Episode 2

2130 Words
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Sino ba itong tumatawag sa akin? Ang aga-aga pa ay nang iistorbo na. Kinapa ko ang aking telepono sa side table at tamad ko itong sinagot. "Oi Heiley Jane Erivans kanina pa kita tinatawagan bakit naman ang tagal mong sumagot!?" bungad sa akin ng maldita kong bestfriend. Malamang hindi ko talaga maririnig sa himbing ba naman ng pagtulog ko. "Bumaba ka na riyan sa kwarto mo at sabay na tayo pumasok ng school." Hindi pa ko nakakasagot ay binabaan na niya agad ako ng tawag. "Arrrrrggggghhh ang aga-aga pa! Istorbo naman 'to. Tss. Wala naman kaming usapan na susunduin niya ko." Padabog akong bumangon sa aking kama at dumiretso sa banyo para ayusin ang sarili ko. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang aking uniform . Sa Harrison University (H.U) ako nag-aaral. Sikat ang school namin dahil mayayaman ang mga pumapasok dito. Isa ito sa pinakamalaking school na matatagpuan sa aming lugar. Noong una ay ayaw ko pang pumasok dito dahil sa wala naman akong kakilala at nabalitaan ko na madaming nag-aaway dito pero pinilit pa rin ni Mom na doon nalang ako pumasok dahil maganda daw ang turo doon at doon sila nagkakilala ni Dad. Malapit na akong makapagtapos ng pag-aaral isang taon na lamang ang gugugulin ko at makakapagtrabaho na ako. Masasabi kong matalino ako dahil simula elementary ay palagi akong nangunguna sa klase at humahakot na ng mga medalya. Noong tumuntong naman ako ng High school ay hindi ako nawawala sa honors. Pero sa kabila ng mga nahahakot kong karangalan ay may nagtatagong lungkot na hinding hindi makikita ng kahit na sino. Nagkukubli lamang ako sa madilim upang hindi mapansin ang tinatagong lihim. Dumiretso ako ng kusina upang kumuha ng tinapay ganun palagi ang aking kinakain sa umaga. Minsan nga hindi na ako nag-aalmusal at binabaon ko nalang dahil parati akong nalelate ng gising. Pagkakuha ko ng kailangan ko ay tumungo na ako sa aming sala kung saan naghihintay ang magaling kong kaibigan na si Zelia. Tiyak akong may topak na ang babaeng yun at baka masapak pa ako. "Boo!" "Ay palaka! Zeliaaaaaa!! Ano bang trip mong babae ka inistorbo mo na nga ang pagtulog ko gugulati—" napahinto ako nang makita ko kung sino ang nakaupo ngayon sa sofa namin. "Bakit kasama mo 'yang lalaking 'yan?" inis kong bulong sa kaibigan ko. "Nakita niya ako sa labas ng mansion kaya inaya ko na siya." Binatukan ko si Zelia sa sobrang inis. "Hi Ley, nakita ko kasi kaibigan mo. Inaya niya ako kaya hindi na ako tumanggi," ngisi niyang sambit sa akin. Ginawaran ko siya ng isang matalim na tingin. "Oo nga naman Sis isabay nalang natin 'tong si Adrian." Tsk bakit ba naman kasi nandito itong lalaking ito eh. Ano pa bang gusto niya? Ginugulo niya pa ang tahimik ko nang buhay. "Nanay Emelita pakitawag na po si Kuya David pakisabi po na ihanda na ang sasakyan namin para maka alis na kami," utos ko kay Nanay. "Naku Iha, wala ngayon ang driver mo inutusan ni madam kasama siya nito ngayon, may pupuntahan ata na business meeting," sambit niya sabay lingon kay Ian. "Nariyan ka pala Adrian, naku lalo kang pumogi. Ang tagal mong hindi napadaan dito ah," nakangiting sambit ni manang. Si manang talaga oh dami pang sinasabi. "Oo nga po manang eh. Nakakamiss po na pumunta dito," sambit ni Adrian. "Welcome na welcome ka dito. Punta ka lang kapag libre ang araw mo," nakangiting sabi ni manang. "Ahh... ehh... sige na po. Salamat Nanay. Gawin niyo na po ang mga gawain niyo," pagtataboy ko sa kaniya. Nang maka alis na si manang ay napasin ko na nakangisi pa rin sa akin ang loko. Nakakainis naman itong si Zelia, sinama pa kasi itong lalakeng 'to. "Paano na yan Sis? Hindi ko dala ang mamahaling kotse ko. Saan tayo sasakay ngayon?" maarteng tanong ni Zelia. "Don't worry girls. You can ride with me. Sabay-sabay na tayong pumasok," aniya na hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. "No!" "Sure," sabay naming sagot ng kaibigan ko. Pinanlakihan naman niya ako ng mata na parang may ipinapahiwatig. Naririnig ko tuloy sa isip ko ang boses niya habang sinasabing 'choosy ka pa ba girl.' "Ok fine." Wala naman akong magagawa dahil wala ang aking magaling na driver. "Great!" Sagot ni Adrian at nauna na siyang lumabas . "Papayag ka din pala. Aayaw ka pa diyan. Marupok ka talaga sis. Tara na nga!" Napailing nalang ako. Wala na 'kong choice eh kaya nagpatianod nalang ako sa kaibigan ko. Vash Adrian Hale ang lalaking minamahal ko ng higit pa sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit humantong sa hindi pagpapansinan ang dati naming samahan. Ang alam ko lang hindi na kami katulad ng dati. At sa tingin ko ay hindi na ito maibabalik pa. Maliit na ang pag-asa na umayos ang lahat. Hindi na nagtutugma ang nararamdaman namin para sa isa't isa. ~Flashback~ "Ian pag-usapan naman natin 'to! Ano bang problema? Maayos naman tayo kahapon at wala naman tayong problema," naluluha kong tanong sa kaniya. "Ley we need to stop this f*****g relationship because that's the right thing to do for now. I know na biglaan ito, pero Ley kailangan eh. Kailangan talaga nating gawin ito para sa kapakanan nating dalawa," seryosong sambit niya. Hindi ko siya maintindihan ayos naman kami kahapon. "This the right thing to do? Ian naman.. 'd ba sabi mo mahal mo ako, na kahit anong mangyari hindi mo ko iiwan. Then now we're here and you want to end this relationship!?" sigaw ko sa kaniya. "Hindi kita mahal Heiley! You're just one of my toys." Natuod ako sa sinabi niya. Nang mapag tanto ko lahat ng sinabi niya ay nasampal ko siya dahil hindi ko na kinaya. Nadurog na nang tuluyan ang puso ko. Bakit naman ganito? Alam kong mahal parin niya ako, pero sino ba naman ako para ipilit pa ang sarili ko sa taong laruan lang pala ang turing sa akin. "I'm sorry Ian hindi ko sinasadyang sampalin ka," nanghihina kong sambit. "Ley, I'm sorry but I need to do this. We need to do this. Salamat na lang sa lahat. Goodbye..." Kasabay ng pagtalikod niya ay napaluhod na lamang ako sa kawalan. Nawala na ang taong inakala ko na mahal ako. Naiwan na akong mag-isa. Tapos na nga ba ang laban naming dalawa? Ito na ba ang wakas ng aming istorya? ~End of Flashback~ "Ley! Tatayo ka na lang ba riyan? Tara na at malelate na tayo." Nagising nalang ako sa katotohanan ng marinig ko ang tinig ni Adrian. Parang wala lang sa kaniya ang lahat ng pinagsamahan namin. Baka nga hindi niya ako minahal. Ngumiti nalang ako ng pilit, tinatago ang kumakawalang sakit. Pumasok na ako sa loob ng kotse. Sa backseat ako naupo katabi si Zelia. Naiinis parin ako sa kanya kaya hindi ko siya pinapansin. Kinuha ko nalang ang tinapay na binaon ko at saka nagsimulang kumain. Kakalimutan ko na muna ang namumuong alaala sa aking isipan. "Psst. Ley pahingi naman ako," panghihingi ni Zelia sa akin. Sinundot- sundot pa niya ang aking bewang. "Tse! Tigilan mo nga ako Zelia naiinis ako sa 'yo." Napatingin ako sa driver seat at napaiwas din ng tingin ng makita kong nakatitig si Adrian sa akin mula sa rear view mirror. "Hoy! Adrian alam kong maganda ang kaibigan ko pero puwede ba ituon mo yang paningin mo sa kalsada baka maaksidente pa tayo diyan sa ginagawa mo eh . My goshhh nakakaloka!" Napansin din pala ng kaibigan ko. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Ian. "I can't resist the beauty of your friend Zelia. I can't quit staring." "Tumigil ka nga riyan Ian baka masapak kita ng wala sa oras. I can't resist resist ka pang nalalaman diyan iniwan mo rin naman. Bobo ka! Huwag nga kayong maglandian sa harap ko. Nakakaimbyerna!" maarteng sambit ni Zelia. Napaubo naman si Ian sa mga sinabi ng bruha kong kaibigan. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig ng babaeng ito. "F*cking Sh*t! P'wede ba manahimik kayo! Tumigil ka na Zelia baka hindi na ko makapag pigil at baka masabunutan na kita," pagbabanta ko sa kaniya. "Tss. Bitter," bulong ni Ian na rinig naman namin. "Pinariringgan mo ba ko Adrian. Hindi ako bitter nagsasabi lang ako ng totoo. Akala mo naman kung sinong guwapo 'to. Manloloko ka naman!" At nagsimula na silang magbangayan. Hindi talaga magpapatalo itong kaibigan ko sa asaran. Go lang ng go. Napangiti na lang ako ng palihim, nagpapasalamat pa rin ako dahil palaging nasa tabi ko ang kaibigan ko. Hindi niya ako iniwan noong nangagailangan ako. Pinapagaan niya ang lahat ng bagay sa tuwing nararamdaman niyang hindi maayos ang aking pakiramdam. Nakarating kami sa H.U sampung minuto bago magsimula ang klase. Mabuti nalang at hindi kami nahuli sa una naming klase dahil malalagot kami kay Ma'am Fuentabella. Magkasabay kaming tatlo na bumaba ng sasakyan at dumiretso na sa aming silid-aralan. Bago ako makapasok ng room ay hinarang na ako ng isa ko pang kaibigan na si Raine, isang pang topakin gaya ko. Tropa kami ng mga baliw, but I prefer to stay with these two weird girls because they accept me wholeheartedly, hindi gaya ng iba na kilala lang ako kapag may kailangan sila. "Oi Jane alam mo ba may new classmate tayo ngayon at ang gwapo niya. Kyaaahhhhhh!!! Ang swerte mo girl dahil ikaw ang katabi niya! Galing yan sa Section C matataas daw grades kaya nilipat dito." Tiningnan ko ang sinasabing lalake ni Raine. Masasabi kong may itsura nga siya. "Yun lang ba sasabihin mo?" masungit na tanong ko. "Ay bad trip ka teh? May regla ka?" Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na ako sa aking upuan. "Jane sandali!" rinig kong tawag niya. "Oi Zelia anyare ba dun?" "Tanungin mo si Adrian." "Omg sila na ulit?" Sinamaan ko ng tingin si Raine at mukhang nakuha niya ang gusto kong iparating. "Sabi ko nga shataaap na ako." Sabay kunwaring zinipper ang kanyang bibig. Ilang sandali lang ay dumating na si Ma'am Fuentabella suot suot ang kanyang malaking salamin. Mukhang good mood ata si Ma'am ngayon dahil ang laki ng ngiti niya. "Good morning class. Siguro ay nabalitaan niyo na, na may bago kayong lipat na kaklase. Nakitaan kasi namin siya ng potential na makasabay sa inyo dahil matataas ang nakukuha niyang marka at grado kaya naman napagdesisyunan namin na ilipat siya dito," mahabang pahayag ni Ma'am. Napatingin naman ako sa katabi ko dahil kanina ko pa napapansin na sumusulyap siya sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay nginitian niya ako na siya namang ikinaiwas ng aking tingin. "Mr. Zerrudo," tawag ni Ma'am na ang tinutukoy ata ay ang aking katabi. "Come and join me here. Introduce yourself to them." Pagkasabi ni Ma'am Fuentabella ay agad naman nagtungo ang lalaki sa harap. "Good morning Ma'am and classmates, It's a pleasure to be part of your class and to be part of this family. I hope maging magkaibigan tayong lahat, don't worry hindi ako nangangain kaya 'wag kayong matakot na lumapit sakin." Nagulat naman ako ng mabaling ang tingin niya sa akin at kindatan ako. "Omg tama ba ang nakita ko kinindatan niya si Heiley girl?" "Swerte niya talaga." Dinig kong bulong-bulungan ng mga babae kong kaklase. Nakakahiya. Anong trip naman kaya netong lalaking 'to? "Uy Heiley nakita mo ba yun kinindatan ka ni Pogi?" tanong ni Zelia sa aking likuran. "Hindi ako bulag Zelia malinaw pa mata ko. Eh ano naman ngayon kung kinindatan niya ako?" Napatingin ako sa gawi ni Adrian pero ang pinagtatakha ko ay bakit siya parang galit. "I'm Christian Zerrudo, and I was born for you." sabi niya bago bumalik sa kinauupuan niya. I was born for you pang nalalaman, daming alam. "Hi? Ms.?" tanong niya sa akin sabay lahad ng kaniyang kamay sa aking harapan. "Heiley. Heiley Jane," sagot ko na lang. "Nice to meet you Jane." Nginitian ko na lamang siya. Nagulat kaming lahat ng may kumalabog kung saan . Napatingin ako kay Adrian na ngayon ay nakakuyom na ang kamao. Ano na naman kaya problema ng lalaking ito? Agaw eksena lang? "Mr. Hale is there any problem?" tanong ni Ma'am. "Nothing. May malaki kasing lamok na dumapo sa upuan ko kaso 'di ko nahuli. Just don't mind me," sagot niya. Nakita kong lumingon pa siya sa akin bago tuluyang dumukdok sa kanyang silya. Adrian ano ba talaga ang nangyayari sayo? Hindi ko mabasa ang nilalaman ng utak mo. Kung may kakayahan lang sana ako gusto kong pasukin ang isipan mo. Napapaisip tuloy ako kung may pagtingin ka pa sa akin. Mahirap nga lang umasa at masaktan sa bandang huli. "Madalas ang tadhana na ang gumagawa ng paraan upang pagtagpuin muli ang mga pusong naliligaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD