Episode 3

2042 Words
Ang mga ulap sa kalangitan ay parang tadhana, malaya itong nakakapaglakbay saan man nito gustuhin, kung saan saan nakararating, maaari itong lumihis ng daan ngunit babagsak parin ito sa kanyang patutunguhan. +++ Nasa cafeteria kami ngayon kasama ang mga kaibigan ko. Kanina pa nangungulit sa akin sina Zelia at Raine. Ayaw nila akong tantanan dahil lang sa nagpakilala sa akin si Christian Zerrudo. Swerte ko daw kasi pogi ang katabi ko. "Alam mo friend sana ako nalang ikaw, ganda mo teh, ikaw na," echoserang sabi ni Raine. Mahirap maging ako, kung alam niyo lang. "Hay naku! Maganda nga iniiwan naman," inirapan ko si Zelia sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan itong mga bruhang 'to. "Alam niyo inggit lang kayo. Saka sa inyo na yung Zerrudo na yun. Wala akong pake sa kanya." Bakit ba kasi sila kinikilig sa lalaking iyon? Wala namang appeal. Parang mahangin pa. "Sus kunwari ka pa friend. Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakamove-on kay pareng Vash? Ikaw ang ang tagal niyo nang tapos ghorl," mapanuring sambit ni Raine. "Hindi ahh. Nakamove-on na kaya ako. Hindi ko na mahal si Ian," mabilis na depensa ko. "Alam mo girl nasa tabi mo lang kami palagi, puwede mo kaming sabihan, don't worry we will comfort and support you. As always. Hindi ba Raine?" Tinignan niya ito at tumango naman ito bilang tugon. "Salamat mga Sis," may ngiting sagot ko sa kanila. Kung mabilis lang sana makalimot, kung naghihilom lang sana ng kusa ang pusong sugatan, kung wala lang sanang taong nang iiwan. Edi sana walang babaeng nahihirapan, umiiyak ng dahil sa labis na kalungkutan, tinatanong ang sarili kung saan nagkulang, hinahanap ang kasagutan, pinagpipilitan ang sarili sa taong kinalimutan na ng tuluyan. If you don't share someone's pain, you can never understand them. Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga iniisip. Hanggang ngayon kasi hinahanap ko ang kasagutan kung bakit niya akong biglang iniwan. "Omg Sis tama ba 'tong nakikita ko?" biglang wika ni Zelia. "Ano ba 'yon Sis? Ano ba 'yang tinitignan mo?" tanong ni Raine. "Ahmmm... ehhhhh," nag-aalinlangang sagot ni Zelia. "Ano ba kasi yung nakita mo?" walang ganang tanong ko. "Ayun oh si Adrian, may kasamang babae. Magkahawak pa ang kamay at ang sweet sweet sa isa't isa." Tila nanlamig bigla ang aking mga palad ng marinig ko ang sinabi niya. Unti-unti kong nilingon ang kinaroroonan ng lalaking mahal ko. May mas sasakit pa pala sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit isipin na ang taong mahal mo noon may kasama ng iba ngayon. "Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano Heiley. Baka kaibigan niya lang iyon," bulong ko sa isipan ko. "Omg may bago na ba si Vash?" tanong ni Raine na siyang lalong ikinadurog ng puso ko. Bakit parang ang hirap naman tanggapin noon? Bakit masakit pa rin? Akala ko okay na ako. Hindi pa pala. Pinipigilan ko ang mga luha ko na pilit kumakawala sa aking mga mata. Ikinalma ko ang sarili ko bago magsalita. "Eh a-ano naman ngayon kung may bago na siya? W-wala akong pake." Pagkukunwari ko pero sa totoo lang durog na durog na ako. "Bakit ka nauutal? Sigurado ka Sis? Hindi halata," sabi ni Raine habang sumisipsip ng juice niya. "Hoy ikaw Ulan can you just shut up your f*cking mouth. Hindi ka nakakatulong," mataray na sambit ni Zelia. Kunwari namang zinipper ni Raine ang kanyang bibig sabay peace sign at ngumisi. "Mauna na kayo sa room mga Sis. Punta lang ako sa comfort room," sambit ko sa kanila. "Sama ako!" "Samahan na kita." Nagkatinginan ang dalawa nang sabay silang magsalita. "Thanks, but no. I'm fine. Don't worry about me. I can handle myself." Hindi ko na inantay ang sagot nila at nauna na akong umalis. For now I need to be alone. Madadaanan ko ang kinaroroonan nila Vash kaya naman nagmadali na akong maglakad. Pero kahit anong bilis ng paglalakad ang gawin ko ay napansin parin nila ako. Ang malas ko nga naman talaga. Umiiwas na nga ako tadhana eh! Pinaglalapit mo pa! Hayssssttt.... "Heiley? Heiley