Chapter 5

2052 Words
Chapter 5 ISABELLA ROSE POV "Kahit wala na siya, kaibigan mo pa rin 'yon, Ron," wika no'ng lalaki. "Oo nga pare. Sayang di natuloy 'yong engagement niya. Pinangakuan pa naman ako no'n na ipapakilala ako do'n sa anak ng business partner ng parents ko." Nakikinig lang ako sa usapan nila. Panay ang inom ko ng alak para di nila ako mapansin. "Sinong business partner?" tanong nito. "'Yong mag-asawang del Mundo. May nag-iisang anak 'yon na babae." "Type mo?" Ngumisi si Ron. "Sabi ni Monteero maganda daw. Pero dahil sa nangyari, di ko na nakilala. Pero okay lang, pre. Gano'n talaga." "Alam mo bang narito na sa bansa ang anak ng mag-asawang del Mundo, Ron?" "O, di nga?" di makapaniwalang tanong nito. "Kanino mo nalaman?" "Secret. Kararating lang daw no'ng nakaraang araw. Pero dahil magaling magtago si Tito Al, walang nakakaalam kung nasaan ngayon ang anak niya." Lumagok na rin ito ng alak. Kilala niya pala si daddy. "Kailangan ko siyang makilala." "Huwag mo ng pangarapin pa, Ron. Naipagkasundo na raw iyon. Wala ka ng pag-asa." Panay lang ang inom ko para di sila makahalata na nakikinig ako sa usapan nila. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng bar. Gano'n pa rin ito no'ng una kong mapuntahan. Ang pinagkaiba nga lang, e, mas maraming tao ngayon. Siksikan ang mga ito habang nagsasayaw sa dancefloor. Mayamaya nahagip ng paningin ko ang tatlong lalaki. Papasok sila sa bar at papunta sa kinaroroonan ko. Kailangan ko ng makaalis dito. Nangangamoy away na. Kinuha ko ang wallet at inilapag ang bayad. "Pauwi ka na?" tanong ni Ron. Tumango ako. "Hatid na kita." "No, don't bother. I can find my way home."  Hawak ang leather jacket sa kaliwang kamay, tumayo na ako at akmang aalis na subalit may narinig akong nagsalita mismo sa harapan ko. "Nasaan ang boyfriend mo?" wika no'ng isang lalaki. Medyo mataba ito at di naman gaanong katangkaran. "Patay na siya! Pinatay n'yo!" sigaw ko sa kanila. Napatingin naman sa amin si Ron pati na ang lalaking kausap niya. "Hindi ako naniniwala. Sinungaling!" "E, di huwag ka maniwala. Wala akong panahong papaniwalain ka." Pagkasabi ko no'n ay nagmadali akong umalis at tinungo si Extreme. Nakasakay na ako sa motorsiklo nang mamalayan kong sumunod ang tatlong lalaki. "Inuulit ko nasaan ang boyfriend mo?" "Bingi ka ba o tanga? Di ba sinabi ko ng patay na siya?" "Kababae mong tao, ang angas mo." Nilingon niya ang dalawang kasamahan. "Kunin n'yo ang babaing 'yan at iharap kay boss. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang niya." Tumalima naman ang dalawang inutusan. Bumangon ang galit na kanina ko pa tinitimpi. Yabang pala, ha! Tingnan natin. Bumaba ako sa motor at tumingin sa paligid. Maigi naman at kami lang ang tao rito. Walang makakakita sa gagawin ko sa tatlong ito. Sabay na sumugod ang dalawang lalaki palapit sa akin. Lumayo ako nang kaunti para kumuha ng bwelo. Nang medyo isang dipa na lang ang layo nila, iniangat ko ang kanang paa ko at sinipa 'yong isang lalaki sa dibdib. Napakalakas ng impact na iyon dahilan para bumulagta siya sa lupa at sumuka ng dugo. Napaatras ang pangalawang lalaki. Waring nahimasmasan sa ginawa ko. May dinukot ito sa likurang bahagi ng kaniyang pantalon. Nang itaas niya ang kanang kamay nakita ko ang isang patalim. Kumikinang iyon nang matamaan ng ilaw na nanggagaling sa poste. Ngumisi ito nang nakakaloko na wari bang matatalo niya ako sa gamit niyang patalim. Ilang minuto ang lumipas, mabilis itong sumugod at iniumang ang hawak na patalim sa tiyan ko subalit mabilis ko iyong nailagan. Alam kong mas malakas siya sa akin kaya iniwasan kong madikit sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagsugod at patuloy din ako sa pag-ilag. Nang malingat siya, hinawakan ko ang kanang palapulsuhan  at mabilis na sinuntok ang kanang balikat niya kaya nabitawan ang patalim. Sinipa ko ang tiyan nito at namilipit siya sa sakit. Iiwan ko na sana sila ngunit sa sulok ng aking mga mata nakita ko ang pagbunot ng baril no'ng pangatlong lalaki kaya  mabilis kong pinulot ang patalim at itinapon iyon sa kaniya. Tumama iyon sa kamay mismo no'ng lalaki dahilan