Chapter 37 "I can't believe this," muling saad ni Vin habang mariing nakatingin sa screen ng laptop. Umiling-iling ito. "Hindi nila ito magagawa." "Ano ang ibig sabihin niyan, Kuya Vin?" Napatingin na rin ang dalaga sa screen. "Kung hindi po ako nagkakamali, Ma'am, naroon sa mansiyon ng mga Monteero ang kambal o kaya ay malapit lang sa kanilang mansiyon. Kanina pa hindi gumagalaw ang pulang ilaw na iyon." Parang nabuhayan ng loob si Rose pero kasabay niyon ay ang takot na baka nagkita na ang mag-aama niya. "Sila ang dumukot sa mga anak ko? Bakit naman nila gagawin iyon?" Iyon ang mga katanungan na hindi masagot ni Rose. "Wala silang alam na may mga anak ako." "Kanina pa dumudugo ang sugat n'yo, Ma'am. Kailangan n'yo ng doktor," pag-iiba ni Vin sa usapan. Nag-aalala ito sa kalagayan n

