin. Gets mo ba?" Seryoso kong saad. "Tama si Heiley, hindi porket kaibigan mo kami ay may special treatment na. Anong akala mo sa amin? Poorita?" Natatawang pagsang-ayon sa akin ni Zelia. "Sabagay may punto kayo. Sige na kumain na kayo riyan," sagot na lang niya. Nakakatuwa na sa unang araw ng pagbubukas nila ay marami na agad silang cus

