Episode 43

2060 Words

Kadalasan may mga bagay na ayaw natin mangyari pero sadyang mapagbiro ang iyong kapalaran at kung ano pa ang mga bagay na gugustuhin mong manatili ay babawiin sa iyo ng walang laban. Nakakalungkot isipin na hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makapiling siya. Sa kabilang banda ay napaisip ako na, kung nasaan man siya ngayon ay alam kong masaya na siya at wala ng hirap na dinaranas. Ang kailangan kong gawin ngayon ay maging positibo at magsikap lalo para sa aking pangarap. Alam kong kahit wala na ang aking ama ay labis niya akong ipinagmamalaki sa mga tagumpay na aking matatamo. Niyakap ko ng mahigpit si Katty, ang giant hello kitty na bigay sa akin ni Ian. Siya muna ngayon ang aking sandalan at kadamay. "Hija? Gising ka pa ba?" Tinig ni manang habang kumakatok sa pintuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD