"Thank you for making me happy," sambit ko.
Ang kanyang mga titig ay nanatili sa akin. Nangungusap ang kaniyang mga mata. Naiilang naman ako sa paraan niya ng pagtingin sa akin.
Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito? Kung makatitig sa akin ay parang tinutunaw ako.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko na naman ang kakaibang bilis ng pagtibok ng aking puso.
"Christian. Are you ok?" takhang tanong ko.
"A-ah oo. Ayos lang ako. Hehehehehe," nauutal niyang sambit at sabay nag-iwas ng kaniyang tingin.
"Ano nga ulit yung sinabi mo?" Tanong niya habang kamot ang kaniyang batok.
"Sabi ko thank you for making me happy." Pag-uulit ko sa aking tinuran.
"Ahh wala iyon. Maliit na bagay lamang ang ginawa ko. You're always welcome," may ngiting sagot niya.
Kung para sa kaniya ay maliit na bagay lang ito ngunit para sa akin ay napakalaking halaga ng kaniyang ginawa dahil ito ang naging dahilan kung bakit gumaan ang aking pakiramdam.
Nanahimik na kami ng dumating ang susunod naming subject teacher. Si Mrs. Santos ang teacher namin sa Speech Communication. Masasabi kong magaling siya pagdating sa pagtuturo.
May pagka-strikta nga lang ito at pagka-masungit kaya takot ang mga estudyante sa kaniya at isa na ako doon.
"Good morning class. Today I will assign your designated groups to perform the story of Orpheus by Alice Low. Each group will be having a maximum of 5 members. Alam ko na napag-aralan niyo na ito noong junior high school kayo, kaya naman dapat ay pamilyar na kayo dito. The performance date will be on Tuesday," dire-diretsong sabi ng aming guro.
Ang weird. College na kami tapos may role play pa. Wala na naman siguro maisip si ma'am na ipapagawa sa amin.
Friday naman ngayon kaya okay na rin siguro ang tatlong araw na paghahanda. Sana naman masisipag ang magiging ka grupo ko. Sawa na ako na sa akin nila inaasa ang lahat.
Alam niyo yung feeling na porket matalino ka ikaw agad ang gagawin nilang leader at sa iyo na lang ipagagawa lahat ng gawain? Ikaw nahihirapan habang yung mga ibang members mo eh tamang bayad lang at wala namang itinulong, pero nakakuha ng mataas na grado. Hanep diba.
Nakakapagtaka lang at ganito ang pinapagawa sa amin ngayon. Wala naman connect sa course namin.
"Angel Hope."
"Raine."
"Arthur."
"Hans."
"Lance."
"You are the group 1," pagtawag nito sa unang grupo. Sabay-sabay naman tumayo ang mga natawag.
"Uy girl swerte mo Ulan. Kagroup mo si Top one," usal ni Zelia.
"Oo nga sis eh, at nandoon din si Arthur my loves," kinikilig na sabi ni Raine.
"Landede ka girl?" Pang- iinis ni Zelia.
"Grabe ka sakin Zelia, palibhasa wala kang love life," turan ni Raine at sabay ikot ng kaniyang mata kay Zelia.
"Eh ano ngayon? Inggit ka? Gaya ka! No love life edi no stress and worries!" Bulalas na sabi ni Zelia at narinig ito ng aming guro.
"Zelia! Is there any thoughts you want to share on the class?" Puna sa kaniya ng aming guro.
"Nothing Ma'am. I'm sorry," nakayukong sambit niya.
Napatawa nalang ako ng mahina. Hindi talaga mapipigilan ang bunganga ni Zelia kapag siya ay napipikon. Parang nakalunok siya ng microphone sa sobrang lakas ng kaniyang boses.
Bumalik na ulit sa pagtatawag nang pangalan ang aming guro. Ilang sandali pa ay hindi pa ako natatawag kaya natitiyak akong isa na ako sa pang huling grupo.
"And for the last group. Please stand up."
"Kirsten Zelia."
"Christian."
"Vash Adrian."
"Heiley Jane."
"And Nicole."
"Is there any questions before I dismiss the class? Okay na ba kayo sa mga group mates ninyo?" Tanong ni Ma'am habang inaayos ang mga papel sa ibabaw ng kaniyang mesa.
Gusto ko sana magreklamo pero baka mapahiya lang ako at baka magtaka pa sila kung bakit ayaw ko sa grupo ko. Ang lupit mo talaga tadhana!
"Bakit ba kasi naka-group ko pa talaga si Ian. Wengya naman oh makakilos kaya ako ng maayos. Ayusin mo sarili mo. Para sa activity lang ito kaya ayusin mo buhay mo Jane," mahinang bulong ko sa aking sarili.
"Mukhang itinadhana tayo Jane. Akalain mo iyon magkasama tayo sa iisang grupo," masayang sambit ni yabang.
Kagrupo ko din pala itong yabang na ito. Jusko inday! Mai-stress na ata ako kahit malayo pa ang araw ng presentation. Bakit ba naman kasi may role act pa sa college?
"Tadhana your face! Tigilan mo nga ako!" Singhal ko sa kaniya.
"Kayo na ang bahala mag assign ng leader ninyo. You have only three days preparation and I will allow meet ups to practice your performance. I'm expecting a great performance since this is your first role act on my subject," sambit ng aming guro.
"Siguro ay nagtataka kayo kung bakit may role act na magaganap. This is connected on our next lesson so good luck to everyone. You may now go on your designated groups at pag usapan na ang kailangan ninyong gawin," dagdag pa niya bago siya umalis.
Nagsimula nang magsi -tayuan ang mga kaklase ko at nagtungo sa kanilang mga grupo habang ako ay nananatili pa rin sa aking kinauupuan.
Sila Nicole at Adrian na lamang ang lumapit sa amin dahil sila lang naman ang malayo sa upuan naming tatlo.
Sigurado akong hindi ako ang magiging leader dahil kasama naman namin si Nicole, isa siyang mahusay na leader at tiyak akong siya ang pipiliin nila at hindi ako. Subukan lang nila.
"So sino ang magiging group leader natin?" Panimulang tanong ni Zelia.
"I suggest na si Heily nalang. 'D ba Heiley?" Suhestiyon ni Yabang.
"Manahimik ka nga Christian. Bakit hindi na lang si Nicole? Tutal mahusay siyang mamahala," suhestiyon ko sa kanila. Tumingin ako ng masama kay yabang na siya namang iki-nangisi niya.
"A-ako?" Huminto saglit si Nicole at tila pinag-iisipan ang kaniyang isasagot. Ako naman ay kinakabahan.
"Okay lang naman sa akin. Sige ako na ang group leader niyo." Nakahinga naman ako ng maluwag sa isinagot ni Nicole.
"Yown ayos! Di ba Jane1?" tanong ni yabang sabay siko sa akin kaya naman napatingin ang lahat sa kaniya.
Umupo ako ng maayos ng mapansin kong nasa amin na ang tingin nila. Lalo na ng makita ko si Ian na nakakunot na ang noo. Ito naman kasing Yabang na ito, hindi nalang manahimik. Gusto pang gumawa ng eksena.
"Ehem," pagtikhim ko.
"Sa tingin ko kailangan na natin pag-usapan kung ano na ang gagawin natin." Pag-iiba ko sa aming usapan.
"Tama. Sa tingin ko ay kailangan muna nating ilista kung sino-sino ang mga tauhan at kung sino ang gaganap para ma-ensayo na ang mga linyang sasabihin," pagsang-ayon ni Nicole sa akin.
Binuklat ko ang libro at binasa ang istorya at hinanap kung sino-sino ang mga tauhan. Sila rin ay nagsimula na sa pagbabasa.
Napansin ko na hindi nagbabasa si Adrian at nakatingin lamang ito sa akin. Nagtama ang mga titig namin ngunit ako na ang unang nag iwas. Ibinalik ko na lamang ang aking tuon sa pagbabasa.
There were nine goddesses called muses at dahil wala naman silang masyadong ganap ay hindi na ito isasali.
Orpheus the famous for playing moving songs on his lyre. Son of Apollo (God of music) and Calliope, (the eldest Muse, known for her beautiful voice).
