Chapter 31 "Yaya, hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko." Maluha-luha si Rose habang nakayakap kay Yaya Nelia matapos sabihin dito ang tungkol sa ama ng kambal. "Paano ko sasabihin sa kambal na buhay ang ama nila gayong kahit ako ay hindi maalala ng kanilang ama?" Patuloy lang ang pag-iyak niya kaya hinaplos na ni Yaya Nelia ang likod ng dalaga. "May awa ang diyos, hija. Gagaling din si Raine." Ngumiti ito at kumalas sa pagkakayakap sa dalaga saka pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Pitong taon na siyang walang maalala at pitong taon na rin siyang itinatago ng kaniyang pamilya." Napailing ang dalaga. "Kaya pala hindi siya basta-basta nahahanap ng mga tauhan nina daddy at Tito Anton. Napakagaling magtago ng mga Monteero." Sinaid niya ang laman ng baso at muli iyong sinalinan ng alak.

