Chapter 32 "Gusto kong pakasalan mo ang anak ko, hija." Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa kaniyang isipan ang sinabing iyon ni Javier. Hindi alam ng dalaga kung ano ang isasagot sa mag-asawa nang sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto niyang umoo, pero nakakahiya gayong wala namang sinabi sa kaniya si Leester, ni hindi nga nito nababanggit ang tungkol sa kasal. "Rose, tulala ka na naman," pansin ni Cathy sa natitigilang kaibigan. "Huwag mo masyadong isipin ang sinabi kanina ni papa." Ngumiti ito at tiningnan ang damit na isusuot ni Rose sa annual party. "Sinabi iyon ni papa para alam niya kung ano ang isasagot niya mamaya sa party. Kagaya ng sabi ko sa 'yo noon, ikakasal na si Kuya Leester nang mangyari ang aksidente, kaya malamang uungkatin iyon ng mga miyembro

