Chapter 26

2128 Words

Chapter 26 "Tangna!" nagngangalaiting mura ni Rose sa lalaking nakadapa. Duguan ito at halos pilipitin niya ang braso sa sobrang galit. "Ang sabi ko sa inyo huwag na huwag kayong magpapakita sa akin dahil papatayin ko kayo kapag nakita ko pa ang pagmumukha ninyo." Mabilis niyang inumang sa nakadapang lakaki ang hawak na kalibre kwarenta y singko at pinaputukan ang ulo at katawan nito. Nangingisay ang lalaki habang sumisirit ang dugo sa buong katawan pero ni hindi man lang nandiri si Rose bagkus ay napangiti pa ito. "Rose, tama na 'yan," wika ni Kyle sa nanginginig na boses. Sinasakal nito ang isa pang lalaki subalit dahil may tama sa katawan ay nabitawan ito, pero naging maagap si Rose, dalawang putok ng baril ang pinakawalan niya at tumimbuwang ang lalaking kanina'y sinasakal ni Kyle.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD