Chapter 19 Hapon na nang magising si Leester. Hindi niya akalain na makakatulog siya. Umidlip siya kaninang umaga dahil hindi na niya nakayanan ang p*******t ng kaniyang ulo. Naalala niya si Rose. Dali-dali siyang bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Gusto niya malinis siyang haharap sa dalaga. Pagkatapos maligo ay nagmamadali niyang sinuot ang maong pants at medyo hapit na puting t-shirt. Kapansin-pansin ang namumutok niyang muscles sa magkabilang braso. Itinali niya ang lagpas balikat na buhok at di na nag-abala pang i-trim ang balbas sa sobrang pagmamadali. Lumabas na siya ng kwarto at pasipol-sipol na naglakad papuntang infirmary kung saan nagpapahinga ang dalaga. Nagtaka siya kung bakit bahagyang nakabukas ang pinto. Kumatok siya ng tatlong beses at itinulak ang pinto subalit

