Chapter 25 "So kailangan pala kitang pasalamatan, Liza," wika ni Kyle ngunit hindi iyon pinansin ng huli kaya siniko ito ni Rose. "And why should you thank me?" Nakataas ang kilay nito nang magsalita lalo na nang dumating si Cathy na ikinagulat ang hitsura ni Rose. Bigla siyang niyakap ni Cathy. "My god, Rose! You're awesome tonight. What made you wear that dress? Bagay na bagay sa 'yo. Dapat ganyan lagi ang ayos mo. Hindi 'yong lagi na lang black and white. My gosh!" Umikot ang mga mata nito habang nagsasalita. "Walang kabuhay-buhay at-" "Cathy!" putol ni Kyle sa sasabihin ng kapatid. Nasa tono nito ang inis at nahalata kaagad iyon ng mga kaharap. "Why are you here?" "Of course clubbing." Ngumiti na naman ito na tila iniinis ang nakatatandang kapatid. "Sasayaw at iinom ng alak." "Si

