"Nakapag-usap na ba kayo?" Tanong ko kay Ian. Pagkatapos kasi namin kumain sa restaurant nila Raine ay kinausap niya muna saglit si Nathalie. Kadarating lang namin ngayon sa kaniyang condo dahil ipagluluto niya daw ako ng aking paboritong pagkain. "Okay na ang lahat. Hindi na siya manggugulo pa. Ipinaliwanag ko na sa kaniya ang lahat," nakangiti niyang tugon sa akin. "Are you sure?" "Yep. Kaya wala ka ng dapat pang ika-bahala. For now, let's enjoy this night. Ipagluluto kita ng paborito mong kaldereta." "Sarapan mo ahh. Kapag iyan hindi masarap, uuwi na ako," biro ko sa kaniya. "Kung usapang masarap lang pala ang nais mo. Sarili ko na lang ihahain ko." "Love ang bastos mo!" Sigaw ko sa kaniya. "Bakit naman?" Halakhak niya. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Gutom lang siguro ito

