Chapter 1

2247 Words
Chapter 1 ISABELLA ROSE POV Dali-dali akong bumaba at tumakbo palabas ng gate. Kailangan kong puntahan ang kinaroroonan ng Sportivo na 'yon. Mabilis akong tumakbo patungo roon ngunit nang makarating ako wala na ang sasakyan. Sinipat ko ang kabilang kalsada sa pag-asang doon ito lumiko subalit wala talaga. Ni anino wala akong nakita o sadyang namamalikmata lang ba ako kanina? Posible bang nakikita ko siya dahil di ko siya matanggal sa utak ko? 'Raine, kung nasaan ka man, please magpakita ka na sa akin. Mababaliw na ako kakaisip sa 'yo' wika ko sa sarili. Walang tao sa paligid kaya wala akong mapagtanungan kung may nag-park ba sa lugar na iyon o wala. Bagsak ang mga balikat nang tahakin ko ang daan pabalik sa bahay. Umiiyak na naman ako habang naglalakad pauwi. Nang makapasok na ako sa bahay ay umupo ako sa sopa  at doon humagulgol. Miss na miss ko na siya. Hanggang kailan ako ganito? Hanggang kailan ang paghihirap kong ito? Matapos ang ilang minutong pag-iyak tumayo ako at tinungo ang mini bar na naroon. Kumuha ako ng alak at nagsalin sa baso. Kung noon madali akong malasing, iba na ngayon. Hindi na ako basta-basta nalalasing. Ilang buwan matapos kong maipanganak ang kambal nalulong ako sa alak. Ito ang ginawa kong diversion para makalimot kay Raine. Halos mapabayaan ko ang kambal sa sobrang kalungkutan mabuti na lamang at nasa tabi ko sina mommy at daddy pati na rin si Yaya Nelia. Anim na buwan pa lang ang kambal nang magbakasyon kami sa Spain. Doon unti-unti kong nabawasan ang pagkalulong sa alak. Matapos ang kalahating taong bakasyon, napagpasyahan kong huwag na umuwi ng Pilipinas at mag-aral na lang sa Amerika. Hanggang sa makagraduate ako at mapagpasyahan ni daddy na ilipat na sa akin ang pagiging CEO dahilan para umuwi na kami ng kambal sa bansa. Katwiran niya walang ibang magmamana ng mga negosyo niya kundi ako na nag-iisang anak niya kaya mas maigi na hangga't maaga ay matutunan ko na ang pamamalakad nito. Panay lang ang lagok ko ng alak habang binabalikan ang nakaraang pitong taon ng buhay ko. Ang mga taon kung saan namuhay ako na parang walang kabuluhan sa mundo maliban na lang kapag kasama ko ang kambal na tanging naiwang buhay na alaala sa akin ni Raine. Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nakakaya ko ang sakit at paghihirap ng aking kalooban. Ang mga ngiti nila at yakap ang nagsisilbing lakas  kung bakit gusto ko pang magpatuloy sa buhay. Nagulantang ako nang tumunog ang phone ko. Si daddy tumatawag. "Hello, dad?" "Anak, gising na ang kambal. Hinahanap ka." Narinig ni dad ang sinok ko. 'Yon kasi ang palatandaan kapag nakainom ako ng alak. "Anak, nakainom ka ba?" Buking na ako kaya di na ako tumanggi pa. "Konti lang po, dad. Tinikman ko lang 'yong alak dito sa bahay." Muli akong tumingin sa bote ng alak at nagsalin ulit. Nangangalahati na ang bote pero di pa rin ako nalalasing. "Stay there, anak ipapasundo kita-" "Don't bother, dad. Pauwi na rin po ako." "No, huwag kang magmamaneho nang lasing—" "Dad, di po ako lasing, nakainom lang," mariing tanggi ko at  nagpaalam na sa kaniya. Matapos maisara ang gate ay nag-drive na ako pauwi sa bahay nina mommy at daddy. Normal lang ang pagpapatakbo ko. Hindi mabagal, hindi naman mabilis. Swabe lang. Masarap sa pakiramdam habang nagmamaneho nang nakainom. Ito ang gusto ko dahil medyo nababawasan ang dinadala kong problema sa tuwing nakakainom ako ng alak. Nakokondisyon ang utak ko. Mag-a-alas dos ng hapon nang makauwi ako sa bahay. Sa labas pa lang ng gate nagulat na ako nang buksan ito ng isang armadong lalaki tapos yumuko bilang pagbibigay-galang. Nagtataka man tumuloy na ako sa loob at bumaba ng sasakyan. Napansin kong nakakalat ang mga armadong lalaki sa paligid. "Anak, I have a surprise for you," nakangiting sabi ni dad habang papalapit sa akin. "Pagpasok ko pa lang ng gate, nasopresa na ako, dad. Bakit nakakalat sila sa paligid ng bahay?" walang emosyon kong tanong kay dad patungkol sa mga armadong kalalakihan. Nadala na ako sa mga tauhan niya kaya hindi niya ako masisisi kung naiinis ako sa aking nakikita. Masakit sa mata makakita ng mga armadong lalaki na wala ng ginawa kundi ipagmayabang ang hawak nilang baril na animo'y ipinangangalandakan na astig sila dahil meron sila nito. Nakakairitang pagmasdan habang paroo't parito sila sa labas ng bahay na parang anumang oras ay may lulusob na kalaban. Nakakabwisit! "Mabuti dumating ka na, anak. May sorpresa ako sa 'yo. Tiyak kong magugusuhan mo 'yon. Tara--" "Dad, inuulit ko. Bakit sila narito?" "Ah, sila ba?" tuuro niya sa mga tauhan. "Anak, narito sila para magbantay. Mabuti na ang nakakasiguro. Nandito ang mga apo ko." "Pero, dad--" Itinaas niya sa ere ang kanang kamay para patigilin ako. "Huwag kang mag-alala, anak magagaling sila. Hindi sila kagaya ng mga nauna kong tauhan kaya ipanatag mo ang loob mo." Napatango na lang ako. Sana lang dahil kung hindi matitikman nila ang galit ko 'pag may masamang nangyari sa kambal. "Do'n tayo sa garahe, may ipapakita ako sa 'yo." Nakangiti ito habang naglalakad patungo roon. Nakasunod naman ako sa kaniya. Pagdating ko sa garahe nagulat ako sa nakita roon. Isang kulay itim na motorsiklo. Nangingintab pa ito. Bagong-bago. Isa iyong motor na pangkarera kagaya ng motor ni Raine na kulay asul. "Wow, dad astig!" Di ko mapigilang mapahanga sa aking nakikita. Maporma ang motorsiklong ito. Ang kinis. "Hindi ko alam na mahilig pala kayo sa motor. Kailan n'yo po 'to nabili?" "Para sa 'yo 'yan, anak. Alam kong nahihilig ka sa mga sasakyan kaya binilhan kita." Natigilan ako sa sinabi ni dad. Alam kaya niya ang mga pinaggagagawa ko sa Amerika  no'ng mga panahong umuwi sila rito ni mommy? "I thought, dad--" "Dati iyon, anak. Ang akala ko kasi hindi mo kakayanin pero nagkamali ako. Ipinakita mo na kahit di ka lalaki kaya mong gawin ang mga nagagawa ng lalaki. Naalala mo no'ng nasa Abby's tayo? Hindi ko akalain na gano'n ka kagaling, anak." "Thank you, dad." Napayakap ako sa kaniya sa sobrang tuwa. "Welcome, anak. Ingat lang sa pagmamaneho." Mayamaya tinawag na kami ni Yaya Nelia. Hinahanap na daw ako ng kambal. Pumasok kami ni dad sa bahay at naroon ang kambal sa kusina. Nagmimiryenda ang mga ito. Pinaupo ako ni yaya at ipinagtimpla ng kape. Marahil nahalata niya na nakainom ako. "Mom, you're drunk?" nag-aalalang wika ni Nell. "Alcohol isn't good for the body, mom," sabad naman ni Nessa. Nagulat ako sa ipinagsasabi nila. Parang matanda na sila kung magsalita gayong magpipitong taong gulang pa lang sila ilang buwan mula ngayon. "I'm not drunk, twins--" Natigil ako nang magsalita sila ulit. "Whatever, mom. If dad knew about this he might get mad at you. Stop drinking that thing." Pormal na pormal ito habang nagsasalita. Para akong batang pinapangaralan ng isang ama. Natatawa ako sa mga anak kong ito. Napaka-matured nila mag-isip. Hindi ako ganito no'ng bata pa ako. "Nell is right, mom. Dad isn't around to take care of us, so please take care of yourself. We need you," tumingin sa akin si Nessa habang nagsasalita. Ilang segundo ang lumipas, tumayo sila at  sabay na yumakap sa akin. Napaluha ako sa ikinilos ng kambal pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanila. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko subalit hindi iyon nakaligtas sa tatlong pares ng mga mata na nakatingin sa amin. Nang iangat ko ang paningin nakita kong napaluha sina mommy at yaya. Seryoso namang nakatingin si dad sa amin. "By the way, mom you said you have something to show us? What is it?" wika ni Nell nang bumalik ito sa upuan at ipagpatuloy ang pagmimiryenda. Kumalas na rin ng yakap si Nessa at naupo. "Yes, mom. We're so excited to see it. Is it a toy? I wish it's a doll so I can add it to my collection," nakangiting wika ni Nessa dahilan para lumitaw ang magkabila nitong biloy sa pisngi. Naalala ko naman si Raine, lumilitaw ang biloy niya sa kaliwang pisngi sa tuwing ngumingiti siya. "What about you, Nell, don't you wish it's a toy car?" sabat ni mom. Sumeryoso bigla si Nell bago nagsalita. "I just wish dad was here." Para akong nabingi nang marinig ko iyon. Alam kong noon pa nila gustong makita ang kanilang ama pero anong magagawa ko kung tadhana na ang nagpasya? Pitong taon ang lumipas at wala man lang akong nababalitaan tungkol sa kaniya. Tumikhim si daddy para maagaw ang atensiyon ng lahat. "Okay, anak, bakit di mo ipakita sa kambal ang sorpresa mo? I'm sure they'll like it." "Yes, mom. I'm so excited," wika ni Nessa at pumalakpak pa ito. Inilapag ko sa mesa ang isang munting kahon na kulay itim at dahan-dahang binuksan iyon. Maging sina daddy ay nagulat sa nakita. "Necklace?" sabay-sabay na tanong nila. Tumango ako. "Seven years ago your dad bought these necklaces. They are very special as your dad said so you should wear it all the time." Napatingin sa akin si daddy na tila may gustong itanong ngunit nagdadalawang-isip dahil kaharap ang kambal. "Wow. He indeed love us, Nessa," wika nito sa kakambal. "Yes, Nell. He loves us. We should wear it already. I love this pendant." Hinawakan ni Nessa ang pendant. Maliit na angel iyon na kulay pink. Blue naman ang kay Nell. Pagkatapos kong maibigay ang mga kwintas sa kambal, umakyat na ako at naligo. Matapos magpalit ng damit bumaba na ako. Narinig kong tumitipa sa piano si Nell. Tumigil ito nang makita ako. "Mom, why are you always wearing clothes with  black and white colours? You don't like other colours except those two?" Pansin nito sa suot ko. Naka-pants ako na kulay itim, sneakers na kulay puti, at puting  spaghetti strap na pinatungan ko ng itim na jacket. "It's my favourite, Nell," sagot ko para matigil na siya sa kakatanong. "You're favourite? Since when, mom? Since dad died?" Para akong dinagukan sa sinabing iyon ni Nessa. Hindi ako makahinga. Ang sakit palang marinig sa mismong bibig ng anak mo ang mga katagang iyon. "Nessa, stop!" saway ni Nell. "You shouldn't said that. Say sorry." "But, Nell--" "I have a feeling that he's not dead, he's just around waiting for the right time to be with us." Na-touch ako sa mga sinasabi ni Nell. Napaka-optimistic talaga niya. Isa sa mga katangiang namana niya kay Raine. "Mom said he died because he wants us to be saved." "Yes, Nessa. That could be his main reason but the fact—" Pinutol ko na ang iba pang sasabihin ni Nell dahil sumasakit na naman ang kalooban ko. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan. Mausisa ang mga batang ito. "Enough of this, twins. I need to do some important things. Will you be okay here?" tanong ko at kinuha ang susi ng motor. "Yes, mom," sabay nilang tugon. "Be good, twins. Bye." "Bye, mom. We love you," hinalikan nila akong dalawa sa magkabilang pisngi. "I love you, too, twins." "I love you more, mom," sabay nilang wika. 'I love you more' Ang mga katagang 'yon. Mga katagang hanggang ngayon ay hinding-hindi ko nakakalimutan. Matapos kong maisuot sa ulo ang helmet ay pinaharurot ko ang motorsiklo palabas ng gate. Iro-road test ko muna ito. Ang sarap sa pakiramdam habang nagmamaneho. Kahit ma-traffic, ayos lang. Dahil maliit lang ang motorsiklo, pwedeng-pwede kang lumusot sa pagitan ng mga naglalakihang sasakyan at mabilis kang makakarating sa pupuntahan. Matapos ang ilang minutong joy ride, pinuntahan ko ang pinakapaboritong lugar namin ni Raine—ang tabing-dagat kung saan ko siya sinagot. P-in-ark ko sa tabi ng malaking punong-kahoy  ang motorsiklo. Sa mga taong lumipas matatag pa rin ang kahoy na ito. Parang mas lalong yumabong ang mga dahon nito. Kung sana ganito rin ang relasyon namin ni Raine ngunit matagal na iyong tinuldukan ng tadhana. Nakakapanghinayang. Matapos tanggalin ang helmet naglakad ako papalapit sa bench at naupo habang pinagmamasdan àng mga alon na waring nag-uunahang marating ang dalampasigan. Napangiti ako nang mapait. 'Narito na naman ako, Raine at naghihintay na naman ng paglubog ng araw. Umaasang isang araw babalik ka sa amin ng mga anak natin. Mahal na mahal kita.' Madilim na nang lisanin ko ang tabing-dagat at pumunta sa kalapit nitong coffeeshop na pag-aari ni Raine. Makikibalita ako sa mga staff ng coffeeshop, baka may alam sila tungkol kay Raine. Boss nila iyon at imposibleng wala silang alam sa employer nila. Gano'n pa rin ang ayos ng coffeeshop. Maaliwalas ito at preskong tingnan dahil sa pinturang mint green. Naroon pa rin ang grand piano at parang nai-imagine ko si Raine na nakaupo at kumakanta. "Good evening, Ma'am. Welcome to Raine's Coffeeshop." Ngumiti ako nang tipid at um-order ng kape at isang slice ng chocolate cake. Naalala ko no'ng naglilihi ako sa kambal noon. Halos araw-araw akong binibilhan ni Raine ng chocolate cake. Pinasadahan ko ang bawat sulok ng establisimyentong iyon sa pag-asang naririto pa rin ang mga dating empleyado ngunit bigo ako. Mga bago ang mga empleyadong naririto. Naglakas-loob akong magtanong sa waiter nang s-in-erve nito ang in-order ko. "Kuya, narito po ba ang may-ari nitong coffeeshop?" tanong ko sa waiter. "Si Mr. Monteero po?" "Oo, siya nga. Si Raine Monteero. Nariyan ba siya?" Nangunot ang kaniyang noo. "Matagal na pong wala si Mr. Raine Monteero. Hindi n'yo po ba nabalitaan? Pitong taon na po simula nang maaksidente siya na labis na ikinalungkot ng kaniyang pamilya. 'Yong kapatid niya po ang namamahala ng mga negosyo niya kasama po itong coffeeshop." Para akong tinakasan ng lakas sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD