Dali-dali kaming tumakbo ni Ash papuntang classroom nang tumunog ang school bell. For the third time, please 'wag naman sana maaberya ulit ang first subject namin.
"Dalian mo Ash! Late na tayo!" Sigaw ko habang tumatakbo kami ng hallway. Sabi ko na nga ba hindi magandang ideya ang matulog ng dis oras.
"For Pete's sake, I'm trying ok? Bakit ba kasi 'di mo pinaandar 'yong alarm."
Kasalanan ko ba kung nakalimutan ko. At 'di lang ako ang may obligasyon sa orasan na 'yon kun'di siya rin kaya huwag niya akong sisihin, jusko.
Halos liparin na namin ang hallway nang matanaw ko na ang classroom. Kapag kami ay late na naman I swear to the moon goddess, matutulog na ako ng maaga. Agad naman kaming pumasok sa loob. Pheww mabuti na lang at wala pa ang adviser namin.
"Ghaddd. Mabuti na lang nakaabot na kayo ng klase this time," bati ni Khysza sa amin. Nilagay ko na ang bag sa aking upuan at umupo. Khysza is right, mabuti nga talaga na nakaabot kamo.
"Alam niyo ba na pag 'di pa kayo nakapasok ngayon ipapatawag na parents n'yo? Akala ni Ma'am nagii-skip kayo ng klase niya kasi nakikita naman niya na nasa record present naman kayo through out the subject."
"We have our reasons. At ang aga-aga ganda nang pambungad mo sa'min ah?" pasarkastiko kong wika.
"Sorry naman, kanina ko pa kasi kayo hinihintay at nagdadasal na pumasok kayo ngayon."
"Ikaw, kahapon magkasama tayo 'di mo manlang sinabi 'yan sa'kin." tampo kong sabi.
"Nakalimutan ko." Tskk, nakalimutan ko. Pagsusulit ko sa aking utak.
Bigla naman nagkagulo ang klasroom nang biglang pumasok ang adviser namin. Nagsibalikan na sila sa kanilang inuupuan at iba naman ay nagtatawanan parin. Naks ito na, handa na akong mapahiya mga dhai!
"Goodmorning class," bati sa amin ng guro.
"Goodmorning Ma'am Centelas," tugon naming lahat. Matapos magbatian ay umupo na kami at tumahimik, lalo na kaming dalawa ni Ashley na nasa gilid ko lang at tahimik na nakayuko.
"Andito na ba sina Ms. Guillermo at Ms. Del Mundo?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Ashley at nagsenyasan kung sino ang magsasabi ng Opo and the winner is no other than me. Itong si Ashely ang dal-dal pagdating sa mga walang kwentang bagay pero pag sa ganitong sitwasyon na bigla na lamang tatahimik. Kailangan mo pa siyang panlakihan ng mga mata bago sumunod sa'yo.
"Opo Mrs. Centelas," hinang tugon ni Ashley. Tumingin kami sa harapan at nakita naming nakatingin na sa'min si Mrs. Centelas, tatakbo na ba kami?
"Mabuti at naisipan n'yo pumasok sa klase ko. Maliban sa ako ang guro niyo sa oral reading ay sana alam niyo rin na ako ang adviser niyo. We'll talk later after the class Ms.Yen and Ashley."
"Yes Ma'am," sabay naming sagot. Matapos ang engkwentro ay back to normal na ang lahat pero 'yong atmosphere, jusko dhai nakaka-awkward.
Nagbigay ng simpleng pagsusulit si Ma'am Centelas tungkol sa oral communication. Tahimik lang kaming sumasagot walang ni isang nagsasalita sa loob ng kwarto. To think of it pag sa oral strikto. Sa literature, naku ganon din po sa natitira naming subjuect. Parang gusto ko nalang humimlay.
"Yen, pstt Yen." Napatingin ako sa katabi kong si Ash na kanina pa nangungulit. Pinanglakihan ko lang siya ng mga mata na ibig sabihin ay ANO.
"C.r," bulong niya sa akin. Naku kung minamalas ka nga talaga. Si Ashely yata ang karma ko ngayon.
"Ano naman ang gagawin ko? 'Wag mong sabihin magpapasama ka? Ang tanda mo na Ash," bulong ko sa kaniya pabalik. Tokneneng na bata to, ang tanda na niya nagpapasama pa sa c.r.
"Grabe ka, sige na."
"AYAW." At dahil sa napatodo nang kaunti ang aking boses, rinig hanggang mars. Joke, narinig kase ni maam.huhuhuhuh
"Yes Ms. Guillermo and Ms. Del Mundo?" tanong ni ma'am.