para mabitawan niya ang baril. Nagmadali ako papunta sa kaniya at pinagsisipa siya sa mukha at likod. Nang humandusay na ito ay tumigil na ako at tinalikuran sila. Binuhay ko na ang motorsiklo subalit bago ako umalis sinulyapan ko muna ang tatlong nakahandusay. "Tatandaan ninyo ang mukhang ito dahil sa susunod na magkurus ulit ang landas natin, hindi ko na kayo bubuhayin." Pakasabi ko niyon, mabilis kong nilisan ang lugar na iyon. Hindi na ako umuwi sa bahay ni daddy. Sa bahay ni Raine na ako nagpalipas ng gabi. Kinabukasan nagising ako ng tumunog ang phone ko. Rumehistro doon ang pangalan ni mommy. "Hello, mom..." "Baby, hindi ka umuwi kagabi. Nag-alala ako sa 'yo. Nasaan ka ngayon?" "Nasa bahay po ako, mom. Pauwi na rin po ako." "O, siya, sige. Umuwi ka na at hinihintay ka ng kambal." "Opo, mom." Matapos magpaalam kay mommy tumayo na ako at nagpunta sa banyo para maligo. Pagkatapos magbihis bumaba na ako at tinungo ang garahe. Si Saviour ang gagamitin ko ngayon. Ang kotse na binili ni Raine para sa akin. Dumaan muna ako sa coffeeshop bago umuwi. Ewan ko ba kung bakit pero parang hindi kompleto ang aràw ko 'pag 'di ako nakakapunta doon. Umupo ako sa paborito kong upuan nang makapasok na ako. May dumating naman na waiter para kunin ang order ko. Umiinom na ako ng kape nang mapansin kong may nakatayong lalaki sa harap ko. Natigilan ako kaya iniangat ko ang paningin at nakita ko ang nakangiting lalaki. Pantay-pantay ang mapuputi nitong mga ngipin sabayan pa ng paglitaw ng dimples nito sa kanang pisngi. Nakasuot siya ng gray v-neck t-shirt at itim na pants. "Pwede maupo rito?" nakangiti nitong tanong. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagsimsim ng kape ngunit sa sulok ng aking mga mata alam kong tinititigan niya ako. May dumating na waiter dala ang kape para sa kaniya. "By the way, I'm Kyle. You are?" Di ko sana siya papansinin ngunit lalabas na bastos ako 'pag ginawa ko iyon. "Rose," matipid kong sagot at muli akong uminom ng kape. "Palagi ka rito?" tanong ni Kyle. "Oo. Masarap ang kape nila rito. Nakakagising." "Pampagising sa mga may hang-over." Parehas kaming tumawa sa sinabi niyang iyon. "Siguro sa iba. Pero di ako nagkakahang-over. Sanay akong uminom ng alak." "Halata nga. Ang dami mong nainom na alak kagabi pero parang di ka man lang tinamaan." Tumango lang ako. "Ikaw, palagi ka rito?" tanong ko para ilihis ang usapan. Tumango siya. "Kapatid ko ang may-ari ng coffeeshop na ito. Simula nang mawala siya, ako na ang nagpapatakbo nito." Ano! Kapatid niya si Raine? Nagulat man pero di ko iyon ipinahalata. Kaya pala may pagkakahawig silang dalawa. "Sorry to hear that. Masakit talaga mawalan ng mahal sa buhay." "Tama ka. Mahal na mahal ko ang kapatid kong iyon. Actually, ako ang inutusan niya bumili ng engagement ring noon. Akala ko nga magiging masaya na siya nang matagpuan niya ang babaing minahal niya ng higit pa sa buhay niya. Pero panandalian lang pala ang lahat. Ikakasal na sila noon nang maaksidente sila." Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa mukha niya. "Car accident." "Car accident?" ulit ko dahil parang nabingi ako. Gusto kong makasigurado. "Yes, car accident." Hindi nga ako nagkamali ng dinig. Pero bakit car accident samantalang sumabog ang sinakyan naming yate? Paano nangyari iyon? At sino ang babaing kasama niya? Parang may mali. Gusto ko sanang magtanong tungkol kay Raine pero pinigilan ko ang sarili dahil baka maghinala siya. Miyembro rin siya ng organisasyon. Ayokong matunugan niya na ako ang babaing pakakasalan sana ng kapatid niya. Baka malaman niya ang tungkol sa kambal, mahirap na. KYLE'S POV Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako kinabukasan. Hang-over! Damn it! Naparami ako ng inom dahil kay Ron. Yari siya sa akin mamaya 'pag nagkita kami. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. 'Yong babae sa bar. Lumabas ako ng bar dahil nakita kong sinundan siya no'ng tatlong lalaki. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang tulungan dahil alam kong mga halang ang kaluluwa ng mga lalaking iyon ngunit nagulat ako nang mapatumba niya ang mga iyon nang walang kahirap-hirap. Ang galing niyang dumepensa. Kitang-kita ko nang itapon niya ang patalim at tumama iyon sa mismong kamay no'ng isang lalaki dahilan para mabitawan nito ang baril. Nakakabilib! Matapos niya mapatumba ang tatlo, sumakay siya sa motorsiklo. Hindi iyon basta-basta dahil ang motor na dala niya ay 'yong pangkarera. Ang angas niya habang nakasakay sa itim na motor at dinig na dinig ko ang binitawan niyang salita sa tatlo. "Tatandaan ninyo ang mukhang ito dahil sa susunod na magkurus ulit ang landas natin, hindi ko na kayo bubuhayin." Pagkasabi no'n, inarangkada niya ang motor at lumayo na. Nakakabilib! Siya lang ang babaing nakita kong gano'n. Astig! Kahit nananakit pa ang ulo ko, pinilit kong bumangon dahil sa narinig kong kalabog sa kabilang kwarto. Nagwawala na naman siya. Kaya umalis ang bunso kong kapatid dahil sa kaniya. Ayaw na ayaw no'n makakarinig ng mga kalabog na gaya ngayon kaya minabuti nitong bumukod ng tirahan. Ako bilang tumatayong panganay, napagpasyahan kong manatili sa bahay na ito. Ayokong silang iwan. Mas kailangan nila ako  lalo na sa kalagayan niya ngayon. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko sina mama at papa na nakatayo sa kabilang pintuan. Waring inaalam kung ano ang nangyayari sa kabilang kwarto. "Nagwawala na naman siya? Well, what's new. Ganyan na siya simula nang--" Tumigil ako sa pagsasalita nang makita kong  may nagbabadyang luha sa mga mata ni mama. "I'm sorry, ma." Sumandal ako sa pader at hinilot ang noo ko. "Kung pwede lang na saluhin ko ang sakit na nararamdaman niya ginawa ko na, Kyle. Ako ang nasasaktan sa tuwing nagkakaganyan siya," wika ni mama habang umiiyak. Niyakap naman siya ni papa para aluin. "Sabi ng doktor, hintayin na lang natin ang paggaling niya. Maging sila ay hindi alam kung kailan iyon," ani papa na lalong nagpaiyak kay mama. Hindi na ako nakatiis, binuksan ko ang pinto para alamin kung ano ang nangyayari sa kaniya. Bumungad sa akin ang basag na salamin at lampshade. Nagkalat din sa sahig ang bedsheet, mga unan maging ang mga kurtina. Pati ang sopa ay wala sa ayos. At siya? Hayun nakaupo sa kama, nakapatong ang mga siko sa tuhod at umiiyak. Naramdaman siguro niya na pumasok ako at napatingin siya sa akin. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata nang tumayo siya at nilapitan ako. Nagulat ako nang makalapit siya at basta na lang hinablot ang kwelyo ng suot kong damit. "Where's my watch?" tanong niya sa nagngangalit na tinig. Ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Parang hindi na siya ang kapatid ko. Magulo ang lagpas balikat niyang buhok. Hindi ito nakatali at naroon sa mukha niya ang ilang hibla niyon. "I said where's my watch!" sigaw niya. "It's very important to me!" "I don't know. You must--" Tumigil ako sa pagsasalita nang lumapit sa amin sina mama at papa. "Son, here's your watch. I've found it in your workroom." Nakahinga ako nang maluwag nang iabot sa kaniya ni mama ang napakahalaga niyang relos. Binitawan niya ako na labis kong ipinagpasalamat. Nang mapasakamay niya na ang relos, inilagay niya iyon sa mesa kasama ang isang kwintas at singsing. Naupo siyang muli sa kama at tumungo na naman. Lumapit sa kaniya si papa at hinawakan siya sa balikat. "Son, you should see a doctor," wika ni papa. Nagtagis ang kaniyang mga bagang bago nagsalita. "To hell with them! I don't like doctors. I hate them! They can't even cure what I'm suffering for so many years now. I hate this life. f**k!" Pagkasabi niyon sinabunutan niya ang sarili. Niyakap siya ni mama habang umiiyak. "There's always hope, son," wika ni mama. "Please, don't be stubborn. We're going to the hospital this afternoon--" "No. I won't," mariin niyang tanggi. Maraming doktor na ang tumingin sa kaniya. Marahil nagsasawa na siya dahil iisa lang ang findings ng mga doktor na iyon. Maging ako ay di makapaniwala. Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa kapatid ko pa ito nangyari? Nawala na sa kaniya ang mag-ina niya at ngayon nagdurusa siya sa sakit na kahit mga doktor ay hindi alam kung kailan siya gagaling. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD