Chapter 4
ISABELLA ROSE POV
Nang lumingon ako, nakita kong papalapit sa gawi ko si Cathy.
"You're crying," aniya.
"Wala ito,"tugon ko. Pasimple kong pinunasan ang kumawalang luha sa mga mata ko. Napatingin naman si Cathy sa painting na kanina ko pa tinititigan.
Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "Ganyan din ng reaksiyon no'ng huling taong nakita kong tumingin sa painting na 'yan."
"Napakagaling ng pintor na gumuhit nito," wika ko na may paghanga.
"Sang-ayon ako sa iyo, Rose."
Napansin ko ang caption sa ibabang bahagi ng painting. Binasa ko iyon. "'FOREVER IN MY HEART'." Parang may nasaling iyon sa puso ko. Napaluha na naman ako. "Napakagandang obra."
"Cathy! Thank God, you're here." Mula sa pagkakatitig sa painting naituon ko ang paningin sa babaing dumating. Ito siguro ang kaniyang ina. May pagkakahawig silang dalawa.
"Mama, pasensiya na po dito na ako dumiretso," wika ni Cathy.
"It's okay, anak." Tumingin siya sa akin na tila nagtatanong.
"Mama, I want you meet Rose. Rose this is my mother, Charlotte.".
"Rose? The one you met seven years ago?"
"Yes, mama. Nagkita po ulit kami kahapon sa coffeeshop." Tumango-tango lang ito at bumaling sa akin.
"Nice to meet you, iha. And thank you for saving my daughter." Ngumiti ito sa akin at napansin ko ang paglitaw ng biloy nito sa kaliwang pisngi. Mag-ina nga sila ni Cathy. Nakipagbeso ito sa akin.
"Wala po iyon, ma'am. Nagkataon lang po na naroon ako at nangangailangan siya ng tulong," paliwanag ko. Napakaganda nitong tingnan sa suot na pencil skirt at light blue na blouse. Bagay na bagay sa maputi nitong kutis.
"By the way, iha nakita kita kanina na nakatitig sa painting na 'yan. Any thoughts about that masterpiece?" turo nito sa painting. Muli kong pinasadahan ng tingin ang painting.
"This masterpiece captures something in my heart. I can't explain what I'm feeling. It's like an overwhelming joy and sadness at the same time. The man here," turo ko, "seems like he wants his family to know especially the girl that he'll always be there for them."
"What a nice thoughts, Rose. But I had a feeling that this is what the painter dreamed about his future. He dreamed to be happy with his family but sad to say that dream didn't happen." May namumuong luha sa mga mata niya.
"Ma, nakaraan na po 'yon," saad ni Cathy at lumingon sa akin. "Si mama ang sinasabi ko sa 'yo, Rose na umiyak no'ng makita niya ang painting na 'yan."
"Nakakaiyak naman talaga, Cathy. But still, I like it. I'm gonna buy it."
May tinawag na lalaki ang mama ni Cathy. Lumapit naman ito at nagbigay-galang.
"She'll take this one," sabi niya do'n sa lalaki. "Under my name."
"No, ma'am. I"ll pay for that painting," saad ko. Nakakahiya kung siya pa ang magbabayad no'n. Isa pa kaya ko namang bayaran 'yon.
"Oh, it's okay, iha. I'm glad we shared the same thoughts about that painting."
"But I can--"
"I know you have the money to pay for it but please let me do this. Take it as a sign of gratitude for saving my daughter."
"Yes, Rose. Please accept it. Afterall she owns this shop so wether you like it or not 'FOREVER IN MY HEART' painting is yours for free. It will be delivered to your place tomorrow. Sa condo, right?" seryosong saad ni Cathy.
Tumango ako at binalingan ang mama niya. "Thank you and congratulations for having a spectacular art shop like this, ma'am. I really like the painting."
"You're welcome, iha. And please stop calling me ma'am. Tita na lang ang itawag mo sa akin," nakangiti nitong wika.
"Sure po, tita."
"By the way, Rose, I have to go. I have a meeting in an hour. I'll leave you two now. Cathy, ikaw na ang bahala sa kaniya."
"Yes, 'Ma."
Nilingon ako ni Tita Charlotte. "Maybe we could've lunch together some other time, iha. I'd like to know you more."
"No problem, tita." Ngumiti siya sa akin at naglakad na palabas ng shop.
"My mother likes you, Rose," wika ni Cathy nang makalabas na si Tita Charlotte.
"I like her, too." Tumingin-tingin pa ako sa mga painting na naroon. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko. Waring ang mga larawang narito ay nangyari na sa nakaraan ko.
Matapos magpasalamat kay Cathy umuwi na ako. Dumaan muna ako sa coffeeshop at bumili ng dalawang kahon na chocolate cake bilang pasalubong sa kambal. Kagaya kanina napansin ko na namang nakatingin sa akin ang ilang waiter. Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.
Matapos bayaran ang cake umuwi na ako. Gusto kong matulog buong maghapon. Napagod ako kakalakad kanina sa mall. Wala pa ang kambal nang makauwi ako kaya umakyat na ako sa kwarto at nagpahinga.
Gabi na nang magising ako. Naligo muna ako bago bumaba.
"Baby, gising ka na," masiglang wika ni mommy. "Napasarap 'yong tulog mo kaya di na kita ginising."
"Mom, nasaan po ang kambal?"
"Nasa dinning room. Naghahapunan. Halika ka na. Sabayan mo na sila." At tumungo na kami sa dinning room.
"Seems like he's very intelligent because of the way he talks. I just hope I'd see him again," narinig kong wika ni Nell.
"Nell, mom said you shouldn't talk to strangers," bulalas naman ni Nessa.
"Did you know the name of that stranger?" Nakaupo na ako nang magtanong si dad.
Umiling si Nell. "I didn't catch his name. He just asked my name and after that he walked away."
Napatingin ako sa kaniya. Naalarma ako. Sino ang lalaking iyon?
"Nell, didn't I tell you never talk to strangers?" Napatungo naman siya na tila napahiya.
"I'm sorry, mom. It's just that, I can't help it. He helped me get the ball then he asked my name and that's all. Don't worry, I won't do it next time," paliwanag niya.
Tumango lang ako at nagsimula ng kumain.
"By the way kids, tomorrow we're gonna move in to your dad's house."
"Really, mom?" sabay na sagot ng kambal.
"You're really excited about moving in, kids," sabat ni dad.
"Yes, Lolo Dad. But we're gonna miss you. You and Lola 'My. You should visit us frequently," malungkot na wika ni Nell.
"Don't worry. We'll visit you as often as we can. Besides I'm gonna retire soon so that means I have more time for you twins," nangingiting wika ni dad na parang pinariringgan ako na kailangan na niyang ipasa sa akin ang pamumuno sa kompanya.
Patay-malisya lang ako habang kumakain. Hangga't maaari ayoko muna hawakan ang kompanya. Iyon ang pinakahuli sa listahan ko. Si Raine ang priority ko sa ngayon. Gusto ko siyang hanapin ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Para akong nawawalan na ng pag-asa.
"Baby, ayos ka lang ba? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" tanong ni mommy nang makitang tumigil na ako sa pagkain. Napatingin naman sa akin si dad.
"Masarap po ang pagkain. Sadya lang na marami akong iniisip," paliwanag ko at tinapunan ng tingin ang kambal na kumakain ng paborito nilang fried chicken.
"Mom, is dad's house as big as this mansion?" Napatingin kaming lahat kay Nessa.
Tumango ako. "Yes, Nessa. I'm sure you're gonna love that house. There's an olympic size swimming pool there. I know you like pool. And you, Nell, there's a grand piano waiting for you. You're dad used to play that piano. "
"He has a picture there, mom?" tanong ni Nell. Tumango ako at naalala ko na naman ang nakaraan namin ni Raine.
Pagkatapos maghapunan umakyat na ang kambal para maglinis. Niyaya naman ako nina mommy at daddy sa study room.
"Anak, kumusta ka na?" Panimula ni daddy nang makaupo na kaming tatlo.
"Ayos lang ako, dad," matipid kong wika.
"Sa nakikita namin ng mommy mo mukhang hindi ka pa nakakabangon."
Bumuntong-hininga ako. "In time, magiging okay din ako, dad."
"So next week pwede ka ng umupo bilang CEO ng kompanya?" Waring nananantiya si daddy. Napakunot-noo ako.
"That soon?"
"The sooner, the better, anak. Sa 'yo rin mapupunta ang kompanyang iyon. Mas mabuti na hangga't maaga malaman mo na ang pasikot-sikot sa negosyo."
Napabuntong-hininga na naman ako. Ayoko silang biguin pero paano ko sasabihin sa kanila na may iba akong gustong gawin?
Sumang-ayon na lang ako sa kaniya. Wala rin naman akong magagawa. Isa pa mas mabuti siguro kung isusubsob ko ang sarili sa negosyo nang sa gayon maiwasan ko ang sobrang pag-iisip.
"This coming weekend may pupuntahan kaming party ng mommy mo. I want you to come with us. Maraming negosyante ang dadalo sa pagtitipon na iyon. It'll be a good start for you lalo't ikaw na ang magte-take over sa kompanya."
Muli sumang-ayon na naman ako. Hindi ako sanay dumalo sa mga party. Ang huling dinaluhan ko ay no'ng annual party ng organisasyon. Pitong taon na ang nakakaraan. Kasama ko noon si Raine.
Alas nuwebe na ng gabi pero di pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang kompanya, ang kambal at si Raine. Paano ko masisimulan ang paghahanap sa kaniya kung sa susunod na linggo ako na ang mamamahala sa kompanya? Wala pa akong karanasan sa pagpapatakbo niyon. Tiyak mahihirapan ako. Gulong-gulo na naman ang isip ko.
Naisipan kong pumunta sa bar na pag-aari ng pamilya ni Raine. Baka sakaling may makuha akong impormasyon doon. Nagpalit ako ng black jeans at puting turtleneck sleeveless. Pinatungan ko iyon ng black leather jacket. Matapos kong isuot ang sapatos, kinuha ko ang susi at helmet. Gising pa sina mommy at daddy nang bumaba ako.
"O, baby, saan ka pupunta?" tanong ni mommy.
"Diyan lang po."
"Mag-iingat ka, anak," paalala ni dad.
"Opo. Aalis na po ako, mom, dad," paalam ko sa kanila.
'Sila ang mag-ingat sa akin' sa loob-loob ko.
Alam kong may tiwala sila sa akin kaya kahit gabi na pinapayagan nila akong lumabas nang mag-isa. Alam nila na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.
Paglabas ko ng bahay dumiretso ako sa garahe at binuhay ang makina ng motorsiklo. Inarangkada ko si Extreme palabas ng gate dahil naiinis na naman ako sa mga tauhan ni daddy. Mabuti na lamang at bukas lilipat na kami ng bahay.
Dumaan muna ako ng gasoline station. Kailangan full tank si Extreme. Papunta ako sa kabilang probinsiya. Mas mabuti na ang handa. 'Yon ang isa sa mga natutunan ko kay Raine. Dapat laging full tank ang sasakyan.
"Boss, full tank," wika ko do'n sa gasoline boy. Tinanggal ko ang helmet at binuksan ang tangke. Sa di kalayuan ay may narinig akong mga sumipol pero di ko pinansin iyon.
"Sexy!" sigaw naman no'ng isa at alam kong ako ang sinabihan no'n dahil ako lang ang naroon at ang gasoline boy. Matapos kong magbayad, isinuot ko ang helmet at pinaandar na ang makina. Bago umalis sinulypan ko muna ang mga sumigaw kanina. Nasa labas sila ng puting van na waring may hinihintay. Mabilis akong umalis sa lugar na iyon at tinahak ang daan palabas ng probinsiya.
Mangilan-ngilan na lang ang sasakyan sa highway kaya beinte minutos lang ang dumaan narating ko na ang bar. Pangalawang beses ko na 'to dito. Pagpasok ko pa lang ay amoy na amoy ko na ang alak, sigarilyo at pawis galing sa mga taong walang humpay na sumasayaw. Parang gusto ko ng lumabas pero kailangan kong makakuha ng impormasyon.
Dahil naiinitan ako, tinanggal ko ang suot kong leather jacket at tinungo ang bar counter. May bakanteng upuan sa gitnang bahagi kaya doon ako pumwesto. Um-order ako ng alak at nagsimula ng uminom. Nakatingin lang ako sa alak na nasa baso habang nakikinig sa maharot na awitin. Nakakahilo ang rock music na iyon. Halos hindi mo maintindihan ang lyrics.
"Hey, can I buy you a drink?" tanong no'ng lalaking nakaupo sa tabi ko. Umangat ang paningin ko at nagtama ang mga mata namin. Hindi ako maaaring magkamali si Ron ito. 'Yong lalaking ipinakilala sa akin ni Raine no'ng um-attend kami ng annual party ng organisasyon. Ngumiti ito sa akin at inulit muli ang tanong kanina kaya sinagot ko na siya.
"Thank you, but I can buy my own," wika ko at ipinakita sa kaniya ang ang baso na nangangalahati pa ang laman. Muli itinuon ko ang paningin sa baso at inalog-alog iyon. Wala akong balak makipag-usap sa lalaking ito. Saksakan ng pagkapresko.
"By the way, I'm Ron. You are?" Narinig kong wika nito subalit di ko pinansin. Muli na naman nitong inulit ang sinabi kaya umangat ang paningin ko at sinagot siya.
"Rose," tugon ko at di na ako nag-abala pang makipagkamay sa kaniya. Nilagok ko ang natitirang alak sa baso at um-order ulit ng panibago.
"What a nice name." Sumimsim siya ng alak habang nakatingin sa akin.
"Pre, awat na. Hindi ka papansinin niyan!" Nagulat ako sa pagdating ng isang lalaki at tinapik si Ron sa kaliwang balikat. Nakasuot ito ng itim na pants at puting t-shirt. Maskulado ang pangangatawan nito na animo'y isa sa mga bouncer ng bar. Nakasuot ng cap na kulay pula subalit ang nakaagaw ng atensiyon ko ay ang mga tattoo nito sa magkabilang braso at ang biloy nito sa kanang pisngi. Ang biloy na iyon!
"Panira ka sa diskarte ko. Ngayon ka pa sumulpot," iritadong bulong ni Ron ngunit narinig ko pa rin.
"Kanina pa ako dumating. Pinagmamasdan lang kita. Hindi ka pa rin nagbabago." Umiling-iling ito.
Sa narinig tumawa si Ron bago nagsalita. "Ganito na ako noon pa. Laking pasasalamat ko wala na si Monteero, wala na akong karibal sa mga chics."
Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha no'ng lalaki nang marinig ang sinabi ni Ron. Bakit gano'n ang reaksiyon niya?