Heiley's POV. Ang sarap ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ang asul na kalangitan na pinalilibutan ng nga ulap ay kay sarap pagmasdan. Ang mga ibon ay malayang lumilipad at ginugunita ang kanilang kalayaan. Ang payapa ng lugar na ito at hindi ko na gusto pang lisanin ito. Hawak hawak ng lalaking pinakamamahal ko ang aking kamay habang ako ay nakahiga sa kanya at malayang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ang gandang tanawin na nais kong balik balikan. "Ley, sana palagi tayong ganito. Walang iniindang problema. Chill lang," malambing niyang sambit sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha gamit ang isa niyang kamay. Napangiti ako sa ginawa niya. "Alam mo Ian kahit naman magkaroon tayo ng problema basta magkasama nating haharapin ay walang kaso sa akin. Hindi naman maiiwasan '

