Pabalik-balik ang aking mga mata sa orasan ng classroom. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sobrang tagal matapos ang last period, atat na ko umuwi! 'Bat 'di nalang si teacher mag dismiss, e wala naman kaming ginagawa kun'di ang magkwentuhan. Kung nagaalala kayo na wala akong kausap dahil wala si ash, sorry, andito si khysza.
"So, kaya kayo lumipat dito dahil maliban sa gusto niyo ni ashley, e utos din ito ng magulang mo? " takang tanong nito.
"Yes, I don't know the reason pero after all tama sila, kase sabi nila may mga bagay daw na dapat nating kalimutan para sa ikakabuti namin." Iyon na lamang ang aking nasabi sabay kamot sa aking batok. Si mama,palagi niyang sinasabi sa'kin 'yan, na minsan tama lang na lumimot ka sa isang bagay. Pero bakit? Wala naman akong dapat kalimutan. Kaya isa din ito sa mga dahilan kung 'bat kami nandito ni ashley. Nagtataka lang ako kung bakit palaging pinapaalala sakin ni mama 'yan kaya nga memorize ko na ih.
"Baka may nangyari sa'yo na 'di mo maalala kaya nasasabi ng mama mo 'yan sa'yo. Ika nga kasr nila "mother knows best" kaya 'wag ka nang magtaka kung gan'on mga nanay natin," wika nito. Napa ahh na lang ako sa sinabi ni khysza sa'kin. Wala naman akong sakit na Alzheimer o di naman ako nagkaamnesia. Siguro 'yong reason 'bat andito kami ni Ashley ay dahil sa nangyari kay Tan. Nagbago ang lahat nang namatay siya. Hindi na kami gano'n ka saya sa loob ng bahay at nagbago na rin ang pakikitungo namin nina mama at papa. Bigla namang nag-ring ang bell hudyat na uwian na. Nagkagulo na ang lahat sa classroom pati narin sa hallway. Mga estudyante na excited umuwi at naglalaro pa ng habulan ang iba sa kanila. Siyempre magpapatalo ba ako? Niligpit ko na ang mga gamit ko at dali-daling nilagay sa aking bag. Napansin ko rin na bumalik si Ashley sa kaniyang upuan para iligpit din ang sariling gamit.
"Yen, sorry 'di ako makakasabay sa'yo pauwi. May sundo kasi ako," hiyang wika ni Khysza.
"Loko, ok lang! Magingat ka sa paguwi ah!" tugon ko sa kaniya. Wala naman akong magagawa sa mga ganiyang bagay lalo na at 'di pa kami gano'n ka close para magtampo.
Pagkalabas ko ng room 'di ko inaasahan ang aking makikita. Isang manyak na nakatayo malayo sa'kin na kumakaway at nakangiti, yuck creepy talaga ng ngiti niya jusko. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa malagpasan ko siya. Pero dahil pinaglihi talaga siguro 'to sa kitikiti, binwesit na naman niya ako , hatakin ba naman niya ang bag ko.
"Famous ah? 'Di namamansin matapos kang manilip sa c.r kaha-" 'Di ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita ay agad kong tinakpan ang kaniyang bibig. Walang hiyang lalaking 'to! Balak niya bang sirain future ko?!
"Please, layuan mo ako. Ano ba sa salita na 'layuan mo ako' ang 'di mo maintindihan, unless bobo ka? Isa pa, bakit naman kita papansinin kung saka-sakali, close tayo?" Barain ko kaya 'to? Nakakainis eh.
Matapos ko siyang asarin ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Bahala siya, feeling close kase. Guwapo nga kapal naman ng mukha. Nakss ekis ka sakin!
"Edi, makikipagclose ako."
"Ay palaka! Potek! Hilig niyong manggulat 'no?! Sakalin kaya kita?!" sigaw ko. Tumawa naman ito na para bang aliw na aliw ito sa mga ginagawa. Bakit ba ang hilig nila manggulat? Kulit din nito eh! 'Di lang pala kiti kiti 'to, may lahing tipaklong din pala.
"Sorry," ngiting sabi nito, "ayaw mo kasi akong kausapin. Nakikipag-close lang naman ako. Ayaw mo ba na may guwapo kang kaibigan? Bihira lang ako makipagkaibigan sa babae kaya suwerte ka." 'Di ko alam kung nagmamayabang ba ito o sobrang taas lang talaga ang tingin sa sarili.
"Naks kapal din ng mukha mo e 'no? FYI marami akong kaibigan na guwapo at ikaw? wala ka pa sa pilik mata nila kaya shooo lubayan mo ako dahil nadedemonyo ako pagkausap kita." Patuloy lang kami sa paglalakad sa hallway. Wala e, uwian na at sadyang aso ang lalaking ito kaya anoing magagawa ko??
