Chapter 35 "Damn!" sigaw ni Leester matapos damputin ang lampshade saka ibinalibag sa pader dahilan para malaglag ang wedding picture ng mga magulang na nakasabit doon. Pati ang mga sopa sa living room ay hindi rin nito pinatawad, pinaghahagis nito ang mga iyon at walang nagawa ang mag-asawang Monteero. Awang-awa ang mga ito habang nakatingin sa panganay na anak. Ramdam nila ang sakit na pinagdadaanan nito pero wala silang magawa para patigilin ito sa pagwawala dahil alam na nila ang mangyayari kapag sinaway nila ito. Masyadong matigas ang ulo ni Leester at iyon yata ang hindi nagbago simula nang magka-amnesia ito. "I will kill him! I will kill him!" Nahintatakutan ang mga katulong sa narinig, maging si Cathy na sana'y paalis na sa mansiyon ay biglang bumalik para alamin kung ano ang nan