right?" tawag sa akin noong babae na kasama ni Vash. Maganda siya. Matangkad, maputi, makinis ang balat, halos perpekto na siya. Napatingin ako kay Vash na ngayon ay nakatitig na rin sa akin. Ang malalamig niyang mata ang lalong nagpalala ng sakit na kanina ko pa nararamdaman. Ang mga matang iyon na dati'y makikitaan ko ng pagmamahal pero ngayon ni isang bakas ay wala na akong makita. Inayos ko ang sarili ko at saka ngumiti. Kailangan hindi niya mahalata na apektado ako. "Yes ako nga. Heiley Jane Erivans. And you are?" tanong ko sa kanya. "Oh great! I'm Nathalie Kyle De Castro. Nice to meet you. I'm Adrian's girlfriend." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Tinitigan ko lang ang mga kamay niya. Nang maintindihan naman niya na hindi ko aabutin ang kamay niya ay ibinababa na niya ito. "Nakuwento ka na kasi sa 'kin ni Adriee, kaya pamilyar ka na sa akin. You're his ex girlfriend right?" Medyo maarte niyang sambit. Oo ako nga sino ba 'tong babaeng 'to at anong papel niya sa buhay mo Ian. Hindi na niya kailangan pang ipa mukha sa akin na ex nalang ako. "Yes, ako nga. May sasabihin ka pa ba? I need to go na kasi." Kailangan ko ng umalis dahil ramdam kong anumang oras ay tutulo na ang luha ko. Ayokong ipakita sa kanila lalong lalo na sa kanya na mahina ako. "Wala na. Sige may pupuntahan ka pa ata. See you around Heiley. Tara na Adriee." Tumalikod na sila at umalis ganun din naman ang ginawa ko at nagtungo na ng comfort room. Nang makarating sa CR ay dali dali akong naghilamos upang hindi mahalata ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Tuluyan na nga itong bumagsak dahil hindi ko na kinaya ng sakit. Bakit ang lupit ng tadhana sa akin. Kailan mo ba ako pasasayahin? Kinuha ko ang pulbos sa aking bag at naglagay ng kaunti sa aking mukha. Inayos ko ang aking sarili upang walang makahalata na galing lang ako sa pag iyak. Bumukas ang pinto ng CR at may tatlong babae ang dumating. Tinignan ko ang ID nila at mukhang grade 8 palang sila. Bakit kaya sila naligaw sa CR ng College? "Nabalitaan mo na ba? Nililigawan daw ni Vash si Nathalie?" Tanong nung isang babae sa kasama niya. "Oo ghorl, nakita nga daw sila kanina sa canteen kanina na magkasama. Nakabanggaan ata yung ex —" Napahinto sila sa pag-uusap ng mamukhaan nila ako. Nananadya ba itong dalawang ito? Sarap sapakin. So, nililigawan na pala siya ni Ian. "Gago ka talaga Ian isa kang mapanaket na nilalang. Buwisit ka," mahina kong bulong sa aking sarili. Lumabas na ko ng CR. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nag-aabang sa akin sa labas. "Christian?" tawag ko ng pansin dito. "Oh hi Jane. Nakita kasi kita kaninang umiiyak kaya sinundan kita dito. Ayos ka lang ba?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong umiyak? Sino? Ako? Nagkakamali ka kung ganoon. Masyado kasing maalikabok kaya napuwing ako. Tama. Napuwing lang ako, malabo na ata mata mo," pagdadahilan ko. "Okay sabi mo eh. Alam mo huwag mong lokohin sarili mo hindi mapagkakaila ng mga mata mo ang tunay na nararamdaman mo. Tara na nga sabay na tayo." Hinawakan niya ang mga kamay ko at naglakad na siya. Wala na akong nagawa at nagpatianod na lamang ako. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko ng maglapat ang aming mga palad. Kalma self hinawakan lang niya ang kamay mo. Nagulo na ang sistema ko at bumilis ng bumilis ang t***k ng puso ko. Tumatakbo na kami ngayon dahil malelate na kami sa susunod naming klase. Hingal na hingal kaming naupong dalawa sa aming silya. Pawis na pawis ako sa ginawa naming pagtakbo. Buti na lamang at hindi kami nahuli sa klase. "A-ang bilis mong tumakbo Christian," hingal kong sabi. "HAAHAHAHA malilit lang ang biyas mo kaya hindi ka makasabay sa akin." Kita mo itong lalaking 'to feeling close agad. Pero imbes na mainis ako ay napangiti nalang ako. "Ayan mas maganda ka kapag naka smile. Huwag ka ng iiyak ahh. Ampanget mo." Pinisil niya ng mariin ang mataba kong pisngi. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko dahil sa hiya. Hinawi ko ang kamay niya at hindi na siya pinansin. Ang sakit mangurot ng lalaking ito. Hinawakan ko ang pisngi ko at hinimas himas. "Psst," tawag sakin ni Zelia. "Oh Bakit?" "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? At bakit magkasama kayo ni Zerrudo? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" sunod-sunod niyang tanong. "Sa comfort room lang ako galing huwag kang mag-alala nakita ko lang 'tong si Christian." Tinignan ko ang katabi ko na ngayon ay nakangisi sa akin. "Isinabay ko na, kawawa eh. Wala akong dapat sabihin sayo ok? Ok na ba? nasagot ko na ba mga tanong mo?" baling ko sa kanya. "Oo okay na. Akala ko kasi nagalit ka sa amin kanina kaya ka umalis. Sorry na. Ito naman kasing si Ulan eh hindi matahimik ang bibig." Natawa na lamang ako sa kanila. "Oh bakit ako. Eh ikaw naman ung nakakita kay---" biglang tinakpan ni Zelia ang bibig ni Raine para hindi matuloy ang sasabihin nito. "Ano ba kayong dalawa. Hahaha. Tumigil nga kayo. 'Di ba sabi ko sa inyo kanina 'wag niyo na akong intindihin pa dahil ayos lang naman ako," nakangiti kong sambit sa dalawa. "Nag-aalala lang naman kasi kami sa iyo eh. Baka kasi mamaya magbigti ka nalang ng hindi namin nalalaman. Tapos mumultuhin mo kami. OMG magpapakabait na ako sa 'yo." Napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi ni Ulan. "Baliw ka talaga. Bakit naman ako magpapatiwakal. Hindi naman ako tanga," sabi ko. "Talaga ba?" sabat ni Christian. "Huwag ka nga makisali sa usapan namin," sinamaan ko siya ng tingin. "Chillax. Kasalanan ko bang naririnig ko usapan niyo. Ang lakas lakas kaya ng boses niyo," sambit niya sabay patong ng paa niya sa kabilang upuan. Aba't sumasagot pa talaga siya. Nakakainis. "Tse." Inirapan ko nalang siya. "Hahahahahaha. Sino may gusto ng toyo diyan? Merong libre dito," sabi niya sabay turo sa akin. "Ano!? Tumigil ka nga riyan? Gusto mo suntukan nalang!?" inis kong bulyaw sa kanya. "Wala akong alam diyan. Sabi ko ang guwapo ko talaga. Lakas makahatak ng chickababes. Bingi ka na ba?" mayabang niyang sambit. "Tss. Yabang." "HAHAHAHAHAAHAH" hagalpak niya ng tawa. Napatitig ako sa kanya. Naniningkit na ang mata niya sa kakatawa. Nawala na ata ang mata nito. Hindi ko namalayan na napangiti narin ako. Kung hindi siguro ako nakita kanina ni Christian eh baka hanggang ngayon ay malungkot parin ako. May silbi din pala itong lalaking ito kahit na nakakainis siya madalas. Sinagip niya at pinawi ang lumbay ko ng ganung kabilis. Ibang klase. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina nang maglapat ang aming mga kamay. Bakit kaya ganun na lamang ang epekto ng paghawak niya sa akin. Ganoon din ang naramdaman ko noong unang beses akong hawakan ni Ian. Kalimutan na nga 'd ba si Ian. Ang tigas tigas talaga ng ulo ko. Palagi nalang siyang sumasagi sa utak ko. Pero bakit nga kaya ganoon ang naramdaman ko kanina kay Christian? "Hindi kaya..? Hindi. Hindi. Mali lang ako ng iniisip. Nabigla lang ako kanina," sabi ko sa sarili ko. "Jane? Ayos ka lang bakit mo kinakausap sarili mo? Nakakabaliw na pala kagwapuhan ko ngayon," nagagalak niyang sabi sa akin. Hinampas ko siya sa braso na ikinatigil niya naman. Salamat naman at hindi na siya nagsalita kung 'd hindi lang hampas sa braso ang mararanasan niya. Sa 'di namamalayang pagkakataon ay natigilan din ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Biglang gumulo ulit ang lahat. Sa kabilang banda, ang kalungkutan na bumabalot sa aking sistema kanina ay unting-unti ng naglalaho ng 'di ko namamalayan. Napalitan ng saya ang lungkot ko kanina. "Christian," tawag pansin ko sa kaniya. "Oh baket na naman? Hahampasin mo na naman ba ako?" natatakot niyang tanong sa akin. Umiling na lamang ako sa kaniya. "Thank you for making me happy," sambit ko. Bakas ang pagkagulat niya sa sinabi ko, pero mabilis itong napalitan ng ngiti. Kahit ako ay nagulat sa aking binitawang salita. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napangiti na ako ng matamis sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD