Chapter 8 ISABELLA ROSE POV Tuwang-tuwa ang kambal nang makalipat na kami sa bahay ng kanilang ama. Palagay ang loob ko sa bahay na ito dahil narito ang alaala ng pinakamamahal ko. Tahimik ang probinsiyang ito kumpara sa Sta. Isabel. Iilang tao lang din ang nakakaalam na dito kami nakatira. Matapos maghapunan, ipinakita ko sa kambal ang picture namin ng kanilang ama. Nakapaloob iyon sa photo album na mismong si Raine ang bumili. Gusto kong ipakita sa kanila ang mga naiwang alaala ni Raine -pictures, videos niya habang kumakanta at maging ang paborito naming lugar. Sa ganoong paraan makikilala nila ang kanilang ama at malalaman nila kung ano ang pinagkakaabalahan nito no'ng nabubuhay pa. Alam kong hindi na siya babalik kaya gusto kong manatiling buhay ang kaniyang mga alaala sa puso nam

