Prologue

1237 Words
Prologue ISABELLA ROSE POV Ilang taon na ba ang lumipas? Anim? Pito? Hanggang ngayon hirap na hirap pa rin akong tanggapin na wala na siya. Ilang private investigator na rin ang h-in-ire namin ni daddy subalit gano'n at gano'n pa rin ang resulta. Di nila mahanap ang ama ng mga anak ko. Sa pagbabalik ko, ako na mismo ang maghahanap sa kaniya. Malakas ang kutob kong buhay siya dahil kung hindi, dapat noon ko pa nalaman. Kilala siya sa buong probinsiya at hindi iyon palalagpasin ng media kung may masamang nangyari sa kaniya. Kararating lang namin ng mga anak ko sa bahay nina mommy. Sila kasi ni daddy ang nagpasyang dito muna kami tumigil nang ilang araw. Mamayang hapon plano kong bisitahin ang bahay namin ni Raine. "Careful, babies. Stop running around," wika ko nang di pa sila tumitigil sa kakatakbo. Sumimangot sila nang marinig ang sinabi ko. "Mom, I'm not a baby anymore," sabay na wika nila. "I'm a big boy now/I'm a big girl now," sabay na naman sila. Nakakatuwa silang pagmasdan. Kamukhang-kamukha sila ng kanilang ama. Parang pinagbiyak na bunga. "You look like a tomboy/You look like a gay," sabay nilang wika sa isa't isa na lalong ikinatawa nina mommy, daddy at yaya. "Kambal nga sila, anak," nakangiting wika ni daddy. "Oo nga, baby. Nakakatuwa sila," maluha-luha namang saad ni mommy. Nilapitan ko ang dalawa nang di pa rin tumitigil sa pang-aasar sa isa't isa. Walang gustong magpatalo. "Babies, stop bickering--" "Mom, I said I'm not a baby. I'm a big boy/ I'm a big girl," sabay nilang wika at tumingin sa akin dahilan para matigil ang asaran nila. "Then you should act like one. Say sorry to each other," utos ko na agad naman nilang sinunod. Pagkatapos no'n, hinalikan ko ang noo nila. "I'm sorry, mom," sabay nilang wika. "Okay, that's enough. Sumunod na kayo sa dinning room. Lunch is ready," narinig kong wika ni daddy. "Yes, dad. Susunod na po kami." Tumayo ako at inakay ang kambal papunta sa dinning room. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magsimula na namang mag-asaran ang kambal. "You should also eat veggies, Nessa. Not lasagna alone," wika ni Nell nang mapansing walang gulay ang plato ng kakambal. "I like lasagna," matipid na wika ni Nessa. "But veggies are good--" "Like your sinigang with so much veggies and that adobo with potato? No, I'll stick with my lasagna. Afterall, it's mom's favorite." "Well, sinigang and adobo must be our father's favorite. I wouldn't like these foods if he doesn't, right mom?" Nabitin sa ere ang pagsubo ko nang marinig ang sinabing iyon ni Nell. Bigla na naman bumalik ang mga alaala namin ng ama nila. Napatingin sa akin sina mommy at daddy. Waring tinatantiya ang magiging reaksiyon ko. Ibinaba ko ang kutsara at kahit gusto ko na namang umiyak ay pinilit kong ngumiti sa kambal. Sa mga panahong nagdaan natutunan ko ng ngumiti kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nagawa ko na ring pag-aralang itago ang aking emosyon sa bawat sitwasyong kinakaharap ko. "That's right," malamig kong tugon. Uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy. "Finish your food, twins. I'll show you something later." Itinigil na rin nila ang pagtatanong na labis kong ipinagpasalamat. Wala namang imik ang mga magulang ko habang pinagmamasdan ang kambal. "Lolo Dad, you know how to play piano?" tanong ni Nell kay daddy nang nasa sala na kami. Nakita niya kasi ang grand piano sa gilid ng hagdanan. "Yes, apo. When I was in college I used to play that instrument." Ngumiti si daddy. "In-enroll ko siya, dad sa isang piano lesson when we were in America. Dance lesson naman si Nessa." "Buti nagustuhan ni Nell, baby? Naalala ko noon hate na hate mo ang piano," nakangiting wika ni mommy. "Lola 'My, the moment I saw my dad's video playing the piano, I decided to take up piano lessons. He's good at it. I wanna be like him." Natulala ako sa mga pinagsasabi ni Nell. Ano kayang sasabihin ni Raine kung naririnig niya ito? "Mom, you said we're going to live at daddy's house. Why are we here? Aren't we going to live there?" sabat ni Nessa. "We'll stay here for a while, Nessa. A few days maybe. Until your new nanny comes," tanging naisagot ko. 'Yon kasi ang napag-usapan namin ng mga magulang ko. Sa susunod na araw pa dadating ang pamangkin ni yaya na siyang magiging yaya ng mga anak ko. "Baby, hindi ba marunong magsalita ng Tagalog ang mga anak mo?" "Marunong naman po, mom. Kaso nga lang hindi marunong magtagalog ang mga kalaro nila sa States kaya nasanay na sila. Pero nakakaintindi naman sila ng Tagalog." "Mom, can we stay here for good? I like this house and there's a piano where I can play whenever I like." "No, Nell," mabilis na sagot ni Nessa. "We should stay at daddy's house. That's the plan before we came here." Bago pa magkasagutan ang kambal ay nagsalita na  si daddy. "Of course kids, you'll be moving in at your daddy's house a few days from now. And don't worry, Nell your dad also has a grand piano there--" "Really, Lolo Dad? Wow, so excited to see it." Tumango si dad habang pinagmamasdan si Nell na napakaluwang ng pagkakangiti. Ngumiti rin si Nessa habang pumapalakpak. Mayamaya niyaya ko na ang kambal at pinatulog. Nang makatulog sila bumaba ako at inihabilin ang kambal kay yaya. May kailangan akong puntahan ngayong hapon. Nakasuot ako ng itim na crop top at pinatungan ko iyon ng itim na jacket. Nagpalit din ako ng puting shorts at bumaba na ako. Sakay ng kotse ni daddy, umalis na ako at tinahak ang daan papunta sa bahay namin ni Raine. Pagkabukas ko pa lang ng gate gusto ko ng umiyak sa sobrang kalungkutan. Malinis na ang buong bahay dahil pinalinis na ito ni daddy ilang araw bago kami umuwi ngunit parang may kulang. Mula sa mga mamahaling furniture hanggang sa mga paintings at chandelier hindi ko makita ang kagandahan. Black and white. 'Yon lang ang nakikita kong kulay. Katulad ng palagi kong suot simula nang mawala si Raine sa buhay ko. Kusang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kulang na lang ay maglupasay ako sa pighating nararamdaman. Nang marating ko ang kwarto namin ay dumiretso ako sa walk-in closet. Doon ay isa-isa kong tiningnan ang mga gamit ni Raine. Naroon ang koleksiyon niya ng mga mamahaling relos. Sa ibabang bahagi ay may drawer kung saan nakalagay naman ang iba't-ibang klase ng necktie. Naroon din ang PT kit na ginamit ko noon. Subalit natigilan ako nang mapansin kong dalawa na lang ang PT kit. Tatlo iyon. Nasaan ang isa? Naguguluhan man, itinuon ko ang paningin sa mga naka-hanger na corporate attire. Sa baba niyon maayos na nakasalansan ang mga nakatupi niyang t-shirts at polo shirts. Di ko mapigilan ang sarili, kumuha ako ng t-shirt niya at niyakap iyon matapos amuyin. Parang naaamoy ko pa ang imported niyang pabango na lalong nagpaiyak sa akin dahil sa sobrang pangungulila. Lumabas ako at naupo sa kama habang umiiyak. Nasa kamay ko pa rin ang damit niya. Nang mahimasmasan tumayo ako at pumunta sa veranda. Ilang minuto na akong nakatayo doon nang mapansin ko sa kabilang kalsada ang isang itim na Sportivo. Nakababa ang bintana sa passenger seat. Medyo malayo iyon at hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero kilala ko ang mukhang iyon. Kilalang-kilala! "Raine?" tanging nasambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD