"How far would you go to keep the hope of love alive?” ~Nicholas Sparks . . . Para akong naubusan ng lakas dahil sa mga nangyari kanina. Lalo akong nalilito kung ano ba ang dapat kong gawin. Upos na upos na ang utak ko sa kakaisip. Para akong nakalambitin patiwarik sa mundo at pinapahirapan. Kailan ba ako magiging masaya? Kailan ba ako makararanas ng katahimikan? Buong buhay ko palagi na lang nararamdaman ng iba ang iniintindi ko. Wala akong oras para sa sarili ko. Paano naman ako? Hindi ko na kilala ang sarili ko. Normal lang ang lahat noon pero nagbago ang ihip ng hangin dahil sa lalaking nakilala ko at minahal ko ng higit pa sa sarili ko. Ginulo niya ang tahimik kong mundo. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin, binigyan niya ako ng ngiti sa aking mga labi. Siya

