Olivia Charlotte's POV
I'm already 3 months pregnant. Hindi pa naman gano'n kalaki ang tiyan ko, but you can see a tiny bump.
Ang dami ng nag bago sa katawan ko. Almost of my clothes, hindi na kasya sa 'kin, kaya most of the time I wear baggy clothes or dresses. I need to start shopping na rin for some maternity clothes.
My business is doing okay naman, as expected hindi gano'n kadali gumawa at mag launch ng products. We are almost done may mga finishing touches na lang. Siguro by next month makakapag soft opening na rin kami.
Nakausap ko na rin ang parents ko na I-delay ang annulment, at walang alinlangan silang sumang ayon. Nag alala rin sila sa safety namin ni baby. Sabi nila sila na raw ang makikipag communicate sa mga Reid about it.
I have an appointment with my OB today, kaya dumaan muna ako sa hospital bago pumunta sa work.
Pasara na sana 'yung elevator, pero buti na lang nakahabol ako. Nagulat ako ng makita si Noah with his family. I ignored them at tumalikod na at pinindot ang floor ko.
''Olivia?'' Tawag sa 'kin ni Erika. I have no choice kaya nilingon ko sila.
''Hi'' I said then tipid ko silang nginitian.
''What are you doing here?'' She asked. Bakit? Bawal ba?
"Follow up check up"
"Why?" Bakit ba ang dami niyang tanong?
"Allergy" Tipid kong sagot. Ayoko na pahabain pa ang conversation namin.
She just nodded "By the way, this is our son Rob, you should come to his binyag!" Bigla ako nailang dahil sa sinabi niya.
''Um I'll try" Buti na lang floor ko na "Bye!" I said then agad agad lumabas ng elevator.
Okay naman na raw ako sabi ni Doc. Pinapag ingat niya parin ako. Last week kasi nagka discharge ako. Nothing serious naman daw, pero pinag bed rest ako ni Doc ng one week at ngayon lang ako nakabalik sa kanya.
After ng check-up, dumiretso na 'ko sa office. Wala naman ako gagawin masyado. Uupo lang ako do'n to plan and more. Si Cheska halos ang kumikilos para sa 'kin.
I was busy checking some papers, ng dumating si Brian na may dalang pickles and peanut butter. Biglang nag ningning ang mga mata ko!
"Dapat nag papahinga ka muna ngayon"Brian said.
"Tapos na po ang bed rest ko" Sabi ko sa kanya.
"Kahit na, wag mo masyado biglain ang katawan mo"
"No need to worry, Brian. Nakaupo lang ako dito mag hapon. Si Cheska ang kumikilos para sa 'kin" I assured him.
What happened last week, was a big scare for all of us. Buti na lang nothing bad happened to me and my baby.
We just talk and talk and talk. Alam ko naman na, alam niya ang about sa baptism ni Rob. He just don't want to talk about it para hindi ako ma stress.
"Pinayagan ka na ba ni Doc mag travel after your first trimester?" Tanong ni Brian.
We are planning to have a vacation after ko malaman ang gender ng baby ko. Which probably after two months pa. I badly need one, para naman makapag refresh ako.
"Yeah, napag usapan namin kanina, as long as okay kami ni baby that time, approve siya" Sagot ko sa kanya.
Pinag iisipan ko rin tumira sa rest house namin sa Batangas hanggang sa manganak ako. Sobrang liit ng mundo namin dito sa Manila, at ayoko makita ni Noah ang pag lobo ng tiyan ko.
Kuya and Cheska will help me naman. I can attend online meetings and other stuffs.
After our chikahan, umalis na rin siya. Ako naman nag decide na umalis ng office ng mas maaga at dumaan sa bookstore dito sa Mall.
I'm planning to buy a book for pregnant woman like me.
Aabutin ko na sana 'yung libro na nakita ko ng makaramdam ako ng matinding hilo. Napapikit lang ako. Hindi ako makagalaw.
Ramdam kong babagsak na sana ako ng may nakasalo sa 'kin.
Kaso bigla ako nakaramdam ng kaba ng maamoy ang pabango ng naka salo sa 'kin. I know that scent. And I think I will never forget it.
"No-ah?" I looked at him. He's looking me so confused.
"Are you okay?" He softly asked.
"I'm o-okay" I told him. Tinulungan niya ako makatayo ng maayos. Napansin kong pinag mamasdan niya ako. Buti na lang naka loose dress ako ngayon!
"You're getting heavy" Comment niya.
Hinga ng malalim, Olivia. Hindi niya malalaman. Hindi dapat.
"Ah gano'n? If that's the case, kailangan ko na mag gym" I lied. Kaso bigla siyang napatingin sa hawak kong libro.
"You're gonna buy that book?" He asked.
"Uhm, bibigay ko 'to kay Ate Becca" Palusot ko" She's pregnant again"
"Oh okay. Do you wan't me to give you a ride?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Why are you doing this Noah? Para saan? Ako na nga ang umiiwas sa 'yo eh.
" It's okay. I can manage" Aalis na sana ako when he softly grabbed my arms.
"No. I insist" Pangugulit niya. I sighed. I really don't have the energy to fight with him.
"Okay. Bayaran ko lang" I told him and he just nodded.
Yung car ko ang ginamit namin, he said ipapakuha na lang daw niya sa driver nila 'yung sasakyan niya. I don't really understand, kung bakit niya 'to ginagawa.
Why does he suddenly nice to me? May kailangan ba siya sa 'kin?
"You're car smells like peanut butter" He said while driving. Napalunok naman ako. Paanong hindi eh, ginagawa kong snacks 'yun, habang nag da-drive ako.
"Ah gano'n ba" Matamlay kong sagot sa kanya.
Tahimik lang kami the whole ride. Kanina ko pa iniisip kung ano ang agenda niya. Di kaya, makikipag ayos siya sa 'kin? But that's impossible!
Habang naka tingin sa window may nakita akong nag bebenta ng mangga, bigla ako nag laway sa nakita ko. Mukang may bago akong pag lilihian.
"Stop the car!" Sigaw ko at agad naman niyang sinunod.
"Why?" Nag tatakang tanong niya.
I told him to wait at the car, dahil may bibilhin lang ako. Marami akong biniling mangga, para marami akong stocks. Pag pasok ko ng sasakyan, nakatingin siya sa mga dala kong mangga.
"Ano kasi nag pabili si Mommy" Palusot ko. He just nodded at nag drive na lang ulit.
"Thank you" Sabi ko sa kanya, nang makarating kami sa harap ng baby namin.
"No problem" Tipid ko lang siya nginitian. Lalabas na sana ako ng sasakyan, kaso hinawakan niya ang kamay ko.
I can feel my heart racing. Is this what I think it is?
"Please don't assume. I did this because I have something to tell you" I suddenly got confused.
"Please process our Annulment, Olivia. I want to be free"