Episode 14

2034 Words

Nandito na kami ngayon sa loob ng mall at naglilibot. Napagpasyahan namin na kumain na lang sa Jollibee dahil baka hindi kami mabusog sa ice cream. Nagugutom na rin naman ako at masamang malamigan ang tiyan kapag wala pang laman. Sinamahan ko siyang pumila sa counter para umorder ng kakainin namin. Ayaw ko naman na maghintay lamang sa isang tabi. Hindi ako sanay, wala akong pagpipilian kaya naman sinamahan ko na lang siya kahit na nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. "Anong gusto mo?" tanong niya sa akin. "Uhmm... Ano na lang... Isang jolly crispy chicken with drinks, isang jumbo fries, at isang sundae twirl cookies and cream. Iyon na lang muna," sagot ko sa kanya. Kami na ang susunod sa pila kaya naman sinabi na niya ang mga order namin. Halatang kinikilig ang babaeng kumukuha ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD