Chapter 3

2319 Words
Chapter 3 ISABELLA ROSE POV Kinaumagahan nagising ako sa ingay ni Nessa. Nakapasok na ito sa kwarto ko at tinabihan ako sa kama. "Mom! Mom!" wika nito matapos akong halikan sa pisngi. "We're going to the park. I'm so excited. You should come with us." Humagikhik pa ito na tila tuwang-tuwa. Kahit inaantok pa ay  pinilit kong bumangon nang marinig ko ang salitang park. Sino ang nagbigay ng pahintulot na lumabas sila ng mansiyon? Umupo ako sa kama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Nakita kong papasok si Nell kasunod si Yaya Nelia. Humalik sa pisngi ko si Nell at nilingon ang kakambal. "Nessa, why did you wake her up? She was tired when she came home last night." Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Ang mga sinabi ni Nell. "We'll go there with mom." "No, she'll be staying here. She needs rest," mariing wika ni Nell habang nakatingin sa kapatid. "And who gave you permission to go to the park?" tanong ko dahil nagsisimula na naman ang pag-aaway ng kambal. "Lolo Dad/Lola 'My," sabay nilang sagot. Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha. Hindi ako makapaniwala. Bakit nila pinayagan ang kambal nang hindi muna ako kinukunsulta? Alam naman nila kung gaano kadelikado sa labas. "Iha, dumating kagabi 'yong pamangkin ko. Naroon na siya sa baba, pwede mo na siyang kausapin," sabat ni yaya. "Lola Yaya's right, mom. Our new nanny's waiting for you downstairs." "Yes, mom. I already like her," wika naman ni Nessa. Ipinakita nito sa akin ang nakatirintas na buhok. "She did my hair and she helped me with my shoelaces." Itinaas pa nito ang paa para ipakita ang sapatos. "Did you say thank you to her?" tanong ko. Tumango ito. "Yeah and she said I'm pretty that's why I like her." Umikot ang mata ni Nell sa narinig. At nagsimula na namang tuksuhin ang kapatid. "You like her just because she said you're pretty? Oh come on, Nessa..." Umiling-iling pa ito na animo'y naiirita sa kaartehan ng kapatid. "You're jusy envy because she didn't braid you hair." Umirap pa ito sa kapatid na lalong nagpairita kay Nell. "Shut up, Nessa. You're so annoying. And I'm not envy--" "You're envy," tukso pa nito kaya namagitan na ako para di na lumala ang pag-aasaran nila. Hindi ko alam kung bakit ganito sila. Gustong-gusto nilang inaasar ang isa't-isa. Pero kapag may ibang batang nang-away sa kanila, naroon lagi ang isa para ipagtanggol ang kakambal. Lalo na si Nell, napakaprotective nito kay Nessa. Ipinagtatanggol niya ito laban sa mga nambu-bully dito no'ng nasa States pa kami. Mabait naman ang kambal, 'yon nga lang si Nessa may pagka-maarte samantalang si Nell naman napakasungit pero maalalahanin. Namana ni Nell ang ilang mga katangian ng ama niya. Napabuntong-hininga na lang ako nang bumaba na ang kambal kasama si yaya. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Kagaya ng dati, pinaghalong puti at itim na kulay na naman ang suot ko. Itim na jeans, simpleng white t-shirt at itim na sneakers. Hindi  na ako nag-abala pang maglagay ng make-up. Matapos kunin ang itim na leather jacket, bumaba na ako. Patingin-tingin sa akin si Nell na tila nagpipigil na huwag magkomento sa suot ko. Nakaupo sila ni Nessa sa sopa kasama ang pamangkin ni Yaya Nelia. Matapos ko itong kausapin tungkol sa magiging trabaho niya pinapunta ako ni mommy sa study room. Gusto raw akong kausapin ni daddy. Pagpasok ko roon nadatnan kong may kausap si daddy. Nakatalikod ito kaya  di ko maaninag ang mukha. "Anak, mabuti at nandito ka na. Naalala mo si Vin?" Tinapunan niya ng pansin ang kausap. "Kuya Vin?" "Ma'am Isabella, nakabalik na pala kayo." Tumayo ito at ngumiti. "Kahapon lang, Kuya Vin. Kumusta na po kayo?" Matapos kong makipagkamay, umupo ako sa tabi ni dad. "Maayos naman po." "Anak, pinatawag ko si Vin para alukin na bumalik sa dati niyang trabaho. Kailangan natin ng serbisyo niya." Tumango lang ako. "Since hindi mo na kailangan ng bodyguard, in-assign ko siya sa kambal at okay naman sa kaniya." "Talaga, Kuya Vin?" Tumango lang ito. "Maraming salamat at pumayag ka. Kailangan talaga ng bodyguard ng kambal." "Masaya po akong makabalik sa dati kong trabaho. Isa pa malaki ang utang na loob ko kay Sir Al pati na rin kay Boss Raine. Asahan n'yo pong babantayan kong maigi ng kambal." "Nakilala mo na sila, Kuya Vin?" "Opo, Ma'am. Kamukhang-kamukha sila ng kanilang ama." Matapos ang pag-uusap na iyon, pinayagan ko ng makapunta sa park ang kambal. Kasama naman nila si Kuya Vin. Mapagkakatiwalaan naman siya at ilang beses niya na iyong napatunayan. Pinasama ko na rin sina Yaya Nelia at Yaya Julie para may mag-alaga sa kanila. "So, anong plano mo ngayon, anak?" tanong ni dad habang nag-aalmusal ako. Kasabay niyang nag-almusal kanina ang kambal at ngayon ay nagkakape siya. "Para sa kambal, dad?" Tumango siya. "Tulad po ng naunang plano, sa bahay ni Raine sila titira. Sa kabilang probinsiya iyon at tahimik ang lugar na iyon kumpara dito sa Sta. Isabel." "Napag-isipan mo na kung kailan kayo lilipat?" Humigop siya ng kape. "Nagsasawa ka na sa amin, dad?" Nakangiti kong biro. Tumawa naman si mommy. "Hindi naman sa gano'n, anak. Mas okay nga kung nandito kayo. Magkakasama tayo. Kaya lang alam mo naman na delikado sa kambal kung magtatagal sila dito sa Sta. Isabel." Nakuha ko naman ang ibig iparating ni dad. "Baka sa susunod na araw dad makalipat na kami. Maayos naman na yong bahay. Pero gusto kong makahanap muna ng condo na matitirhan. Masyadong delikado kung titira ako kasama ang kambal. Tutal may bodyguard naman sila at yaya kaya wala na akong problema. Dadalawin ko na lang sila palagi." May sumilay na ngiti sa mga labi ni dad. "Maganda ang plano mo, anak. 'Yon din sana ang isu-suggest ko sa 'yo." May kinuha ito sa bulsa niya at iniabot sa akin. Isa iyong susi. "Para saan 'to, dad?" tanong ko. "Regalo namin ng mommy mo. Susi ng bago mong condo. Dapat ibibigay namin 'yan sa 'yo no'ng graduation mo kaya lang sa States ka nagtapos ng pag-aaral. High school ka pa no'ng bumili kami ng unit do'n. Inilaan talaga namin para sa 'yo." Maluha-luha kong pinagmasdan ang susi sa kamay ko. Tumayo ako at pumunta sa gawi nina mom at dad. Niyakap ko silang dalawa. "Thank you, mom. Thank you, dad." "Para sa 'yo talaga 'yan, anak." "You deserved it, baby," nakangiting wika ni mommy. "I love you, dad. I love you, mom." "I love you, too, anak," maluha-luha si daddy nang halikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I love you, too, baby," wika ni mom habang nakayakap sa akin. Paano na kaya ako kung wala sila? Si daddy na akala ko napaka-istrikto noon pero tinanggap pa rin kami ng mga anak ko nang walang panunumbat. Kahit na sinuway ko sila noon pinatawad pa rin nila ako. Matapos mag-almusal nagpalit ako ng black fitted dress. Sleeveless iyon at hanggang tuhod ang laylayan. Nagsuot din ako ng high-heeled shoes at naglagay ng kaunting make-up. Inilugay ko lang ang buhok ko na  hanggang baywang. Sinipat ko ang sarili sa salamin. Mukhang akma na sa pupuntahan kong lugar ang suot ko. Masyadong class ang lugar kung saan bumili ng unit sina daddy. Nakakahiya naman kung hindi ako mag-aayos. Ayoko namang maging alangan sa lugar na iyon. Ayon sa nabasa ko sa mga fliers, mga maykaya lang ang nakakabili ng unit doon kaya hindi na ako magtataka kung iyon ang napili ni dad. He only wants the best for his only daughter at labis kong ipinagpapasalamat iyon. Hindi man naging masaya ang kabataan ko noon, bumawi naman siya nitong nakaraang pitong taon. Hawak ang puting purse sa kanang kamay, bumaba na ako at dumiretso sa garahe. Kotse ni daddy ang gagamitin ko. Bumangon na naman ang inis na kinikimkim ko nang makita ko na naman ang mga tauhan ni dad na paroo't parito na animo'y nagpapatrolya. Parang mga tanga. Hindi talaga ako sanay makakita ng gano'n karaming mga tauhan. Mas marami pa ito sa mga nakita kong tauhan ni Raine noon. Binuksan naman nila ang gate nang makitang papaalis ako. Mabilis kong pinasibad ang kotse dahil excited na akong makita ang unit na regalo ng parents ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng unit ng may sumungaw na isang pamilyar na mukha sa katabi nitong pinto. "Rose?" Nakangiti ito nang makita ako. "Cathy? Dito ka nakatira?" tanong ko. Tumango siya. "Di ko akalain na ikaw ang nakabili ng unit na 'yan. Matagal nang bakante 'yan." "Graduation gift ng parents ko. High school pa raw ako no'ng binili nila 'to." "Good for you, Rose and congratulations! Tapos ka na ng pag-aaral." "Thank you." Ngumiti ako sa kaniya. "Gusto mo pumasok?" alok ko dahil nakakahiya naman kung doon kami sa labas mag-uusap. "Next time na lang siguro, Rose. Tumawag kasi si mama. Pinapupunta niya ako sa bahay ngayon. Pasensiya na, kailangan ko ng umalis. Bye, Rose. Pasensiya na ulit. I'll make it up to you next time." "It's okay, Cathy. Bye. Ingat." Nang makaalis si Cathy, pumasok na ako sa loob ng unit. Fully furnished na pala ito. Simula sa sala hanggang sa kusina maging sa kwarto. Maayos na lahat. Pwede na akong lumipat anumang oras. Light pink ang pintura ng buong unit. Napangiti ako. Hindi pa rin nila nakakalimutan ang paborito kong kulay. Puti ang kulay ng sopa at hindi nakaligtas sa paningin ko ang picture na naroon sa maliit na mesa sa tabi nito. Picture naming tatlo nina mommy at daddy. Nakangiti kaming tatlo sa picture na iyon. Kuha iyon nong g-um-raduate ako ng high school. Sunod kong pinuntahan ang kitchen. Kumpleto na rin sa kagamitan tulad ng oven, refrigerator at gas range.May dinning table doon na hindi naman kalakihan. Round table iyon na may anim na upuan. May utensils na rin. Groceries na lang ang kulang. Mamimili ako ng mga kakailanganin ko mamaya. Maayos din ang magiging kwarto ko. Simula sa bed sheets, kurtina at dresser ay wala kang maipipintas. Lahat mamahalin. Matapos tingnan ang kabuuan ng condo bumaba na ako at nagpasyang pumunta muna sa coffeeshop. Nami-miss ko na naman si Raine. Tulad ng dati umupo ako malapit sa grand piano habang hinihintay ang in-order ko. 