Chapter 34 Nakahinga nang maluwag si Rose nang bumungad sa kanilang harapan ang pinakamamahal niyang kotse, si Saviour. Naroon sa driver's seat si Vin, nakabukas ang pinto ng sasakyan na para bang sila na lang ang hinihintay na sumakay. "Ma'am Rose!" sigaw ni Vin. "Bilisan n'yo po, parating na sila. Hindi pa tapos magsalita si Vin narinig na nila ang mga putok ng baril. Dali-dali silang pumasok sa loob ng sasakyan pero huli na ang lahat, humandusay ang ilang tauhan ng mga Monteero. At nang maisara na nila ang pinto ng sasakyan ay doon lang napansin ni Rose na may tama siya sa kaliwang braso. Mabilis niyang hinawakan ang bahaging dumudugo at napaaray siya sa sakit. "Kuya Vin, dalhin mo ako sa pinakamalapit na ospital," kandautal na wika ng dalaga. "May tama ako." Napamura si Leester na

