Maihahalintulad ko ang aking buhay sa isang ferris wheel. Minsan nasa taas ako, minsan nasa baba. Sa bawat pag-inog nito ay ang pagbabago ng nasa paligid ko. At ngayon sa tingin ko ay nasa taas ako, dahil nakakalula na ang mga nangyayari sa buhay ko. Naiwan ako sa taas at hindi na makababa. Nakakalula na ang lahat, para bang isang pitik na lang ay bibigay na ako. Mapapagod sa pagiging matatag sa lahat ng oras. Guguho na ang pader na ginawa ko. Nawalan na ng pundasyon. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito. Ang alam ko lang naman ay nagmahal ako ng buong-buo na pati buhay ko kaya ko ng isugal. Inakala ko na matatapos ang lahat kapag nagpakatotoo ako sa sarili ko. Hindi man lang ako nabalaan na may paparating pa pa lang unos. Nawalan ako ng oras