Euridyce was a pretty happy-go-lucky gal and the wife of Orpheus.
Hades (Pluto) he is the King of the Underworld and ruler of the dead.
Persephone is the Queen of the Underworld.
"Uuhhhmm... So, ito na ang roles niyo. Apat lang ang tauhan meaning kaya naman para lahat ay may ginagawa ako na lamang ang direktor," pagsisimula ni Nicole.
"Ang gaganap na Orpheus ay si Vash at ang kanyang asawa na si Eurydice ay si Heiley," turo sa amin ni Nicole na siyang ikinagulat ko.
"Wait, what!? Why me? Puwede namang si Zelia," nagpapanick kong sambit. Hindi puwede.
"Sayo kasi nababagay yung role. Saka si Zelia ang gaganap na Queen Persephone. Habang si Christian naman ang gaganap para kay King Hades," sagot ni Nicole.
"Pero hindi ba pwedeng ako nalang si Queen Persephone?" Tanong ko.
For goodness sake ayokong makatambal si Ian.
"Sis ano ka ba huwag ka nang tumanggi para 'to sa grades natin. Saka ako nag suggest noon kaya 'wag ka ng tumanggi hindi naman kayo magkakatabi ni Ian kapag umacting na. Kaya huwag ka nang maarte d'yan. Wala kayong physical contact sa isa't isa," mahinang bulong sa akin ni Zelia.
"What's your problem Jane? Pumayag ka na, akong bahala sa iyo." Pangungumbinsi sa akin ni yabang sabay kindat sa akin.
"My goshhh! Grabe napakalaki ng tulong mo yabang," sarkastiko kong sagot sa kaniya.
"Ok fine. Wala naman akong choice," pagtanggap ko sa nais nila. Kung hindi pa ako papayag ay lalong hahaba ang usapan.
"Greaaatt!" Masayang wika ni Nicole at Zelia. Hindi naman halata na masaya sila sa sinabi ko.
Tinignan ko kung anong reaksyon ni Ian. Pero naka poker face lang siya. Wala man lang siyang reaksyon. Habang si Yabang naman ay kulit ng kulit sa akin dahil hindi ko siya pinapansin. Mahirap na at baka ma-issue kami.
"So saan tayo magpapraktis bukas?" tanong ni Yabang habang nakatingin sa akin.
"Pasensya na pero hindi kasi puwede sa amin, masyadong masikip," sabi ni Nicole.
"Bawal din sa amin." Mabilis na singit ng kaibigan ko na si Zeila. Napairap nalang ako. Hindi naman talaga bawal sa kanila sadyang ayaw niya lang na may bisita sa bahay nila. Ayaw niya daw kasi na mag-asikaso.
"Free sa amin bukas. Doon nalang kayo sa bahay." Napatingin kami sa kaniya nung sinabi 'yon ni Ian.
"Okay na? Wala na tayong problema. Props at costume nalang ang gagawin natin. Pati na rin pala script," sabi ni Christian. Pabida rin isang ito eh. Feeling leader.
Kinabahan tuloy ako bigla dahil bukas lang ulit ako makakapunta sa bahay nila Ian. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami ni Mommy este ng Mommy Elizabeth niya. Sana wala sila bukas doon.
"Ayos na. Gagawa nalang ako ng group chat natin mamaya para sa iba pa nating pag-uusapan," sabi ni leader bago tumayo at bumalik sa kaniyang upuan.
Tumayo na rin si Adrian at umalis na. Kami naman tatlo ay umayos narin ng pagkakaupo.
Mabilis na natapos ang klase namin dahil may biglaang meeting ang lahat ng professor namin. Kaya naman ang mga classmates ko ay masayang masaya dahil makakagala sila.
Napagdesisyonan namin na bumili na lamang ng aming gagamitin sa paggawa ng props at para na rin maghanap ng costume para hindi kami mahirapan bukas at para gawa nalang kami ng gawa.
Kasabay ko sa paglalakad ngayon si Yabang. Sabay na daw kami sa pamimili kasi ako lang daw ka close niya at friend niya daw ako na ngayon ko lang nalaman. Lakas din ng trip ng isang 'to.
"Jane ikaw pumili ng susuotin ko ahh wala kasi akong alam sa fashion." Kanina pa niya iyan sinasabi sa akin pero hindi ko siya sinasagot.
"Asa ka," pang-iinis ko sa kanya.
"Sige na liit. Baka mukhang basahan mapili ko, sige ka mababawasan kagwapuhan ko." Sinamaan ko siya ng tingin. Tawagin ba naman akong maliit.
"Hoy ikaw yabang hindi porket matangkad ka eh puwede mo na akong sabihan ng maliit. Sige na ako na pipili ng damit mo manahimik ka lang d'yan." Pagsuko ko dahil alam kong hindi niya ako titigilan.
Nabigla ako nung may kamay na dumapo sa balikat ko. Inakbayan ako ng gago. Hokage moves din pala itong yabang na ito. Pilit kong inaalis ang kamay niya pero hindi ko kaya dahil mas malakas siya sa akin.
"Sabi na nga ba liit. Hindi mo ko matitiis." Napahalakhak siya ng malakas.
"Tigilan mo nga ako sa pagtawag mo sa akin ng liit naiinis ako."
"Bakit nainis ba ako nung tinawag mo akong yabang?"
"Aisshhhhh!" singhal ko sa kanya.
Pigilan niyo ko gusto ko na itong sampalin ng malakas sa sobrang inis. Pero hindi ko magawa dahil madami ang makakakita ano nalang ang sasabihin ng iba sa akin.
"Huwag kang lilingon sa likod," bulong niya kasabay ng paghigpit ng pagkaka-akbay niya sa akin. Bakit anong problema na naman ng yabang na 'to.
At dahil hindi ako mapakali sa kaniyang sinabi dahan dahan akong lumingon. Pero nagsisi ako dahil hindi ko sinunod si Yabang.
Ramdam ko ang pagbigat ng nararamdaman ko sa puso ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at pinigilan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.
Nakita kong sinunggaban ng halik ni Nathalie si Adrian. Hindi ba nila alam na bawal iyon sa school?
"Tss. Sinabi ng huwag lilingon eh ang kulit mo. Bakit ba gustong gusto mong nasasaktan ka. Ayokong nakikita kang umiiyak. Ang panget mo!" usal niya sabay pitik niya sa noo ko.
"Tse. Nang inis ka pa," malungkot kong sambit habang pinipigilan pa rin na tumulo ang luha ko
"Tara!" Sambit niya sabay hila sa akin palayo sa grupo namin.
"Mauna na kami sa inyo may pupuntahan lang kami!" sigaw niya sa kanila.
"Teka saan ba tayo pupunta," tanong ko habang pinupunasan ang aking luha.
"Dadalhin kita sa lugar kung saan puwede mong ilabas lahat ng sakit riyan sa puso mo," ani niya sabay turo sa puso ko.
"Pero paano ang pagbili natin ng props at costume?" Nalilitong tanong ko sa kaniya.
"Don't worry. Ako na ang bahala doon. Ipaubaya mo na sa akin ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay ikaw." Naramdaman kong nag iinit na ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Pinaubaya ko na lang ang sarili ko sa lalaking ito na tangayin ako kung saan man kami paparoon. Tinitigan ko ang mukha niya at napatanong sa aking sarili.
Bakit mo ito ginagawa yabang? Bakit ang bait mo sa akin?
Lumingon siya sa akin at sabay sabing...
"Panandalian tayong lalayo sa mundo mo at dadalhin kita sa lugar na tiyak na magugustuhan mo."
"Heiley Jane iingatan kita."
Alam kong may binulong siya pero hindi ko na narinig sa sobrang hina. Ang lalaking ito ay ginugulo na naman ang sistema ko. Para bang unti-unti na lang ako nahuhulog sa patibong niya. Napangiti na lang ako sa aking naiisip.
Lilisanin ko muna ang mundong pasakit ang dala magpapatianod muna ako sa agos ng dagat kung saan niya ako balak dalhin. Let's be happy for the mean time. The pain of being alone is completely out of this world.