Chapter 9 ISABELLA ROSE POV "Hello, baby?" dinig kong wika ni mom sa kabilang linya. "Ready ka na ba para sa dadaluhan nating party?" "Yes, mom." "Susunduin ka namin, baby." "No need, mom. Just send me the address, please. Doon na lang po tayo magkita," wika ko sa kabilang linya. Hassle naman kasi kung susunduin pa nila ako. Kaya ko namang magpunta mag-isa sa venue. Bago lumabas ng unit, sinipat ko muna ang aking repleksiyon sa salamin. Nakasuot ako ng itim na cocktail dress. Backless iyon at semi-see through ang dibdib. Hanggang sakong ang haba niyon at sinadya kong hanggang sa kaliwang hita ang slit. Sa kabilang hita naglagay ako ng maliit na baril gaya ng laging ginagawa ni Raine sa tuwing may pupuntahan kami noon. Naka-messy bun ang buhok ko at naglagay na rin ako ng make-up na

