Adrian's POV. "Mom alis na po ako. Thank you po ulit," paalam ko kay mommy at humalik sa kaniyang pisngi. "Mag-iingat ka," aniya. "Opo mom. Sige po, mauna na ako." Lumabas na ako ng kumpanya at dumiretso sa aking kotse. Excited na akong makita si Heiley. Noong una ay maluwag pa ang daanan, ngunit kalaunan ay bumigat na naman ang daloy ng trapiko at naipit na ako dito. Kung kailan naman ako malapit sa destinasyon ko ay saka naman nagkaroon ng traffic. Kinuha ko ang telepono ko para tawagan si Heiley. Halos hindi rin naman umaandar ang mga sasakyan sa harap. Ilang saglit pa ay sinagot na niya ang aking tawag. "Love malapit na ako. Nariyan ka na ba?" Tanong ko sa kaniya ["Oo love. Kakatapos ko lang makipag-usap kay Mr. Alvarez. Nasaan ka na ba?"] Sagot niya sa kabilang linya "Naipi