'Yon talaga ang paborito kong mesa noon pa. Parang nai-imagine kong narito lang si Raine, tumitipa sa piano habang kumakanta. Napabuntong-hininga ako. Nang dumating ang in-order ko, sumimsim ako ng kape habang patingin-tingin sa grand piano pero wala man lang maglakas ng loob na umupo doon at kumanta. Nakatingin naman sa akin ang ilang waiter na animo'y nahihiwagaan sa hitsura ko. Ngayon lang siguro sila nakakita ng babaing nakaitim. Weird. Matapos magbayad, sumakay na ako sa kotse at tinungo ang pinakamalapit na mall. Ngayon ko lang napagtanto na hindi man lang pala kami nakapag-date ni Raine sa mall. Lagi lang kami sa coffeeshop niya, sa restaurant  at ang di ko makakalimutang date namin no'ng magpropose siya sa akin. Sa rooftop iyon ng hotel na pag-aari ng kanilang pamilya. Matapos mai-park ang sasakyan, pumasok na ako ng mall at naglakad-lakad. Pumasok ako sa isang botique na may naka-display na mga damit na pambata. Bibilhan ko ang kambal. Sunod kong pinuntahan ang isang bookstore. Mahilig magdrawing si Nessa samantalang si Nell naman ay nahihilig sa pagbabasa. Bumili ako ng ilang drawing books at mga story books na pambata. Tiyak kong magugustuhan nila iyon. Iniwan ko muna sa kotse ang mga binili ko at bumalik sa loob ng mall para mag-grocery ngunit nakaramdam ako ng gutom kaya naghanap muna ako ng restaurant. Habang naglalakad ay may napansin akong furniture shop sa di kalayuan. Katabi ng shop na 'yon ay isang art store. May mga nakadisplay na paintings at hindi ko alam kung bakit parang may umuudyok sa akin na puntahan iyon. CAM's ARTS AND CRAFTS— iyon ang pangalan ng art store na iyon. Pumasok ako sa loob para tumingin ng mabibili. Malaki ang espasyo ng store na iyon na nahahati sa dalawa. Sa una makikita mo ang mga native handicrafts na nakadisplay. Ang mga produkto dito ay gawa sa iba't-ibang panig ng bansa tulad ng mga bags, pouches, hats at mga hair acccesories. Sa pangalawa naman ay makikita ang mga nakasabit na painting sa dingding. Para akong nasa isang art exhibit. Habang tinitingnan ang mga painting na naroon parang gusto kong lumuha. Karamihan sa mga ito ay nasa tabing dagat ang setting.  May nakita akong naka-frame roon na larawan ng isang yate kung saan may couple na nakatanaw sa malawak na karagatan. Mararamdaman mo ang nag-uumapaw na pag-ibig nila sa isa't-isa. Nakahawak ang mga kamay ng babae sa railing habang nakayakap ang isang lalaki sa likod nito. Parehas silang nakatalikod at nakikipagsayaw sa hangin ang mahabang buhok no'ng babae. Parang may naalala ako sa painting na ito. Tumingin pa ako sa mga nakasabit doon at ang labis kong ipinagtataka ay kung bakit walang mukha ang mga tao sa painting. Hindi ba marunong gumuhit ng mukha ng tao ang pintor ng mga ito? Maayos niya namang naiguhit ang mga magagandang tanawin. Pero bakit walang mukha? Karamihan sa mga ito ay nakatalikod. 'Yong iba naman ay naka-side view. Naroon 'yong saya na nais ipakita ng pintor sa kaniyang mga obra pero bakit parang nakakaramdam ako ng kalungkutan? Napatitig ako sa isang painting kung saan may nakaupong babae sa bench na nalililiman ng mayabong na punongkahoy. Nakatalikod siya kaya hindi makita ang mukha.  Sa likod niya ay may nakatayong isang lalaki habang ang kanang kamay nito ay nakapatong sa kanang balikat ng babae. Nakaharap sila sa dagat at nakatanaw sa dalawang batang masayang gumagawa ng sand castle sa dalampasigan. Naka-pony tail ang mahabang buhok no'ng batang babae samantalang nakasuot naman ng kulay pula na cap 'yong batang lalaki. Di ko namalayang tumulo na ang mga luha ko sa ilang minutong pagtitig sa painting na iyon. Para kasing inilalarawan nito ang buhay ko, ang buhay namin ni Raine. "Rose?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD