Chapter 49 "B-in-lackmail niya ako," wika ni Javier dahilan para matigil ang dalaga sa tangka nitong paglabas. Napako ito sa kinatatayuan na ikinangisi ni Kyle. "Wala akong nagawa kundi umayon sa gusto niya," patuloy pa ni Javier. "Mapanganib si Aurora lalo na't alam na niya ang totoong kalagayan ni Leester." "That's right, Rose," sabat ni Kyle. Doon na kumawala ang tinitimping galit ng dalaga. Humarap siya sa mag-ama saka nagsalita, "babae lang 'yon, pero natakot kayo?" Wala siyang pakialam kung nagmumukha na siyang bastos dahil sa mga binibitiwan niyang salita. Galit siya at sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Kaligayahan niya at ng kambal ang nakasalalay dito. "Ang tinitingalang pangalan sa mundo ng mga sindikato ay natakot sa isang pipitsuging social climber lang." Halata sa