"May I go out? Magc-cr lang po ako," hiyang tanong ni Ashley. Hindi niya alam kung ano amg gagawin niya sa sobrang kaba. Kahit ako rin naman. Tumingin ito sa'min ng ilang segundo at pumayag naman na walang pagaalinlangan. Pero ako, 'di pumayag na sumama sa kaniya ano siya, alaga ko? Tumayo na si Ash at dahan-dahang lumabas ng classroom.
"Ikaw Ms.Yen, may kailangan ka rin ba?" Tanong nito sa akin.
"Wala po." Opo, ikaw ang problema ko pero chaka lang na sasabihin ko
'yon baka ma-guidance Office ako for the first time.
Matapos ang klase sa oral comm. Matiyagang naghihintay kami ng next period. 'Yong iba nga nagre-recess na kahit 'di pa time.
"Yen? Ano kasi...may sasabihin ako sayo." Tumingin ako kay ash at mukhang napapawisan siya na kinakabahan. Problema nito?
"Ano? Ok kalang? Namumutla ka," tiniggnan ko siya ng mabuti. Don't tell me nangyari rin sa kaniya ang nangyari sa'kin sa c.r? Pfttt.
"Ano kase... please, after this class umuwi agad tayo." Kumunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi, problema nito? Talaga namang uuwi kami nang diretso dahil wala rin naman kaming pupuntahan at isa pa hindi pa pamilyar sa amin ang lugar dito.
"Naks Ash nagbanyo ka lang naging weird ka na. Tell me, may nangyari ba sa'yo sa c.r? Binastos ka ba? Sinilipan?" Natitriggered talaga ang pagkakaprotective ko pag ganito ang sitwasyon lalo na pag si Ashely ang usapan. Naman kase e, 'di naman ganiyan si Ash kung walang may nangyari sa kaniya. Nagaalala tuloy ako.
"Wala, ano basta! Walang nanilip ok? At marami kami kanina sa cr. Basta, uwi agad tayo mamaya ah?" Kahit labag sa loob ko na maniwala sa kaniya ay tumango na lang ako. Malalaman ko parin naman kung ano talaga ang nangyari.
"Uy may rooftop pala tayo? Tara punta tayo dun!" Isa pa 'tong si Khysza e. Lahing tipaklong 'din, kung saan-saan sumusulpot. Magkapareho talaga sila nung lalaking 'yon. Aytss, napadalaw na naman si hapon sa isip ko ah. Nasaan kaya 'yon?
"Natural Khysza, school 'to. Lalo na't building ito." Ako naman kaya ang mambara sa kaniya. Nag make face lang siya at pinagpilitan samin ni ash na pumunta doon..
"Sige na, wala pa naman si Sir e. At tiyaka sandali lang tayo doon. Rinig ko maganda daw view dun sa taas. Matatanaw mo ang daan d-"
"Okay na. Ok na, pupunta na tayo." Napahigikgik naman ako sa pagtakip ni Ashley sa bunganga ni Khysza. Dal-dal din e. Lumabas na kami ng room at tumungo ng rooftop. Wala pa naman ang subject teacher namin at 'di pa naman nagri-ring ang school bell kaya safe na lumabas muna kami. Pag ito mali ang pagka-describe niya sa view itutulak ko talaga siya sa taas.
"Bilis, mukhang may mga estudyante rin doon sa taas," excited na wika ni Khysza. Tama siya kasi rinig dito sa hagdan ang munting ingay mula sa rooftop. Tourist spot siguro nila ito.
Pag labas namin sa pinto ng rooftop ay bumungad sa'min ang iilang estudyante. Ang iba ay naguusap, kumakain, naggigitara at ang iba naman ay nakatanaw sa malayo.
"Tama ka nga. Ang ganda nga dito. Hinulog ka talaga ng langit Khysza." Lumapit kaming tatlo sa railings at nakitanaw. Makikita mo dito ang kalsada papunta sa gate maliban doon ay puro puno na ang makikita mo. May pagkatago kase ang school na'to sa main road. Napapaikutan ito ng mga matataas na mga puno at bundok laya dag-dag din ito sa kagandahan ng paaralan. Malaki rin naman kasi ang building at malawak ang school ground. Siyempre only private school sa lugar.
"Punta lang ako doon ha?" paalam ko sa kanilang dalawa. Gusto 'kong makita kung ano naman ang nasa likod ng school. Pagdating ko sa bahaging likod ng rooftop ay napahanga ako sa ganda ng view. Kung sa harap may kalsada, dito sa likod ay wala na. Kagubatan nalang ito at may kaunting bundok di kalayuan mula rito. Makikita mo rin ang light house ng village at grabe, sobrang taas. Parang gusto ko tuloy pumunta roon. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking palda para kunan ng litrato ang tanawin. Lalapit na sana ako ng railings nang biglang may humatak sa aking braso.
