Olivia Charlotte's POV
I expected this. I expected this to happen yet nasasaktan parin ako because of that text.
I can't blame him, si Erika naman talaga ang mahal niya at siya ang pinangakuan ng kasal and I am sure, napilitan lang siya maikasal sa 'kin.
He wants to be free from me and I will give him that. I don't want to be the hindrance to them in building their own family.
After all, he really doesn't treat me as his wife. I am just a business matter to him.
I told my parents about the annulment, nagulat sila syempre. They asked me if I am sure about it lalo na ngayon na mag kaka anak kami. Pinakita ko sa kanila ang text ni Noah, kaya pumayag na rin sila. Sila na rin daw ang mag aasikaso ng papers para hindi ako gano'n ma stress.
I find it weird though, I expected them na magagalit or hahadlang sila sa desisyon namin, but no they took the news very calmly. Siguro nalaman na rin nila 'yung about kay Erika kaya pumayag sila. Iwas issue na rin.
Andito ako ngayon sa office ko sa isang Mall kung saan itatayo ang boutique ko. We're still renovating the place, pero pinauna ko ng paayos ang office ko kahit hindi pa gano'n tapos para may magamit akong space. Ayoko do'n sa bahay, lagi lang ako na tetempt na matulog.
We already hired some few employees, nag sta-start na rin kami mag plan kung pa'no I ma-market ang products namin, and syempre marami pa kami kailangan kausapin na manufacturers and suppliers.
"Ma'm Olivia! Malapit na po 'yung appointment niyo sa Doctor."Cheska said. My sweet secretary.
"Okay sige, uhm, iwan ko muna kayo dito. Ikaw na bahala, just text me if may problema. And also paki hintay 'yung isang supplier na 'tin, I think pupunta siya dito para ibigay 'yung mga sample nila" Bilin ko sa kanya. She just nodded at umalis na 'ko.
Sakto ako dumating para sa appointment ko. Pag pasok ko sa clinic ni Doc, agad kong inabot sa kanya ang transvaginal ultrasound ko na ni-request niya . These past few days kasi nakakaramdam ako ng cramps.
"Looks good naman si baby, normal heartbeat and everything" Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin 'yun ni Doc.
"Stomach cramps are normal for pregnant woman, pero we still need to be extra careful, hindi pa rin biro ang cramps " She explained "You're still in your early trimester kaya iwasan mo muna ang strenuous activities and strong emotions" I nodded as a response.
Binilin din sa 'kin ni Doc ang mga pre-natal vitamins ko. I also asked a few questions after that lumabas na 'ko ng clinic niya at nag bayad sa secretary niya.
I was about to open my car ng may tumawag sa 'kin.
"Olivia?"
And there I saw Brian smiling at me. Bigla naman akong nangigil ulit sa kanya!
"Hi Brian!" Bati ko sa kanya at pinisil ang mga pisnge niya, hindi naman niya ako pinigilan.
"Didn't expect to see you here. Ano ginagawa mo dito?" He asked.
"Nag pa check up lang ako." Sagot ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya "Check up? Why? Ano nangyari? Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya.
I chuckled "Okay lang ako ano ka ba, may allergy lang " I lied.
"Eh ikaw? Ano ginagawa mo dito?" Muakng nagulat naman siya tanong ko.
"Kasi.. uhm.. ano.."
"Kasi?"
He heavily sighed."Nanganak na si Erika"
I can hear my heart shattering into pieces when he said those words.
Huminga ako ng malalim, trying to control my emotions pero naramdaman ko na may tumulong luha kaya agad ko 'yun pinunasan.
"Oli-via, I'm so-rry" Brian said.
Pinilit kong ngitian siya "Don't worry about me, I'm fine" Pangungumbinsi ko sa kanya.
"Umm, I have to go, may work pa ako" Paalam ko sa kanya.
"You have work? Saan?"
"Nag tayo ako ng business sa isang mall, hindi pa naman siya tapos pero you know hindi biro 'yung process kaya 'yun ang inaasikaso ko ngayon" Sagot ko sa kanya.
"Well can I go with you?" He gently asked.
"Okay" Hindi na 'ko nag hesitate. Brian is a good guy, compared to his best friend. Besides na miss ko na ang pisnge niya kaya this is a great opportunity.
Siya na ang nag drive ng car ko, babalikan na lang daw niya sa hospital 'yung sakanya, tutal malapit lang naman.
When we got to our office, agad kong kinuha ang pickles and peanut butter ko. Pag nagugutom ako ito lang ang kinakain ko, pag ibang food kasi minsan, sinusuka ko.
"Pickles with peanut butter?" Nag tatakang tanong niya. I just nodded at tinuloy ang pagkain ko.
"Are you pregnant?"
Nabigla ako ng tanungin niya 'yun. Hindi ako makasalita, I just stared at him habang hawak ko ang pickles ko.
"Wha-t?"
"I mean, you're acting weird lately. Lalo na nung nag dinner tayo one time. Sushi? Come on, kahit bigyan ka ng isang milyon hindi ka kakain ng sushi" He said.
I sighed in defeat at binaba ang pickles ko.
"Wala kang balak sabihin sakanya?" He asked. I nodded. Bigla ako kinabahan, i-susumbong niya ba ako kay Noah.
"Brian, ple-ase wag mo na lang sabihin 'to kay Noah. Ayoko ng magulo pa. May anak na siya with Erika, hindi naman na niya siguro kailangan ng isang anak pa sa 'kin" Pakiusap ko sa kanya.
"I expected that. Hindi naman kita ma sisi. Don't worry your secret is safe with me" Nakahinga ako sa sinabi niya.
"Thank you" I said while smiling.
Nag kwentuhan lang kami ni Brian, most of his questions are about my pregnancy and I am happy to answer them.
Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ng pumasok si Cheska sa office ko.
"Ma'm tumawag po si Attorney niyo, pinapa tanong niya po kung kelan kayo free para ma I-schedule po kayo sa Psychologist para raw po sa evaluation niyo" Cheska said.
Napahawak naman ako sa sentido ko at napapikit. Na stress ako do'n ah! Nakaramdam rin ako ng cramps pero hindi ko na lang 'yun pinahalata.
"Hey Cheska right?" I heard Brian said. "Paki sabi na lang kay Attorney na babalikan na lang siya, masama kasi pakiramdam ng Ma'm mo eh."
"Okay po, no worries po" Cheska said then narinig ko na lang na sumara 'yung pintuan.
"Hey, are you alright?" Brian gently asked. Minulat ko na ang mata ko at tiningan siya, he looked so worried.
"Yeah, okay na" Sagot ko.
"Is that about the annulment?" He asked. I just nodded.
Kailangan kasi dumaan kami sa psychological evaluation para do'n makakuha ng grounds sa annulment namin. Iniisip ko pa lang ang process ng annulment na I-istress na 'ko.
"Brian, pwede kaya wag ko muna I process ang annulment? It's too much for me, I have a business that I need to manage, and my OB told me to avoid stress " I sighed "I am overwhelmed. I don't think I can handle the annulment while I'm carrying my child"
"Shh. Don't worry about it, ako na bahala kay Noah" Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko naman gusto na ma delay ang annulment namin. God knows kung gaano ko gusto matapos 'yun. It's just that, I don't think I can handle the stress. Ayoko I take risk ang health namin ni baby para lang sa annulment na 'yun.
Noah, please. Kahit ito lang, ibigay mo na sa 'kin.