"Uy grabi ka ha! Never mind. Taga san ka nga pala?" pagiiba nito ng usapan. Seryoso ba 'to?
"Close tayo? At kanina pa ako nagtataka kung pa'no mo nalaman ang classroom ko." taka 'kong tanong. Hindi naman siguro siya stalker diba? Kase kung oo man, ang creepy nun.
"Oo close tayo, kinakausap mo ako e." Napasapo ako sa aking noo. "Tiniggnan ko sa bulletin board pangalan mo kanina." Napabuntong hininga nalang ako at binilisan ang paglakad. Pag ito naging ultimate aso, dadalhin ko na talaga 'to sa dorm para siya 'yong magbabantay sa'min tuwing gabi.
"Nga pala, next month, intramural diba? Sasali ako ng basket manood ka ah?"
"Kapal naman ng mukha mo para yayain ako. Para malaman mo,di ako mahilig sa basket. Kaya asa ka dhai" Taas ng
confident nito abot hanggang neverland.
"Sus sige na. Para naman maganahan ako. Ikaw lang kasi 'yong kauna-unahang kaibigan ko rito sa school. Simula kanina 'di ko na kinakausap mga kaklase ko." Napatingin ako sa kaniya. Seryoso ba 'to? Ok lang ba utak nito? Ok pa ba takbo ng isip niya?
"Kailangan mo yata ng psychologist. 'Di kay pumasok sa ka na lang sa mental. Dami mong ala sa buhay."
"Ang sama mo naman sa akin. Masama ba ang makipagkaibigan?" Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Ramdam ko ang inis sa kaniyang boses at mukha nang umalis ito at 'din na nagabala pang lumingon. Masama nga ba ang makipagkaibigan sa akin? Hindi niya ako masisisi dah galit at inis ang nararamdaman ko sa kaniya. Kasalanan naman niya kung bakit ko siya pinagsasalitaan ng gano'n. Ilang beses ko na siyang tintaboy pero ayaw niyang makinig tapos siya pa ang may ganang magalit. Bahala nga siya.
Tanaw ko na ang gate kaya wala na akong choice kun'di ang tumakbo. Bahala siya, nakakabothered siya kausap. Tumingin ako sa likuran ko kung sumusunod ba siya pero wala akong nakita ni anino nito. Good baka kase gagampanan na talaga niya ang pagiging aso. Nagabang na ako ng masasakyang jeep sa waiting shed. Tinext ko narin si ashley na pauwi narin ako.
•••••
"Tumawag kanina si tita. Kinakamusta tayo at sa makalawang lingo bibisita raw sila dito." 'Di ko pinapansin ang sinabi ni ashley. 'Bat ba, busy ako sa assignment namin eh. Kaloka rin kasi to e, walang alam kaya ako na ang gumagawa tapos iingay-ingay pa sya rito.
"Ano naman gagawin nila dito, makikipagkwentuhan sa salamin?"
"Ang harsh mo Yen, parents mo 'yon syempre namimiss ka nila kaya sila bibisita."
Inis na sinara ko ang notebook at humarap kay Ashley na nakaupo sa kama ko. "Remember? They are the reason why I am here, ikaw din. Hindi nga ako kinausap kung gusto ko ba dito o hindi. They just making decisions without asking me."
Totoo naman kase e. Namimiss nila ako? Edi sana 'di nila kami dito pinatapon. Wala naman kaming problema ni Ash sa previous school namin. And come to think of it, 'bat sumama sakin si Ashley? I mean Ashley don't like transferring to other school pero nong araw na sinabi ko sa kanya na lilipat ako siya na mismo ang nag-insist na sumama.
"Everything has a reason and just accept it. Dito na tayo." mahinang wika nito.
"Yeah right Ashley. Masaya naman tayo sa previous school natin diba? Maliban sa nangyari satin 1year ago, wala naman tayong ginawa na kabalastugan." Ako
"Wala naman. Bakit ka galit? Mag-focus ka na lang diyan sa assignment natin,maghahanda lang ako ng snack."
Kita mo 'tong babaeng 'to. Tumayo na siya at pumunta at lumabas ng kuwarto. Late night na pala. Dapat natutulog na kami sa mga oras na to e. Pero dahil epal si assignment makakatulog kami nang late..
Abala ako sa pagsasagot ng assignment nang biglang pumasok sa isip ko 'yong lalaki kanina. Pushak! Pano nakapasok 'tong unggoy na 'to sa utak ko?
"Alis ka sa utak ko manyak umalis ka"
Halos mawalan ako ng ulirat sa kakaalog ko ng aking ulo. Hanggang dito ba naman sa bahay eepal siya? Labas ka!!
"Ye-yen? Ok ka lang?"
Napatingin ako sa likod ko nang makita ko si Ash na may bitbit na tray ng gatas at oreo. Gulat siya sa nakita nya. Hahaha syempre sino ang di magugulat kung makikita ka ng kaibigan mong inaalog mo yung ulo mo? .
"May masakit ba sayo?? Ok kalang?"
"Ok lang ako. Sumasakit lang ang ulo ko sa assignment natin. Pano ba to? 'Di ko alam eh." Nagkunwari ako na nagiisip ng maisasagot sa assignment.
"Sige, ako tanungin mo makakaintindihan tayo diyan."
"Ha-ha-hA ang funny mo naman. Bagsak tayo pareho neto."
Nagfocus nalang ako sa pagiisip ng sagot kaysa isipin ang mokonh na iyon. Uminom ako ng gatas at napatingin sa aking selpon para tignan kun anong oras na. Napa-what na lang ako at napating kay Ashley.
"First time? Don't worry 'di tutubo pimple mo. Sa makalawa pa," natatawa nitong sambit.
"Lols. 10:35 p.m na po. Sabagay sanay ka nang magpuyat. Tulungan mo kasi ako rito nang matapos na natin at makatulog na," inis kong sumbat, ang tamad nito eh. Porket absent siya at ako ang pumasok.
"Opo maam, tutulong na." Wala na siyang nagawa kun'di umupo sa tabi ko at kinuha ang libro.
Wala akong balak ikwento sa kaniya ang nangyari sa'kin the whole day sa school dahil nadedemonyo ako pag naiisip o naalala ko 'yon lalo na 'yong lalaking 'yon. Jusko kulang na lang at gawin ko siyang keychain. Gwapo naman siya, singkit ang mga mata,pag ngumiti naman parang nasa paraiso ka. Feel ko nga may lahi siyang hapon. Pero 'bat para sa'kin lahing kiti-kiti siya? Joke lang. Pero ang weird lang kasi unang tingin ko sa kaniya ay para bang matagal ko na siyang kilala. Kasi aaminin ko ha, oo, naiinis ako sa kaniya pero 'di ko mapagkakaila na komportable ako habang kasama siya.
"Psttt. Tapos na po. Tulala ka jan."
Bumalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Ash sa braso. Tiniggnan ko ang notebook ko at may mga sagot na ang mga tanong. Aba galing ah?
"Forver tulala nalang kaya ako? Para ikaw na ang sumagot ng assignment natin." Nakakunot noong tiniggnan ako ni Ash. Problema neto?
"Ok ka lang ba talaga? Mukhang may problema ka. Kanina ka pa kase ganiyan." Ash.
"Anong 'ganyan'?"
"Baliw. Nagmumukha ka ng baliw. Naku dhai pacheck up ka na habang maaga pa nang maagapan." Ash.
"Sama mo," patampo kong wika. "Bahala ka. Mauna na ako sa'yo. Ligpit mo 'yan ha!"
Hindi na nakasagot pa si Ashley nang iwan ko siya sa kaniyang kwarto. Tamad na pumasok ako sa aking kuwarto at dumiretso ng aparador upang magbihis ng pantulog. Sana lang talaga 'di na kami magkita ng lalaking 'yon. Ang weird niya, pa'no na lang pag nakita siya ni Ashley baka mas malala pa ang sasapitin niya sa babaeng 'yon. Walang malay na sumalpak ako ng kama at inayos ang puwesto ng aking katawan. Tulala lamang ako sa kisame ng kuwarto at malalim na iniisip ang sinabi ni Ashley kanina tungkol sa aking mga magulang. Hindi naman ako galit talaga sa kanila. Siguro ay nagtatampo lang ako dahil sa ginawa nila sa'kin na itapon ako dito malayo sa kanila. Kung talagang may rason kung bakit nila ginawa 'yon ay puwede naman nilang sabihin sa akin at maiintindihan ko naman 'yon. Hindi 'yong nagising na lang ako isang umaga na paalis ng bahay. Hindi nila ako masisisi kung lumalayo ang loob ko dahil sa una pa lang ay dapat hindi nila ginawa 'yon. Isa pa itong si Ashley, hindi ko maintindihan kung bakit sumama siya sa akin dito. Hindi ko naman siya pinilit o ano. Kusa na lamang sumama na para bang aso. Haysss buhay nga na man talaga. Hindi mo maintindihan kung ano ang nangyayari dahil ikaw mismo hindi mo maintindihan ang sarili. Araw-araw na lang palaging ganito. Minsan nga gumigising ako na para bang wala sa wisyo. Wala sa sarili na para bang ulirat. Hindi pa ako babalik sa sarili kung hindi pa ako sasampalin ni Ashley.