Nagulantang ako nang makita kong si Ashley lang pala. "Yen baba na tayo bilis."
"Nanggugulat ka na naman e! Buti na lang 'di pa ako nakalapit sa railings," inis kong sigaw sa kaniya. Kainis 'tong babaeng 'to! Bigla-bigla nalang nanghihila. Problema ba niya?
"Tara na kasi. Baba na tayo pls? Baka dumating na si Sir, tara na." Tumaas ang aking kilay habang tinitignan ang aking kaibigan na natatranta. Tinignan ko siya nang may pagtataka.
"Ano ba ang problema mo? Alam mo, kanina ka pa ganiyan Ashley. Okay ka lang ba talaga?" I swear, malapit kong nang masakal 'tong babaeng 'to.
"Oo nga! Baba na tayo! Bababa lang eh!" Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Kahit kailan man ay hindi ko pa nakita na sumigaw at magalit si Ashley. Kung ano man ang dahilan kung bakit siya ganito ay siguro nga ay may mali talagang nangyari sa kaniya sa c.r
"Oo na! Bababa na! Next time, 'wag ka nang sumama dito! Maguusap tayo paguwi natin." Seryoso bilin ko sa kaniya at umalis nasa kaniyang harapan. Pagdating talaga sa mga gusto niya, siya palagi ang nasusunod. Kainis 'to, marami yatang problema sa buhay. Pababa na kami ng hagdan nang biglang may humigit na naman sa braso ko.
"Putang*na! Problema niyo ba sa braso ko?!" Wala ng tingin-tingin pa kung sino ang humawak sa braso ko, basta bahala siya! Wala ba silang braso?
"Ngayon minumura mo na ako? Nakaka-hurt ka na!" Napapitlag ako at nagulat nang marinig ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kumunot ang aking noo habang dahan-dahan kong tinaas ang aking ulo upang tignan kung sino itong gag*ng nanghila sa akin. Makikita ko na sana ang kaniyang mukha nang bigla akong hinila at kinaladkad ni Ashley pababa.
"Ano ba Ash! Magdahan-dahan ka nga! Mahuhulog tayo." Pilit kong binabawi ang aking braso mula sa kamay niya pero sobrang higpit ang pagkahawak nito. Ang weird na talaga ni Ashley ngayon mga dhai!
"Bilisan mo na lang ang paglakad, Yen. Nagring na ang bell, 'di mo na narinig? May quiz daw tayo!" Alam kong hindi iyon ang rason kung bakit bigla na lang niya ako hinila pababa. Kailangan nga talaga naming magusap ni Ashley. Hindi ko na siya maintindihan ngayon. Ang mga kakaibang galaw at ang pagiging matarantahin.
"Si Khysza? Nasaan siya?" Tanong ko sa kaniya and this time time ay nakawala na ako sa kamay niya.
"Nauna na sa atin." Iyon na lamang ang kaniyang tugon.
"Ashley," tawag ko sa kaniya. Hindi ko na kaya. Hindi na ako makapaghintay hanggang uwian.
"Ashley! Ano ba?! Naririnig mo ba ako?" sigaw ko. Mabuti na lamang at wala ng mga estudyante sa hallway dahil kung mayroon man ay tiyak lahat sila nakatingin na sa amin at iisipin naagbabardagulan kami.
"Not now, Yen."
"No. We need to talk. Ano'ng meron Ash? Bakit ka nagkakaganiyan? Ano'ng nangyari sa c.r?" diretsahang tanong ko. Hindi ko alam kung mayroon ba siya ngayon o sadyang mainitin lang talaga ang ulo niya which is hindi naman siya ganiyan. Hindi parin ito humihinto sa paglalakad at ako naman ay pagod na sa kakahabol sa kaniya, anak ng pating.
"I said not now, Yen! Ano ba sa 'huwag ngayon' ang hindi mo maintindihan?! Bingi ka ba?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Ashley sa hallway na ikinagulat ko. Bigla namang nagiba ang kaniyang reaksyon nang matanto niya ang kaniyang ginawa. This is the first time na sinigawan niya ako kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"I'm sorry. I- I didn't mean to yell at you." Sinubukan niyang lumapit sa akin pero umiwas ako at galit na iniwan siyang nakatayo sa kanitang puwesto. I swear, hindi ako iiyak. Walang dapat na ikaiyak sa ginawa niya but f*ck!
"F*ucking Ashley," galit na bulong ko sa hangin. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at inayos ang aking sarili habang papasok ng classroom. I swear Ashley will be the death of me. Kung may problema siya puwede niyang sabihin sa akin hindi 'yong magaasta na lang siya bigla na para bang may ginawa akong masama para sigawan niya ako ng gano'n.