Chapter 50 "Papa," saad ni Kyle nang makaalis na si Rose sa library. "Sa lunes na ang dating ni Tooffer." "Bah!" Ngumiti ito nang mapait. "Mabuti naman at naalala niya pang umuwi ng bansa." Nagtatampo ito dahil nitong mga nakalipas na taon ay hindi man lang sila dinalaw ng kaniyang anak-anakan. "Talaga, Kyle?" Napangiti si Charlotte at sumungaw ang luha sa gilid ng mga mata. "Sa wakas, mabubuo na rin ang pamilya natin." Tumango lang si Kyle at tumingin sa ama. "Huwag na kayong magtampo, papa. Alam naman natin ang dahilan kung bakit hindi siya basta-basta makauwi ng bansa. Malaki ang problema niya ngayon." Bumuntong-hininga ito at tiningnan ang mensaheng dumating sa hawak na cellphone. "Mas mabuti ng umuwi siya nang sa gano'n makatulong man lang tayo sa mga problema niya, anak," saa

