Sinamahan ako ni Christian sa CR ng mga babae para magkapag palit ng aking damit. Pinahiram niya muna ako ng kanyang P.E uniform. Buti na lang at may extra siyang baon kundi baka pagpiyestahan na ng mga mata nila ang katawan ko. Nagkasya naman sa akin ang T-shirt niya at pinaragan ko na lang ito sa aking palda para hindi masyadong malaking tingnan. Buti na nga lang ay hindi nabasa ang palda ko. Binalik ko sa kaniya ang polo na isinuot niya sa akin kanina. Hindi niya na rin ito nagamit dahil nabasa na rin ito kaya naman nakasuot na lamang siya ng white plain T-shirt ngayon. "Salamat ahh," nahihiya kong sambit sa kanya. "Wala 'yon. Maliit na bagay," seryoso niyang sambit. "Salamat talaga. Babawi ako sa iyo next time," nakayuko kong saad. Ginulo niya ang aking buhok na nabasa rin kanina

